☆1☆

27 6 11
                                    

"AT ANG NAGKAMIT NG IKA-UNANG PWESTO! AY MULA SA...." hindi ko mapigilang mapapikit dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag natawag na ang first place. Feeling ko hihimatayin ako ng wala sa oras kapag hindi kami yung nanalo. Halos ilang araw din akong hindi kumain para mapaghandaan ang contest na ito!
.
"MULA SA DIAMOND SCIENCE HIGH SCHOOL!" Napatalon lahat ng estudyante mula sa school namin. Kasabay nito ang hiyawan at iyakan. Nanalo kami! Nanalo ako! Sulit lahat ng pagod! Lahat ng pagpupuyat! Mangiyak-ngiyak akong umakyat ng stage. Niyakap ako ng School Paper Adviser namin.
.
"Wag ka nang umiyak! Sulit lahat okay? Hindi ito panaginip. Hindi ito hallucination! Nanalo ka anak! Nanalo ka! Congrats anak!" Sabi nung SPA namin at hinalikan ako sa noo. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nadarama ko noong dahan-dahang isinuot sa leeg ko ang medalya. Gusto kong magwala sa sobrang saya. Gusto kong maglupasay sa sahig at magsisigaw. Pero tanging iyak lang ang kaya kong ibuhos. Pagkababa ko ng stage, niyakap ako ng buong kasamahan ko sa diyaryo. Pasok kaming lahat sa regional!
.
Lumapit sa akin si Haley, ang bestfriend ko.
.
"BESHY CONGRATS! I AM SO PROUD OF YOU!" sigaw ni Haley sabay yakap sa akin. Taray. Nag-effort pa pumunta dito si baliw para lang sa akin.
.
"Salamat beshy! Omg beshy totoo ba ito?! Sampalin mo nga ako!" Sabi ko habang nakangiti.
.
"Baka tumalsik ka lang kapag sinampal kita! Hahahah!" Sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Ang sakit ah! Kahit kailan talaga napakabrutal!
.
"Ay beshy oo nga pala oh" sabi ni Haley sabay labas ng isang Mango cake sa bag niya. Wow!
.
"Para sa iyo" sabi sa akin ni Haley sabay bigay ng Mango cake. Wooow!
.
"Omg salamat beshy!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Wala na akong mahihiling pa ngayong pasko! Napakadaming blessing na yung dumadating sa buhay ko. Ako na yata ang pinakamaswerteng nilalang! Biniyayaan ako ng ganitong talento, ng napakabait na bestfriend at ng.... wait. Tatawagan ko pala si mama!
.
"Wait lang ah" sabi ko kay Haley sabay kuha ng cellphone. Tinawagan ko si mama kaso nakapatay yung phone niya. Bakit kaya?
.
"Mga anak, sa tingin ko dapat na tayong umuwi, anong oras na kasi e. Bukas ko na lang kayo itetreat! Gabi na kasi e. Tsaka paskong-pasko e, time naman para makasama niyo family niyo." Sabi nung SPA namin. Sumakay na kami sa van ng SPA namin. Ibinaba niya na kami sa mga kalsada na malapit sa mga bahay namin. Naglalakad ako noon pauwi sa amin. May dala akong Mango cake sa kabilang kamay at isang napakabigat na bag sa kabila. Excited na akong ipakita kay mama itong cake na bi-nake ni Haley!
.
Sa gitna ng paglalakad ko, nakakita ako ng pamilya ng mga pulubi sa tabing kalsada. Bigla akong napatigil. Wala silang kinakain. Nakaupo lang sila at madudumi ang kanilang mga suot. Napatingin ako sa Mango cake na dala ko. Napangiti ako.
.
Lumapit ako sa kanila.
.
"Ah excuse me po! Sa inyo na lang po oh!" Sabi ko sabay bigay ng Mango cake. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. Tuwang-tuwa sila at nagpasalamat. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko inakalang ganito pala kasarap ang gumawa ng mabuti sa ating kapwa. Nagpatuloy na ako noon sa paglalakad nang may ngiti sa labi.
.
"Uy yung bata!" Rinig kong sigaw ng mga tao sa paligid. Nagkakagulo sila. Nagtataka ako kung bakit. Napalingon ako.
.
Halos magunaw ang mundo ko nang makita kong...
.
