Chapter 1

11 0 0
                                    

Inimbitahan ng Pamilyang Gonzaga ang kanilang mga malalapit na kaibigan at investors ng Gonzaga Corporation sa isang hotel para ipagdiriwang ang kaarawan ni Ginoong Leon Gonzaga at ang opisyal na pagbubukas ng AL Fashion na pag mamay-ari ng kanilang anak na si Andrea.

Ang kanilang pamilya ay isa sa pinakamayaman at tanyag na pamilya sa Cebu. Si Ginoong Leon Gonzaga at Ginang Alliah Gonzaga ay biniyayaan ng dalawang princesa. Ang kanilang panganay ay si Andrea Louisse Gonzaga na siyang nagmamay-ari ng AL Fashion. Ang kanilang bunso naman ay si Alexandra Loraine Gonzaga na isang second year college student.

ANDREA'S POV

Ngayon ang ika-47 kaarawan ni Daddy at sa araw ding ito ipapakilala namin sa madla ang aking clothing line na AL Fashion. Alas 6 na ng gabi at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang kasiyahan sa function hall. Nandito pa rin kaming apat sa hotel room at hinihintay ang oras upang kami ay bumaba na.

"I'm very excited for your business anak. Almost lahat ng display sa labas ng hall ay sold out na sabi ni Sam." Sabi ni Mommy sa akin

"Thank you Mommy, kahit ako ay hindi din makapaniwala sa araw na ito." Sagot ko kay Mom at bumaling ulit sa cellphone ko. Kanina ko pa kasi tinetext si Rachel.

"Ate I'm so proud of you. Gusto ko kung ikakasal man ako ay ikaw yung magdesign ng gown ko." Sabi naman ni Lexa

"Kasal agad iniisip mo sis, hindi pa nga ako kinakasal oh. Tsaka you have to graduate muna. Chill ka lang." Sagot ko sa kanya at tumawa kaming apat

"Uunahan ka nga siguro nitong kapatid mo Andrea." Sabi ni Daddy

"Kailan mo ba planong magpakasal anak?" Tanong naman ni Mommy

"Minamadali niyo ata ako, eh noon nga ayaw niyo akong magkaboyfriend." Sabi ko sa kanila at parang nagbago ang atmosphere dahil sa sinabi ko

"Basta ate pag ikaw ikakasal ako ang Maid of Honor ha? Hindi si Ate Rachel hahahaha" Pag-iba ni Lexa ng usapan

"Hahahah sige ba. Basta take good care of yourself always." Sabi ko sa kanya

"Tama na nga ang usapang kasal, bumaba na tayo dahil hinihintay na tayo ng mga tao." Sabi ni Daddy at nagsi tayuan na sila. Nang mapansin nilang nasa bed pa rin ako ay napatigil sila.

"Ahh. Susunod na lang po ako, papunta na daw po kasi si Rachel dito." Sabi ko sa kanila

"Why don't you just see each other down stairs?" Sabi ni Mommy sa akin, raising her right brows.

"Mom, hayaan na natin sila ate Rachel. Mauna na tayo. See you later sis." Sabi ni Lexa

Lumabas na sila ng hotel room at ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas ang pintong muli at iniluwal nito si Rachel na parang tumatalon habang naglalakad na may napakalaking ngiti pa sa mukha niya.

"CONGRATULATIONS!" Biglang sigaw niya at may pa taas kamay pa

"Ang aga mo rin noh?" Yan lang ang sinabi ko sa kanya.


"Sorry naman girl, hindi kasi masyadong traffic noh? At least andito na ako. Kaya let's go!" Sabi niya, hindi ko alam kung galing siyang Veco o niluklok niya ang isang bote ng Enervon bago pumunta dito.

"Umayos ka nga parang Ethel Booba eh." Sabi ko sa kanya at tinapik ko ng malakas ang pwet niya.

"Teka nga girl, araw mo ito tapos nakabusangot ka. Anyare? Hindi ka ba masaya for yourself?" Tanong ni Rachel na para bang nagtataka talaga at umupo siya sa tabi ko sa bed side.

Naka-abangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon