Chapter Sixty two.
Samantha Angeles
Akala ko, hindi na iimik pa si Jungkook.
"IU."
Isang pangalan lang 'yong kanyang binaggit pero bakit parang nalungkot ako?
Sinarado ko na ang laptop ko at nahiga na lamang.
Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng vibration ng phone ko at nang makita ko kong Bangtan ito ay mas pinili ko na lamang na hindi ito pansinin.
Pagmulat ko, nakita ko ang isang dosenang messages.
'Samantha?'
'Nasaan ka?'
'Miss na kita..sana alam mo,"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng makakita ako ng messages kay Taehyung.
Tinignan ko pa ang iba at..
'I'm sorry.'
Isang text kay Jungkook.
Sorry? Bakit 'to nagso-sorry? E wala namang kami ah?
Napairap nalang ako.
E 'DI MAGSAMA SILA NG IU NYA.
Wala naman akong pakialam e!
Ganyan naman kayong mga lalaki! Pare-parehas lang ang tipo nyo!
'Yong tipong maputi, sexy, maganda kumanta, 'yong may ibubuga ba.
In short, Perfect.
Pinalitan ko 'yong wallpaper ko sa inis ko.
TAENA HINDI AKO NAGSESELOS!
MAPAPATAY KO TALAGA 'YANG JUNGKOOK NA 'YAN PAGDATING NILA.
Bangtan
"Woah!" -Jhope.
"Kapagod. Ang lakas mo talaga JK! Si IU pa.." -Jimin.
" kay IU naman talaga sya, e." -Jin.
"Argh!" -Jungkook.
"Woah?! Relax. Bakit ka ba frustrated? Halos maibato mo na 'yang phone mo, e!" -Jhope.
"Bwisit." -Jungkook.
"Anong nangyari do'n? Parang may galit sa mundo..tsk." -Suga.
"Bigla-bigla nalang tayong lalayasan sa harapan walanya!" -Jhope.
"Bilisan na natin dito. Gusto ko ng bumalik ng Pilipinas , hays." -Jimin.
"Oh? Bumili na kayo dito sa shop na 'to. Nang makaalis na." -Namjoon.
"Teka, kukuha ako ng Shades." -Jhope.
"Ako din," -Jimin.
"May nabili na ba kayong lahat? Ikaw V? Walang Gucci dito." -Namjoon.
"Hahaha! Oo nga V. Anong binili mo?"-Jhope.
"H-ha? W-wala.." -Taehyung.
"Wala daw. Pero may hawak na pink pa yata!" -Jhope.
"Tss." -Taehyung.
"Kausapin nalang natin sa Van mamaya si Maknae." -Suga.
"Tss. Anyari kaya do'n? Hays." -Jin.
"Tara na nga," -Namjoon.
Samantha Angeles
Hindi ko aakalain na mahal parin pala ni Jungkook si IU.Naniwala ako na lumipas na 'yong pagmamahal nya kay IU pero hindi parin pala.
Bakit ako nagkakaganito?
Waaaaaaaaaaaaa!
Ayaw ko naaaaa!
Ginugulo ni Jungkook ang isip ko.
Bigla nalang pumatak ang luha sa mata ko.
Nag flashback sa isipan ko lahat nang mga nangyari.
Nung araw na kasama nya si IU.. Nainis ako.
Nung araw na nasa tagaytay kami at nung nalaman kong sasama si IU.. Nainis ako.
Nung araw na kinompronta ko si Jungkook tungkol sa kanila ni IU.. Nainis din ako.
At kahapon. Nung nakaramdam ako ng inis nang makita ko ang mga pictures nilang dalawa ni IU.. Nainis ako.
Naguguluhan ako ngayon. Anong nangyayari sa'kin?!
Biglang may pumasok sa isip ko.
Mariing napapikit ako.
G-gusto ko na ba si Jungkook?
~•|•~
Vote and Comment!

BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
De Todo•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.