Nakahandusay yung bata.
.
Umiiyak yung nanay nung bata at nagsisisigaw. Nakita ko yung hawak nung batang nakahandusay, yun yung Mango cake na binigay ko, na may bawas. Napatakip ako sa bunganga ko sa sobrang gulat. Tumitingin sa paligid yung nanay nung bata. Marahil hinahanap niya ako. Bigla niya akong nakita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko. Sinugod ako nung nanay nung bata.
.
"NAPAKASAMA NG UGALI MO! PASKONG PASKO TAPOS GANYAN ANG GAGAWIN MO SA ANAK KO! SANA HINDI MO NA LANG SIYA BINIGYAN NG PAGKAIN KUNG LALASUNIN MO LANG SIYA! WALANG HIYA KA!" Sigaw niya habang sinasabunutan ako. Biglang bumigat yung pakiramdam ko. Tumulo ang mga luha ko. Tinulak ko yung nanay at tumakbo ako nang napakabilis at pumasok ako sa isang eskinita. Nagtago muna ako doon. Napaupo ako sa sahig habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
.
Napahilamos na lang ako. Sandali, may lason yung Mango cake? So, kung ako ang nakakain no'n, edi ako yung nakahandusay ngayon? Tinawagan ko si Haley, mabigat man sa pakiramdam ko, kailangan kong masigurado kung anong dahilan niya.
.
"Hello beshy! Napa--"
.
"May lason ba yung Mango cake?"
.
"Anong pinagsasabi mo?"
.
"Ano sa tingin mo? WAG KA NANG MAGMAANG-MAANGAN PA HALEY! BALAK MO KONG LASUNIN?"
.
"Hindi ko yan magagawa! Bat naman kita lalasunin?" Sabi ni Haley. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya pinatay ko na ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Gulo yung buhok ko. Pati na rin yung buong pagkatao ko. Dahil sa akin, may namatay na bata. May nanay na nangungulila. May tatay na nagdudusa. May mga bata na umiiyak. Tumulo ang mga luha sa magkabila kong mata. Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Bakit? Bakit! HALEY BAKIT?! Bakit kailangan niya pang sabihing hindi siya ang gumawa no'n? Baka naman... Baka ako yung may kagagawan? Baka.. Baka kasalanan ko? Napakapit ako sa ulo ko. Kumatok na ako sa bahay namin at pagbukas ko, nakita ko si mama na nasa sala, natutulog. Dumako ako ng kusina at binuksan ang lagayan ng ulam namin. Wala itong laman. Napapikit na lamang ako. Bakit ganito. Bakit? Umakyat na lamang ako sa kuwarto at sinarado ang pintuan. Nakatingin ako sa bintana. Unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Grabe bakit ganon. Nanalo nga ako sa contest, may namatay namang bata dahil sa akin. Tapos dadatnan ko si mama na tulog, na wala pang kain.
.
Nakahiga na ako noon sa higaan ko nang maalala ko yung nanay nung bata kanina. Galit na galit siya. May tumutulong luha sa mga mata niya. Grabe yung sakit ng pagsabunot niya sa akin. Sa tuwing pipikit ako, nakikita ko yung hitsura nung bata habang nakahandusay sa kalsada. Bakit ganito?! Hindi ko siya pinatay!! Ako dapat yung mamamatay! Pero... pero kasalanan ko nga yata. Kasi, kung ako yung kumain no'n, edi sana walang pamilyang umiiyak ngayon. Walang pamilyang nangungulila. At higit sa lahat, walang batang mamamatay ngayong pasko. Napasabunot ako sa sarili ko. Nadedepress ako. Aanhin ko yung medal kong ito? MAY NAPATAY NAMAN AKO! May nakita akong blade sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at sinugatan ang braso ko. kitang-kita ko kung paano unti-unting magsilabasan ang ilang patak ng dugo sa bawat paghiwa ko sa braso ko. Biglang pumasok si mama
.
"Anak? Anak anong nangyari sa iyo?!" Sigaw ni mama sabay yakap sa akin. Kung pwede ko lang sabihing ayaw ko na.
.
"Ma, ayaw ko na dito." Sabi ko.
.

Not your Ordinary ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon