Chapter 2 Mr. Weirdo

44 2 0
                                    

Chapter 2

ELLY's POV

Eto nanaman, papasok nanaman ako.... Anu naman kayang magandang mangyayare saken sa araw na ito?  Magiging ok kaya? Parang tinatamad akong pumasok. Pero di naman pwede.. magagalit ang mama ko...

Nasa labas na ako ng gate, tinitigan ko mabuti ang school namen.... Golden C University.. oo yun ang name ng school ko. at karamihan sa mga nag aaral dito ay mayayaman at may kaya. Nagkataon lang na dito kame pinag aral ng mga magulang namen dahil yung lolo ko din ang nagsusupport sa pag aaral namen dito. besides kayang kaya din naman ng mom namen na pag aralin kame dito, kaso offer na din ni daddy toh samen dahil sabi ni lolo, iconsider nadin daw namen na isa itong offer na toh sa pamana nya sa daddy namen.... Si kuya, kahit naman di yan suportahan nina lolo kayang kaya nyang mag aral dahil basketball player siya ng school na toh at sikat na sikat talaga siya.

"Anu Elly, tatayo ka nalang ba jan sa labas? kahapon pa tayo pumasok ngayon mo lang pinagmasdan yan.", sabi ng kuya kong ubod ng gwapo...pilyo nga lang.

"Kuya naman eh... " sumunod na akong pumasok sakanya sa gate...

Sa room...

Uupo sana ako dun sa date kong inuupuan, kaso may bag ng nakalagay.. since, yun nalang ang bakante sa katabing upuan, dun nalang din ako naupo.

Hay.. walang magawa.... nilabas ko muna yung notebook ko at signpen ko para isulat yung ibang schedule namen.....

"You are Elly, right???".. sabi nung nasa harap ko... pag angat ko ng ulo ko, dun ko lang napansin na siya pala yung lalaking nakabangga saken kanina...

"Oo, bakit?? anung kelangan mo? manghihiram ka ba ng ballpen? Sorry wala akong extra." sarcastic na sabi ko sakanya.

"Eto naman.. hindi ah.... gusto ko lang humingi ng sorry sa pagbangga sayo kahapon.. di na ako nakapagsorry ng maayos.. pasencia kana ha?"... ayun, marunong naman palang magsorry ang luko... hahaha

"Ok, apology accepted!.." at nginitian ko siya...Then iniaabot nya ang kamay nya.

"By the way, My name is Tobby, Tobby De Guzman..." ngumiti siya saken ng ubod tamis... grabeh ang pogi nya lalo...

"Ehem... uy Tobby, di mo ba ako ipapakilala sa kausap mo?", sabi nung isang girl na nasa likod nya..

"Hi, ako na magpapakilala sa sarili ko, im Kristine Amber Par... and you are,,". ang ganda nya, para siyang manika. may pagka curl yung buhok nya. i think natural nang ganun talaga yung buhok nya. Tapos ang kinis at ang tangkad. grabeh wala akong masabi kundi ang ganda nya.

"Elly Rose Marisse Lujan. :)"... nginitian ko siya..

"Really? how are you related to Lerry Lujan?.." sabik na pagtatanung nya.. as usual alam ko na kung bakit... sige na, ang kuya ko na ang sikat sa school na toh. at ayokong makilala nang dahil siya ang kapatid ko... haha kaya ko ding maging sikat noh!

"Ah... siya... hehehe secret..." hehehe obvious bang magkapatid kame?.. oo gwapo ang kuya ko, abah kung gwapo siya maganda naman ako.. di nga lang kame magkamukha...

"haha.. Pasecret secret kapa.. eh mukha namang magkapatid kayo." sabi nung Toblerone na yun, este Tobby pala.

"Yun? kapatid ko? hindi ah.." Nakakainis naman ang hina ko talaga magpalusot.

"Kung kapatid mo siya, you are so very lucky to have him." sabi nung kristine.., "If ever na wala kapang kasabay sa lunch, sabay na tayo pwede? kase wala din naman akong makakasabay eh."

"Anung wala? kanina, inooferan kita na sabay na tayo, sabi mo may iba kapang kasabay." reklamo ni Tobby,.

"ah.. oo nga, sabi ko nga yun.. eh kase nga siya yung balak kong makasabay for lunch.", sabay kindat saken ni Kristine.

"kaya nga ako lumapit dito kay Elly eh, kase siya nalang yung iimbitahan ko for lunch.".. sumama naman ang tingin ni kristine kay tobby...

