....
"Ba't di mo sinasagot yung mga texts ko sayo kahapon babae?"inis na tanong ni Jen sakin.
Kararating ko lang sa school. Hays tapos bunganga na naman ni Jen ang bubungad sakin.
"Aba! Di ko naman alam na nag text ka."sabi ko sabay irap.
Eh sa di ko alam eh. Kay Zayn lang naman ang enopen ko kagabi bago ako matulog.
"Bakit hindi tingnan,para malaman mo?"pabalang naman niya sabi.
Hays,di ko alam kung bakit natitiis ko 'tong babaeng to.
(Kasi mahal mo,gaga!)sabi naman ng munting boses sa isip ko.
Tsk! Oo na!
Kaya tiningnan ko yung phone ko.
Oo nga mga lima rin. Haha sornaman kasi.
"Nakakatampo ka na ah! Naging kayo lang ni Zayn wala ka ng masyadong time sakin."
Oh geezz! I'm guilty.
Tatarayan ko sana pero parang seryoso talaga yung bestie ko. Kaya yun..i explained to her everything na nangyari kahapon.
Pero nakabusangot pa rin yung mukha niya.
"Nagtatampo pa rin ako!"sabi niya sabay tayo at talikod.
Nakailang hakbang siya bago tumigil at iritang tumingin sakin.
"Di mo'ko susundan? Di mo man lang ako susuyuin?"parang batang naiiyak na sabi niya.
Ewan ko. Pero natatawa ako. Pero takte! Guilty talaga ako. Kaya tumayo ako saka niyakap siya.
"Sorry na Jen. Babawi ako, promise!"sabi ko at humiwalay na ng yakap.
Una seryoso pa yung mukha niya,pero naglaon ay ngumiti ito ng parang baliw.
"Eto naman jowki lang naman yun eh. Okay lang namam sakin na di mo'ko nereplyan. The important thing is,andito ka lang. Hindi moko iiwan."
Bakit bigla atang nag drama ang bruhang 'to?
Pero niyakap ko lang siya tsaka kami sabay pumasok sa klase namin.
...
"Jen? Can you help me find a gown for Zayn's parents anniversary?"
Kakatapos lang ng last subject namin. At pauwi na kami sa bahay.
Oo..kami. Ewan ko bakit biglaan lang 'tong nagdesisyon na mag overnight sa bahay.
Ang weird nga eh. Kasi noon pinipilit ko pa 'to para matulog lang sa bahay.
"Yeah, ofcourse..anong klaseng gown ba?"tanong niya habang nagte-text.
"Like duh? Kaya nga nagpapatulong ako diba? Ba't tinatanong mo'ko?"mataray kong sabi. Baliw rin eh! Psh lagi naman.
"Ay sorry naman po." Yun lang ang sabi niya at busy ulit sa pagte-text.
"Nagseselos na ako dyan sa katext mo ah!"inis kong sabi.
Kaya tumingin siya sakin ng nahihiwagaan.
"Aysuuss..perstaym nagsabi ka ng ganyan ah. Natats ako. Hahaha."parang baliw na tumawa tapos inakbayan ako.
"Sino ba kasi yan."tanong ko pero iniba lang niya ang usapan.
"Teka..aabsent pala ako next week."sabi pa niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Aabsent ka? Ikaw ba talaga yan? Kailan mo pa naisipang umabsent?"nagtataka kong tanong. "At bakit ka aabsent?"
"Nah,may pupuntahan lang kami ni mommy."maikli niyang sagot at saka hinila na ako.
"Oh ayan na ang sundo mo. Tara!"
Nagpatianod nalang ako at binalewala yung mga iniisip ko.
...
"Ayoko nyan!"
"Alam mo! Kung ikaw nalang kaya ang maghanap! Ako pa pinapahanap mo pero pag may nahanap na naman ako,ayaw mo naman! Ano ba talaga? Choco na gatas o gatas na choco? Ang gulo mo kasi!"pagrereklamo ni Jen sakin.
Kanina pa kasi kami dito sa walk in closet ko. As in kanina la talaga. Eh kasi yung mga gown na binili ni mommy puro expose yung likod or dibdib. Eh ayaw ko ng ganun tapos bilin din sakin ni Zayn na wag daw akong magsusuot ng too exposed na gown kasi marami daw silang bisita tapos may mga lalaki raw. Tss
Eh ano naman ngayon kung may mga lalaki. Sa kanya na naman ako eh. Hahaha bakit ba?
"Pakainin mo kaya muna ako! Ginugutom mo na ako ah!"pagmamaktol niya.
Oo nga pala. Takte! Di pa kami kumakain.
"Let's go downstairs. I'll cook for you." Offer ko.
"Weh? Teka!"sabi niya at lumapit at hinipo yung noo ko. At alam ko na yun kaya tinabig ko ang kamay niya.
"Wala akong sakit! Sadyang mabait lang ako."sabi ko sabay irap tsaka nauna ng umalis.
"Hahahaha pikon ni ate!"pang aasar niya.
"Hurry b*tch! What do you want me to cook?"tanong ko.
"Lasagna please!"sabi niya at pumapalakpak na parang bata.
"It will take much time to finish,b*tch. And you told me you're hungry."sabi ko sabay irap. Iba rin eh!
"Nagtatanong kung anong gusto ko tapos ayaw mo naman lutuin? Ang gulo ng utak mo eh!"
"Yeah yeah alright, lasagna for the queen." Note the sarcasm please.
...
"Kain na tayo."sabi ko.
Magkaharap kami sa table.
"Hmm..masarap siya infairness. Pwede na mag asawa."sabi ni Jen habang ngumunguya.
"Heh! Asawa ka dyan! Di pa nga tayo tapos mag aral eh."sabi ko.
"Like duh! Marami naman dyang may asawa't anak na na nag-aaral ra eh."katwiran niya.
"Duh! I'm different from them!"sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
Pero napatigil ako ng may napansin ako sa may braso niya.
At napansin ata niya kaya medyo ibinaba niya ito sa ilalim ng mesa.
"What's that? And don't try to lie to me b*tch!"pinangunahan ko siya. Baka magsinungaling eh.
"A-ano..wala--nabangga kasi ako kaninang umaga sa mesa namin kaya nagkapasa ako."sabi niya ng hindi tumitingin sakin.
Pinakatitigan ko siyang mabuti at di siya mapakali.
"You're lying.."sabi ko.
"I'm telling the truth Blue! Kumain nalang kaya muna tayo."sabi neto na parang naiirita na rin.
"Okay.."yun lang ang sabi ko.
Di ko alam kung ano ba talaga ang nangyari pero alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Kilala ko siya, kung kailan siya nagsasabi ng totoo o hindi.
~to be continued
YOU ARE READING
CHEER LEADER MEETS THE MVP
General FictionLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...