[Chapter Thirteen]
~Janine's POV~
"Aaaaah~ WHAT THE?!" Pagkatapos tapunan si Denden ng-- malabnaw na peanut butter? (Parang tae, Opps!) tumingin ako sa taas. Dalawang lalaki, makapal kilay nung isa yung isa naman liliparin nang tenga.
"Hayaan mo na .. Tara, maligo ka ulit. Balik ka na lang sa klase 'pag tapos ka na. Pat at Rain, iExcuse niyo si Den at Ako. Kukuha lang ako ng damit sa locker ko. May extra naman ako. Sige!" Sabi ko at nauna nang umalis. Medyo alam ko na naman papunta sa locker.
"HOY! Ganun-ganun lang yun?! JANINE!!" Sigaw ni Den pero 'di ko na lang pinansin. Para naman kasing hindi nila ako kilala. Tss.
Tulad nang sinabi ko, dumaretso ako ng locker ko't kumuha ng damit. Simpleng sleeveless white top na may print na 'I'm Sexy And I Know It'. Hindi ko 'to sinusuot. Bibigay ko talaga dapat 'to kay Den. Sakto naman ngayon. Tapos Black skinny jeans. Tss. Yan yung mga style ni Den eh -____-" Naka-Doll shoes naman siya eh. Okay na yun. Bawal maarte.
Pabalik na sana ako nang makita ko yung dalawang kumag.Hinarangan ko sila't kumunot naman ang noo nila tapos binigyan ko nang tig-isang suntok, syempre sa mukha, wala naman kaseng mawawala sa mukha nila. "SA SUSUNOD NA GAGAWIN NIYO YUN SA KAIBIGAN KO, YUNG WALA AKO!! ATSKA WAG NA KAYONG MAGPAPAKITAAAA~!!"
Halata namang nagulat sila. Tss. Bakit, ngayon lang ba sila nakakita nang babaeng-lalaki?!! TSS !!
"HEY!! Ako lang dapat ang nagawa niyan. And the both of you, GET THE HELL OUT OF HERE!!" Napatingin ako sa nagsalita. Sumulpot ang isang malaking Epal. Aalis na sana ulit ako pero hinawakan niya yung braso ko.
"Hey, wait. S-should I give her these flowers n-now?" Haaay~ Parang torpe. Uso ba yun?
"Yeah. And don't ever touch me. I'm allergic to you" Sabi ko saka pumiglas sa pagkakahawak niya.
"And oh, did you practice-- ay pwe! Yan na naman yung english ko. Nakakahawa ka!! Yung smile mo! Dapat hindi lang sa harap niya, pati sa ibang tao. Rule #1 Always SMILE. K. Bye" Tapos iniwan ko na siya. Sana naman madala sa flowers at smile si Alysha. Buti nga hindi yun nakakapit kay Rain ngayon. Hmmmmmmm..
Classroom ..
Umupo ako sa upuan ko, wala pa yung teacher. Si Rain at Pat palang, wala pa si Den. "Hinatid nyo ba si Den? May towel naman sa bawat locker diba? Eh wait, bakit wala pa siya? Ang tagal!" Reklamo ko sa kanilang dalawa. Kumunot naman pareho ang noo nila.
"Are you serious with what you've said?" Tanong ni Pat na kinakunot din ng noo ko.
"Seriously? Do I look like I'm joking? Tss. Common sense plss." Sabi ko saka inirapan siya. Mukha ba akong nagjo-joke?!
"Seriously? You brought here those white top and skinny that is supposedly her clothes!! Common sense plss." Aba! Ginaya pa yung tono ko't umirap. Arrgh!! Oo nga naman. Tss. Asan nga ba yung common sense ko? Eh sa hindi ko alam kung saan yung daan eh!! (A/n: Wag pong sasagutin ang sarili. NakakaT-nga. *Bows*)
Hinagis ko kay Pat yung dala kong damit. "Oh hala sige! Ikaw magdala dun. Hindi ko alam kung saan." Sabi ko.
Napabuntong hininga na lang silang dalawa at saka umalis. Syempre, wala naman silang choice no?!
********
Hanggang dyan Muna ! :))
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall InLove
Teen FictionPrologue : Nagsimula KAMI sa Sigawan. Puro Away at Asaran na lang. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo 'di makukumpleto kung wala iyon. Ako si Janine Laurent. Akala mo mabait? Well, sorry kabaliktaran iyon. Siga, Mataray at Mas...