CHAPTER 15 - ??

138 32 0
                                    

Third P.O.V

"Ano ba yang itsura mo, Dark!" Sigaw ni Kyla kay Dark na nanatiling balisa at panay ang hawak nito sa krus.

Hindi pinansin ng Dalaga ang mga tingin ng barkada nya at ng ibang istyudante sakanya. Paano ba naman kasi, naka suot sya ng maraming krus sa leeg at may hawak-hawak pang Bible ang dalaga. And take note, yakap yakap pa.

"Akala ko si Kyla lang ang mukang tanga sa barkada, pati pala sya." Sabay higop ni Xanya ng kape. Napatingin naman ng masama si Kyla kay Xanya.

"What? She's just saying the truth." Sangayon ni Xandria kay Xanya sabay halakhak kay Kyla.

"Alam nyo? Mga bwisit kayo." Sabay ingos ni Kyla sa dalawang dalagang nag tatawanan.

Habang si Dark naman ay nanatiling walang imik at panay ang lingon sa paligid. Para ba itong may tinatakasan na mga pulis kung mag tago.

"But, seriously... may sapak kana ba sa utak, Dark?" Agad namang napatingin ng masama si Dark kay Xandria na nakapalungbaba sa harapan nya.

Para bang sinusuri kung nababaliw na ba talaga sya sa mga titig nito sakanya.

"Just joking " sabay ayos ng upo ni Xandria.

Napaikot naman ng mata si Dark, hindi nakakatulong ang maga bully nyang kaibigan sa sitwasyon nya.

"not funny." Walang ganang tumingin si Dark sa Tatlong dalagang nasa harapan nya.

"Come, on! Tell us, I swear hindi kami tatawa." Seryosong saad ni Xanya sakanya.

"Merong nagpapakita saaki-" nabitin sa ere ang mga dapat na sasabihin ni Dark, Dahil pagkatingin nya sa likod ng mga kaibigan nya ay, May isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuang lamesa sa kanila.

Nakangisi si Marcus sakanya at Sumenyas pa itong pugot ulo sabay kindat sakanya.
Tila ba alam nitong may balak syang sabihin sa mga kaibigan nya.

"What?!! May nag papakita sayong ano?! Ano sabi eh?!!" Tarantang tanong ni Kyla sa kaibigan na namumutla na.

Napatingin ito sakanya at nginitian sya nito. "I-i have to-to go. May klase pa-pala ako." Sabay kuha ng bag nito sa katabing upuan at saka nagmamadaling umalis ang namumutlang dalaga.

Nagtatakang nagkatinginan ang tatlong babae sa inasta ng kaibigan nila. What the hell is that?!

**********

Tahimik na nanalangin ang dalaga, na sana naman! Huwag syang gambalain ng lintek na multo na iyon.

Nakaupo sya ngayon sa likod ng building nila, kung saan matatagpuan ang malinis na mga grass at dalanh swing.

Tahimik at malamig ang simoy ng hangin sa likod ng building na iyon. Matagal nya na itong alam, pero mas pinili nyang huwag pang ipaalam sa iba.

Para, may secret place sya kuno.

Hawak hawak parin nya ang Bible at panay ang himas sa Crus na nakasabit sa leeg nya. Ng biglang tumunog ang telepono nyang nasa bulsa ng palda nya.

"Nagulat ako, jusme." Dahan dahan nyang binuksan ang cellphone at tinignan kung sino ang nag messege sakanya.

Halos mabitawan nya ang telepono ng makita na ang multo ang nag messege sakanya.

Marcus; Nasaan ka, ngayon?

Huminga sya ng malalim at saka hinimas mulo ang Crus bago sagutin ang messege sakanya.

Dark; Malayo! Malayong, malayo sayo!

Wala pa atang 10 segundo ng tumunog muli ang kanyang cellphone.

Marcus; edi pupuntahan kita, para hindi kana malayo saakin.

DID HE REALLY DIED?! (ON - GOING) (under revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon