"She, hija, are you still awake? Can I come in?"
Dali-daling pinunasan ni Sherine ang mga luhang namamalisbis sa mga mata niya saka sumagot. "Yes, Mom! Come in!"
Inayos niya ang librong nasa harapan niya para magmukha siyang busy sa pag-aaral kapag pumasok ang mommy niya.
"Hey, you!" bati agad nito sa kanya ng makapasok sabay halik sa may bumbunan niya.
"Hi, mommy!" ganting bati niya sa ina.
Yumakap si Sarah sa anak saka isiniksik ang ulo sa may leeg nya. "Late na, bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
"Nagri-review lang po ako, mommy. May recitation kasi kami bukas, baka matawag ako. Better be prepared, di ba?"
"Oo nga naman. Ang sipag talaga ng panganay ko, manang-mana kay mommy!"
"Pero di ba sabi ni daddy, sa kanya daw ako nagmana?" nakangiting tanong niya sa ina.
"Naku, magpapaniwala ka sa tatay mo. Maniwala ka sa akin, mas masipag ako sa kanya."
"May masipag bang natutulog sa opisina? Remember that first night I came in to your office?" narinig nila mula sa may pintuan. Nang lumingon siya doon, nakita niya ang amang nakadungaw ang ulo, pupungay-pungay ang mata at naghihikab. "Babe, come back to bed na please? You know I couldn't sleep without you by my side."
"See? Bolero pa!" hirit pa ng mommy niya.
"Totoo ang sinasabi ko. You, Sherine, stop studying and go to sleep na. Sige ka, baka eyebags mo lang ang makita namin bukas sa almusal. By the way, what time is it?"
"It's almost 12, babe. Sige na, mauna ka na. Susunod na ako."
"Sure?"
"Yap. I'll just tuck our eldest in bed para siguradong matutulog na siya."
" 'Ge. Love you."
"Love you too!"
Umalis na ang daddy niya at naiwan silang mag-inang nakatingin pa rin sa pintuan.
"More than 20 years and yet, mauubos ang mga langgam sa sobrang ka-sweetan!" kinikilig niyang sabi sa ina. "Sana, ganyan din kami ng magiging husband ko balang-araw."
"I'm sure Miguel will be a very good and sweet husband someday."
"Mommy!!!"
"What? Sinabi ko lang naman ang opinyon ko about Miggy, masama ba?"
"Mommy naman eh! Bakit ba kailangang isingit sa usapan si Miguel?"
"Para magkaroon ka ng idea what kind of person he is. In case you decide to start looking for a husband na katulad ng daddy mo, you can include Miggy in your options. Mabait na bata, nanggaling sa mabuting pamilya, we know his family, so hindi na kami magwu-worry ng daddy mo."
"Seriously, mommy, are you selling me out to Miguel?"
"Obvious ba?" nakangising sagot ni Sarah. "Anyhow, I better tuck you in." Umalis ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Akala niya ay nagbibiro lang ang mommy niya. Seryoso pala ito dahil pumunta ito sa kama niya at ibinuka mula sa pagkakatiklop ang comforter niya. " 'Lika na," anyaya nito sa kanya sabay pagpag sa kama niya, "you better sleep na. It's late na rin naman. Di ba maaga pa ang pasok mo mamaya?"
"Wala po kaming prof sa first 2 classes mommy. Pareho po silang may hearing bukas and my next class is at 1pm pa."
"Maski na. Mabuti na yung kumpleto ang tulog mo. It's useless memorizing and putting info in your brain kung kulang ka naman sa tulog. Hindi pa rin magpa-function mabuti ang utak mo afterwards."
