PROLOGUE

5.4K 97 0
                                    

PROLOGUE

"Hyung!!" Tawag nang batang babae sa kanyang Kuya na kadadating lang sa kanilang mansion. Masayang sinalubong nang batang babae ang kanyang Kuya.

(Translation: boy older than him or an older brother )

"Do you miss me? Dongsaeng" Tanong nanang kanyang Kuya sa kanya habang nakangiti. Binuhat naman Siya nang kanyang Kuya. (younger sibling or someone younger than you)

"Ne!! Hyeong!!" Masiglang Sambit niya habang nakapulupot ang kamay niya sa Leeg nang kanyang Kuya. (translation: Yes Older Brother)

Ibinaba siya nang kanyang Kuya at Hinawakan ang kanyang kamay " Thạc sĩ trẻ, phụ nữ trẻ. bạn đang tìm kiếm cha của bạn." Sambit nang kanilang Butler sa magkapatid kaya naman Napangiti ang mag kapatid at parehas na Tumango tango sa Butler nila. (Translation Vietnamese: Young master, young woman. You are looking for your father.)

(Samantha Collin POV.)

Masayang masaya ako ngayon dahil makakasama ko si Kuya Samuel at makakasama ko rin sila Mama at Papa at lahat nang pamilya namin. Mayroon kasing malaking pagtitipun dito sa aming mansion.

"Family Reunion" Nakangiting Sambit ni Kuya sa akin kaya naman Tumango tango ako sa kanya.

"Hyung. can you buy me a new toy" Sambit ko Kay Hyeong nang Nakangiti kaya naman Tumango tango sa akin si Hyung.

"Pero kailangan mo munang mag bihis nang damit mo" Nakangiting Sambit sa akin ni Kuya Samuel kaya naman Tumango tango ako sa kanya.

Pumasok kami nang Butler sa loob nang kuwarto ko."Young lady. kailangan ninyo na pong mag bihis. Ito na po ang inyong susuotin" Sambit sa akin nang aking Butler kaya naman Tumango tango ako sa kanya.

Lumabas na ang Butler kaya naman mag bibihis na sana ako Nag biglang may.

*BOOGSH!!* *BOOGSH!!* *BOOGSH*

bigla Kong nabitawan ang aking dala-dalang damit at Mabilis na tumakbo papuntang pintuan. Binuksan ko ang pintuan ko at Nagulat ako nang biglang hinila ako ni Kuya papasok nang kuwarto ko.

Kasunod naman niya sila Mommy at daddy. Napaisip ako kung anong nangyayari. "Daddy! What happen?" Takang tanong ko Kay daddy na may dala na ngayong baril.

Hindi ko Alam pero parang naiiyak na ako ngayon. Napapikit na lang ako nang makita ko si Mommy na may dugo sa kanyang beywang kaya naman "Mommy!!" Sigaw ko nang bigla na lang Natumba si Mommy sa sahig.

Tumakbo ako papunta Kay Mommy at ganun din yung ginawa ni Hyeong at daddy. Lumapit sila Kay Mommy. Pinatung ni Daddy yung ulo ni Mommy sa kanyang hita.

"Hon. protektahan ninyo si Samantha" Sambit ni Mommy kaya naman napalakas ang pag iyak ko kahit na may sugat Siya ako karin yung iniisip niya.

Para akong Unti-unting pinapatay sa tuwing nakikita ko si Mommy na Unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata.

"Eomma!!!" Sigaw ni Kuya Samuel Kay Mommy. Habang ako naman nakatulala at Hindi ko Alam yung gagawin ko. Hindi ko Alam para akong sinasaksak sa puso ko. Hindi ko Alam kung anong gagawin ko.

"Samuel. Ikaw nang bahala sa kapatid mo" Sambit ni Appa Kay Kuya Samuel kaya naman tumingin sa akin si Kuya Samuel na parang alam ko na yung ibig sabihin ni Kuya kaya naman umiling-iling ako sa kanya.

"Appa! I don't want! I'll stay with you" Sambit ni Kuya Samuel Kay Appa. (Translation Korea: Father)

"Samuel. wag kanang matigas ang ulo. Ingatan mo ang kapatid mo wag mo siyang pababayaan" Sambit ni Appa Kay Kuya Samuel. Tumango tango naman si Kuya Samuel Kay Appa.

Tumayo si Appa at Nag lakad papunta sa cabinet. Binuksan niya yung cabinet at may isang taguan siyang Binuksan sa ilalim nito. Lumapit sa akin si Appa at hinila niya ako habang ako naman. nakaupo lang na parang ayokong Umalis sa tabi ni Mommy.

"Appa. I want to stay with you...Eomma..please.. what's going on?" Sambit ko Kay Appa habang umiiyak. Lumapit sa akin ni Appa at Hinawakan niya yung pisnge ko at lumuhod Siya sa harapan ko.

"Shhhht.. wag kanang umiyak. Princess.. kahit na anong mangyari wag kayong lalabas nang Kuya mo dun. at lagi mong tatandaan. wag kang mag papakita nang imosyon mo sa iba dahil Yan ang makakapag patalo sayo" Sambit sa akin ni Appa.

"APPA!!" iyak na Sambit ko sabay niyakap si Appa nang mahigpit.

Pumasok kami ni Kuya Samuel sa loob nang cabinet at isinara Ito ni Appa. Mag katabi lang kami ni Kuya Samuel doon sa loob. hanggang sa may pumasok sa loob nang kuwarto ko na limang mga lalaki.


Pinag sasapak niya si Appa. gusto Kong tulungan si Appa pero wala akong magagawa. isa lang akong hamak na isang bata at Walang alam. pero habang ginagawa nila yun Kay Appa.


May isang bagay na pumasok sa isip ko. Babalik ako at gaganti ako sa ginawa ninyo. buhay ang nawala kaya dapat buhay din ang kabayaran. Tinakpan ni Kuya Samuel ang bibig ko.



"Wag kang maingay maririnig nila tayo." Sambit ni Kuya Samuel sa akin kaya naman umiiyak ako na para akong isang pipe.


Unti-unting bumubuhos ang mga luha ko sa tuwing sinasapak nila si Appa. Nakita ko naman ang mga luha din sa mga mata ni Kuya Samuel. Tinanggal naman ni Kuya Samuel yung kamay niya sa bibig ko. kaya naman yung dalawa Kong palad ang inilagay ko sa bibig ko para hindi ako makagawa nang ingay.


Tiningnan ako si Kuya Samuel na tumutulo ang mga luha niya sa kanyang mata habang ang kanyang mga kamay ay nakayukom. Tiningnan ko si Appa na hawak hawak nang dalawang lalaki habang si Appa. putok na ang mga labi at ang kanyang Ilong at mata ay puno na nang dugo.


"Parang awa ninyo na. tama na" Pag mamakaawa ni Appa sa kanila pero hindi nila pinakinggan si Abba. dahil tinawanan lang nila ito.


"Naawa kaba nang mabangga mo ang asawa ko?! Naawa kaba ng mabaliw ang kapatid ko! Dahil sa ginawa ninyu sa anak niya? Hindi diba?!!" Galit na galit na Sambit nang lalaki sa aking Appa.


"Accident ang nangyari. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako" Sambit ni Appa sa kanya pero tumawa lang Ito na parang nakakainsulto.



"Aksidente?!" Sambit niya sa galit na galit na tono.


"Maawa kana Vincent.. H-Hindi ko sinasadya" Sambit ulit na Appa sa kanila pero hinampas lang nang Vincent na yun si Appa nang kanyang baril kaya naman napatumba si Appa sa sahig.

"Hindi mababalik ng pagmamakaawa mo ang buhay na nawala" Yan ang huling litanyang narinig ko sa lalaking yun.

Tatayo na sana ako para tulongan si Appa dahil naaawa na ako sa kanya nang pigilan ni Kuya Samuel yung kamay ko. kaya naman tumingin ako sa kanya at umiling-iling Siya.


Kaya naman bumalik ako sa dati Kong puwesto at tiningnan ko si Appa na nakatingin Siya sa amin habang Nakahiga Siya sa sahig na malamig.

Nagulat na lang ako nang nakarinig ako nang Tatlong sunudsunod na putok nang baril at ngayon nakita ko si Appa na bumukas ang bibig niya at Nag labas nang mga dugo.


Tiningnan ko kung Sino ang bumaril Kay Appa at nakita ko kung Sino Iyon. Yung lalaking iyon ay hinding hindi ko makakalimutan kahit kailan. Napaluha na lang bigla at hindi ko maibuka ang mga bibig na para akong napipe sa mga nangyari.


"Eomma, Appa" yun na lang ang tangi Kong Sambit at parang ang sarili Kong boses ay Hindi ko na din makilala.


~

still editing

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon