Chapter 1 : Meet the Ugly Duckling

2.8K 20 0
                                    

"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... 

Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss....

Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ako? oo, naranasan ko na, nararanasan ko at mararanasan ko pa. PANGET ako eh, at proud ako dun...eh ano kung panget ako? ang mahalaga naman ay may utak at talino ako, masipag at matyaga sa pag-aaral. Wala din akong pakialam kung wala mang nag-kakagusto sakin na lalake, bakit? mamamatay ba ako kung hindi nila ako gugustuhin? Ang mahalaga lang sa babaeng panget na katulad ko ay ang aking pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan at ang aking pag-aaral.  

Gab's POV:

"baklaaa!! bilisan mong maglakad at late na tayo!! lagot na naman tayo sa professor na mukhang dinasour!!" he said habang hila-hila nya ako sa kanang kamay ko.

"ano ka ba daniel! h'wag ka ngang OA, kakatext lang nila Yzha na wala pa daw si prof. Barney dun =__= " tukoy namin sa baklang professor namin na sobrang terror.

"hoy bakla ka, correction lang ha,, it's daniela not daniel !! eeww..." tsk, ang landi talaga ng baklita na toh..

"anong correction ang pinag-sasabi mo dyan? daniel naman talaga ang pangalan mo diba?" medyo napalakas na ata yung boses ko kase bigla nyang tinakpan yung bibig ko..

"shh..h'wag ka ngang maingay elle-elle, baka may makarinig sayo at baka masabunutan kita!" he hissed, hahaha..namumula na naman sya sa hiya. Ganyan yan eh, ayaw nya na tinatawag namin sya sa real name nya na Daniel, Daniela daw ang itawag namin sakanya, tsk..ang arte.

"hoy, kung ayaw mo na tawagin kitang Daniel, tigilan mo ang pag-tawag sakin ng elle-elle!" nakakainis lang, sa lahat ng taong nakakakilala sakin, sya lang ang tumatawag sakin ng elle-elle, para unique daw, yuck >O<

"Ok fine my dear Gab" tapos lumayo na sya sakin. Papasok na kame ngayon sa Green Bldg. ng University namin. Kaya tinawag na green bldg kase kulay green yung mga salamin, at hindi blue..hahaha =__=

Legaspi University (LU) Sa pag-kakaalam namin, dito din nag-aaral yung anak ng may ari ng University na toh.

Nag-hihintay na kame ngayon sa elevator...

"Gab, lagyan mo nga ng powder yang mukha mo, parang pwede ng pag-prituhan ng sunny-side-up eh." then he rolled his eyes heavenwards..Inirapan ko lang din sya, buti kame lang dalawa yung nandito. Sabagay hindi naman naninita yang bakla na yan pag-may ibang tao, para siguro hindi kame mapahiya.

"Wala akong powder" 

*ting*

bumukas na din yung elevator, so lucky kase wala kameng kasabay, hihihi

"alam ko, kailan ka ba nag-dala ng powder?" tapos may kinuha sya sa bag nya, pag-tingin ko polbo pala, inaabot nya na saakin,

"oh bakla, maglagay ka na..." tiningnan ko muna kung san floor na kame, 4th flr. palang. 10th flr. pa yung room namin. Kaya kinuha ko na sakanya yung polbo.

"thanks" tinanggal ko naman yung salamin ko sa mata at sinabit sa may collar ng blouse ko at inumpisahan ko na ang pag-lagay ng polbo sa mukha ko. Pinapanood lang naman ako ni bakla.

"alam mo gab, ang ganda mo sana kung hindi ka lang pabaya dyan sa mukha mo" yan na naman sya, yan lage ang sinasabi nila sakin pag-nilalagyan ko na ng pampatanggal ng oily ang mukha ko. 

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon