Chapter 22Hiningal akong bumangon ng higaan. Para akong hinabol ng kabayo sa bilis ng pintig ng puso ko, nakakabinging kaba at takot. Namumutil din yung pawis ko sa noo at leeg.
Hindi ako naniniwalang panaginip iyun, totoong-totoo e. Yung takot at kaba ay totoo, malinaw na malinaw ang lahat.
I grabbed my phone on the bedside table. Pagka open ko ay may tatlong missed calls mula Kay Tita Ging, inignora ko ito at nag log in. Hindi ko tinapos kagabi ang news malamang may karugtong iyun.
Hinanap ko ang episode ng balita kagabi at pinanood ang buong pag rereport ng newscaster.
'patay ang bunsong Limapuriza sa hindi malamang dahilan. Ang sabi ay nakipagkarera daw ito sa di kilalang picked up palabas ng bayan bago ito nakompirma sa ospital sa kabilang bayan na dead on arrival....'
Natulala akong nabitawan ang cellphone ko at bumagsak ito sa kama.
Totoo yun, at ako ang nakabaril sa kanya. Walang pumasok sa isip ko,blanko. Nakatulala ako roon ng mahigit isang minuto. Kung hindi pa tumunog yung cellphone ko ay hindi ako mabalik sa realidad.
Brandon is calling. Napansin ko rin alas otso na pala ng umaga, mataas na ang sikat ng araw sa nakasarado kong bintana.
"Hello." Sagot ko ng walang emosyon.
Tahimik sa kabilang linya.
"Good morning." Marahan niyang sabi.
Para naman akong nabuhusan ng tubig at nagising sa matinding pagkatulala.
"B- Brandon..."
"What happened?" His tone is now worried.
"Bakit hindi mo sinabi?" Hilaw Kong tanong.
I heard him cursed.
"Are you alright? Nasaan ka? Anong ginagawa mo? Natatakot ka ba? Please don't panick."
Nagpanic ba ako? Di naman ah, siya siguro.
"Mona, speak up! Pupuntahan kita, nasaan ka?" He demanded.
"Kakagising ko lang." Agap ko. "I'm okay, magkita nalang tayo mamaya kapag libre kana... Medyo nagulat lang ako, how could I forget about it?... Brandon, I think your right..."
"About what?"
" I need to see a doctor. There is something wrong about my mind, sana lang hindi ito Alzheimers." Nakanguso kong sabi kahit labag sa loob kong sabihin ang salitang iyun. I know nowadays na hindi lang ang mga matatanda ang posibling tamaan ng kondisyong iyan, pati na rin mga kabataan. Sana lang ay mali ako. Nakakakilabot naman.
"Sasamahan Kita, may kilala ako." Sagot niya sa kabilang linya. "I'll be there in an hour."
Tinapos ko doon ang usapan namin. Naging palaisipan talaga sa akin ang nangyaring paglimot ko sa pagbaril kay CJ and Brandon just played along all the way, tarantado. Siguro pinagtatawanan na niya ako by now. Nakakahiya!
Nilikumos ko ng dalawang palad ko ang aking mukha, hindi malaman kung kaya ko bang humarap sa kanya. Even if he seems harmless ay nakakahiya parin sa side ko.
Wala ng tao sa bahay, si Tito ay pumasok ng trabaho at nasa eskwela naman ang mga pinsan ko. Naligo at nagbihis ako, isang simpling bistidang dilaw ang suot ko na may belt sa bewang. Eksaktong pagkatapos ko ay dumating ang kotse ni Brandon hindi tuloy ako nakakain.
He looked worried with his white poloshirt and a long pants, so handsome. Pagkakita ko sa kanya sa labas ng gate namin ay kinapa niya agad ang mukha ko.