"Teka, teka, teka! bakit ba nagtatalo pa kayo, edi mas mabuti pang tayo tayo nalang ang magsabay sabay for lunch.. anu? ok na ba yun?". 

"Ok!"..

Nagbell na, senyales na mag iistart na ang klase... 

"Gudmorning class, i am Professor Dexter Martinez for the subject Programming. Since, ngayon meeting palang naman naten, maybe nextweek pa tayo makakapasok sa computer lab for hands on.".. ah.. ok it means na nextweek pa talaga ang regular class..

Napatingin ako sa katabi kong upuan, bakit yung may ari ng bag ay wala pa dito?? anu yun? yung bag nya ang aattend ng klase?

Maya maya lang, may pumasok na ng room... si mayabang na naka black kahapon.

"Oh.... Mister..... Late kana... for this very first subject." , sita ni Sir Dexter.

"I'm really sorry sir.", tipid nyang sagot.

"ok, find your place."... sabi ni sir...

hala... teka.. ibig sabihin siya yung makakatabi ko? kanyang bag toh?? oh please.. no.. no.. no way!! ayoko po siyang makatabi...!

Tumigil siya banda sa harap ko.. hindi ko siya tinitignan sa mukha pero pakiramdam ko saken siya nakatingin... namukhaan nya kaya ako??? Grabeh classmate ko pala ang mokong na toh.

"Pwede padaan?"... ay naku nakaharang pala ang paa ko sa dadaanan nya... then i give way to him... ang tipid at ang seryoso nyang magsalita.. parang patay na ewan eh.

Hindi na ako kumportable sa kinauupuan ko.. paano ba naman,  parang nakakatakot kumilos ng kumilos pag siya ang katabi ko.. tapos ang bango bango pa... wahh! . anu yung sinasabi ko?! erase erase,,,.

Nagpakilala pa muna kame isa isa ..

"Hi everyone, My name is Tobby De Guzman, well, kilala nyo naman ako dahil karamihan sa inyo ay fans ko.. hahaha just kidding.".. grabeh ang lakas naman makapagbuhat ng bangko nitong si Tobby... pero natawa naman lahat ng mga classmates ko except sa katabi ko.. napaka seryoso.. 

"I am Kristine Mae Amber Par... i hope everyone will like me." natatawang sabi nya... mukha namang madami siyang friends dito sa room kase halos lahat nakangiti sakanya... makakita ka ba naman ng nagsasalitang barbie doll. haha.

Madami na ang natawag at di ko namalayan na turn ko na pala... tumayo agad ako... umubo ng konti... "Ako nga pala si Elly Rose Marisse Lujan..." then everyone says "uwwwwwww....." tapos bulong bulungan na... narinig ko pang sabi nila na:

"Siya ata yung kapatid ni Lerry.. "

"May kapatid palang babae si Lerry... akala ko kase lalaki yung kapatid nya.. sabi kase ng ate ko madalas daw makalaro ni Lerry kapatid nya sa basketball."

Sari - sari na talaga si kuya, pati ba naman paglalaro namen together kwinekwento pa nya sa mga kaklase at kakilala nya... eh kung tutuusin taga pulot lang ako ng bola nya eh! hanep talaga tong kuya ko! Grrr..

Umupo na ako. nawalan ng ako ng gana na magpakilala... 

"I am..." napatingin ako sa katabi ko... tinitigan ko siya, ang gwapo.. perfect na perfect talaga... malalaman ko na kung anung pangalan nya,,, nagulat ako ng saken siya tumingin habang sinasabi ang pangalan nya. "Michael Ray Hyun.... and ......ayoko ng ginugulo ang buhay ko, dahil once na mangyare yun...You will regret it.." tumahimik ang buong klase... anung ibig nyang sabihin dun? bakit ganun siya? napaka weird nya..sinamaan ko siya ng tingin... feeling mo naman interesado ako sayo?! grabeh. sobra na ang kayabangan nya. Ibang klase siyang magpakilala... sasabihin lang pangalan nya, mananakot pa siya.. pati ang prof ko parang natulala sakanya eh. Magbanta ba naman?. 

Umupo na siya, at pagkatapos nun, nag ring na ang bell..

Nakahinga ako ng maluwag...

====================

Author: 

Thanks for reading.. vote please para makapag update ulit ako.. salamat :)

Forever Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon