A/N: Itong storya na aking isusulat ay purong kagagawan lamang na aking imahinasyon, kung nagkataon na merong kapareho ito sa totoong buhay ay wala na po akong kinalaman don =)) Sana po ay suportahan niyo ang aking pangatlong short story na pinamagatang "Dream" na pinangunguhan ng dalawa sa pinaka hinahangaang artista sa ngayon na sina Julia Barretto at Enrique Gil. Sana ay matuwa kayo sa purong kalokohan ko. Maraming salamat.
----
"Dream"
Julia's POV
Sabi nga nila, lahat daw ng tao sa panaginip natin ay nakita na natin. Meron mang hindi pamilyar sa panaginip natin, maniwala man tayo o hindi nakita na natin sila, maaring nakasalubong sa hallway sa school, sa mall habang namimili ka ng make-up, nakatabi sa bus kapag mag isa ka lang pumasok o kaya nagpaabot sayo ng bayad sa jeep. We can never can tell. Sa dami ba naman ng tao sa mundo diba?
Pero ang wierd lang kasi. Naranasan niyo na ba yon? Yung merong isang tao na laging nasa panaginip ko. Hindi ko makita yung mukha niya, hindi ko marinig yung boses niya, nakahood lang siya lagi tapos naka yuko, parang si Daniel Padilla sa G2B, pero syempre hindi siya. Hahaha!
Nawiwierduhan na talaga ako kasi 3 months na na ganun yung panaginip ko, nakakayamot at the same time nakakapagtaka kung sino yung lalaking yon? Nakita ko na siya before, sure ako don. Pero hindi ko alam kung saan o kelan? O papaano? Ang daming tanong sa isip ko tungkol sa kanya, ano kayang pangalan niya, taga saan kaya siya, ano kayang itsura niya, kakilala ko ba talaga siya? Ewan. Hindi ko masagot kasi hanggang ngayon hindi ko makita yung mukha niya sa panaginip ko.
"Hoy! Julia, aba? Lunch na kaya? Kanina ka pa tulala jan, buti nalang 'di ka nanaman na pansin ni Sir." Sermon ni Angela sakin, classmate ko. Yeah, eco time namin habang pinapaliwanag ko sainyo kung anong kabaliwan ang nangyayare sa panaginip ko.
BTW, I'm Julia Barretto, a 16 years old 4th year high school student, at the same time I am a model/actress, wala eh, nasa family na. Pero kahit naman artista ako wala paring iba, my friends, classmates and teachers treat me as a normal students, sa regular private school nga lang ako nag aaral eh.
"Ay, sorry na. Tara na nga, gutom na ako." Sabi ko naman kay Angela.
Habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen, hindi ko maalis sa isip ko kung isa ba sa mga taong nakakasalubong ko dito yung lalaki sa panaginip ko. Alam ko naman kasing meron akong mafi-feel na something kapag nakita ko na siya, pero wala eh.
"Ano bang iniisip mo at kanina ka pa tulala jan?" Tanong ni Angela
"Alam mo na yon. Nagtataka parin ako kung sino siya eh."
"Alam mo? Ang dahil kaya mo siya napapanaginipan ng paulit ulit ay dahil iniisip mo siya. 'Wag mong isipin para mawala na."
"Ano ka ba? Ilang beses ko ng tinry yon no pero wala parin."
"Ganon? Baka gutom lang yan. Tara na nga."
Nakarating na kami sa canteen at syempre dahil hindi naman ako diet kumain ako ng kanin, hindi tulad ni Angela na DIET daw siya kaya ayun, sandwich ang binili.
"So diet ka talaga?" Pang asar na tanong ko.
"Oo nga."
"Really?"
"Yes."
"Eh bakit ang dami mong biniling sandwich?"
BINABASA MO ANG
Dream (QuenLia Short Story Fanfiction)
Teen FictionAng kwento tungkol sa panaginip ng isang babae. Sino nga ba si Mystery guy sa panaginip niya? Ano nga ba ang mangyayare kapag nagkita na sila? Maging maganda kaya ang takbo ng istory? Subaybayan ang short on-going story na ito. Fan/Vote/Comment