"ANAK... may bisita ka."
Natigilan siya nang bumalik ang nanay niya. Nagpaalam ito sa kanya na maggo-grocery.
"Sino po 'nay?" Takang tanong ni Ava habang nag-aangat ng tingin mula sa binabasa niyang magazine.
Hindi inasahan ni Ava ang makikita niyang bisita, si Glaiza. Napatayo siya mula sa pagkakaupo.
"Glaiza!" gulat na sambit niya.
Kiming ngumiti ito sa kanya.
"Sige na anak... maiwan ko na kayo." Tumango siya sa nanay niya. Nagpasalamat si Glaiza rito bago sila iniwan.
Tumikhim siya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa presensya ni Glaiza. Inalis niya ang nasa isip at minasdan ito. She's wearing a colorful turban. She has loss weight and her face is still pale. Napakalayo ng hitsura nito sa dating Glaiza.
Ngumiti siya rito at lumapit. "Halika Glaiza, umupo ka."
Umiling ito. "Hindi rin ako magtatagal Ava. May sasabihin lang sana ako sa'yo," seryoso ang mukha nito.
Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Lalo siyang kinabahan na may halong takot.
Lumunok siya ng mariin. Matagal na niyang isinantabi ang nangyaring komprontasyon sa kanila noon. Isa lang naman ang gusto niya, at iyon ay ang magkasundo sila ni ni Glaiza.
"Tungkol saan?" abot-abot ang bilis ng kabog ng dibdib na tanong niya.
Tumingin ito ng tuwid sa mga mata niya. "Tungkol kay Cleon."
Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya ay sumikip ang dibdib niya. "A-Ano'ng tungkol kay Cleon?"
"Ava..." lumapit pa ito sa kanya. Her eyes are pleading at her. "Pwede ba akong humiling sa'yo?"
Hilingin na nito ang lahat... 'wag lang si Cleon. Kinalma niya ang sarili. "Ano iyon Glaiza?"
"Si Cleon..." dumaan ang kislap sa mga mata nito. Naramdaman niyang hinawakan nito ang isang kamay niya habang nakatingin sa kanya. "M-Mahal na mahal ko siya Ava... kailangan ko si Cleon." Bumikig ang lalamunan niya nang makitang tumulo ang mga luha nito. "H-Hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay ko... kung wala sa akin si Cleon." Umiling-iling ito habang puno ng luha ang mga mata. "Hindi ko kaya Ava... hindi ko kaya."
Nanginig ang katawan niya habang nakatingin rito. Kasabay ng tila mga patalim na bumabaon sa dibdib niya.
"A-At ano ang gusto mong gawin ko Glaiza?" garalgal ang tinig na tanong niya. Hinihiling niyang sana ay mali ang namumuong hinala sa isip niya. Dahil hindi niya iyon kakayanin.
Naramdaman niya ang pagpisil sa kamay niya. Nagsusumamo ang mga mata nito sa kanya.
"Gusto kong tuluyang maging akin si Cleon."
Pinanlamigan si Ava sa narinig. Naramdaman niya ang pagkawala ng mga luha niya. Marahas na binawi niya ang kamay mula kay Glaiza. Umahon ang sakit at galit niya para rito.
Ikinuyom niya ang mga kamay at tumingin rito. "An ill woman asking me to leave the man I love," mapait na saad niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Iyon ba ang gusto mong gawin ko Glaiza?" nasasaktang tanong niya.
Matagal na tumitig ito sa kanya habang lumuluha.
Ikinuyom niya ang mga kamay. "Sumagot ka!" Hindi na niya napigilan ang galit sa pagtaas ng boses.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomanceThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.