Kate
"Kate i told you. We're over. So damn over! So please. Stop pestering my life!" He said then left me hanging. Shit nayan! Sobrang sakit naman yun. Yung wala na kami, tapos 'stop pestering my life' daw! Double kill mga bess! Pang ilang beses ko na ba to? Ah! Lima! Ay hindi sampu na nga pala. Tsk! Kulit ko e. Hahahabol habol pa, ano nga ba sa salita nyang 'We're over' ang hindi ko maintindihan? Kasi naman tong puso kong tanga umaasa pa rin na magkakabalikan at maaayos namin to. Kaso hindi na e. Mukha na akong aso! Wala e, Reyna ata ako ng mga tanga sa mundo. Masyado ko kasing Mahal yung tao e. Mahal na Mahal. Bakit ba kasi hindi na lang mag move-on tong puso ko para naman hindi na ako nahihirapan ng ganito, Kasi sobrang sakit na. Sa sobrang sakit parang manhid na ako, tulad ngayon umuulan di ko man lang naramdaman. Tumayo na ako at nagpunas ng luhang dumadaloy sa mukha ko. Naglakad na ako palayo, yung lakad ko na ngayon ay nagiging takbo na. Takbo lang ako ng takbo wala akong paki-alam kung saan man ako dalhin ng paa ko basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat. Sa lahat ng sakit na ngayo'y iniinda ko pa rin.~~~~~
"Hija." Naalimpungatan ako sa yugyog ng isang matandang lalaki. "Naku hija anong oras na at nandito ka sa parke. Masyado ng malalim ang gabi. Ano bang ginagawa mo't nakatulog ka dyan? Wala ka bang mauuwian?" Tanong nito sa akin. "Mabuti pa at sumama ka na muna sa akin kung wala kang mauuwian." Anyaya nito sa akin na agad ko namang iki-nailing.
"Salamat ho tatay, pero may mauuwian naman po ako. Nakaidlip lang po siguro talaga ako. Aalis na rin ho ako, pasensya na ho sa abala." Alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Ganon ba hija, Osya gumayak ka na't gabi na. Jusko-o-oh. Mag iingat ka sa daan hija."
"Sige ho salamat Tay." Sabi ko dito ngumiti lang sa akin ang matanda at umalis na rin.
Maglalakad na sana ako ng mapansin ko kung nasaan ako. Kusang tumulo bigla ang luha sa mata ko. Nyemas naman! Wala bang katapusang iyak to! Kakaiyak ko lang kanina tapos iiyak na naman ako! Nilibot ko ang paningin ko dito sa parke. Sa parke kung saan nag simulang maging Masaya ang buhay ko sa loob ng tatlong taon.
Flashback
"Dave saan mo ba ako dadalhin ha? Tsaka bat ba nakablind fold ako? Wag mong sabihing ibibitay mo ko ha! Naku ka mumultuhin talaga kita!" Biro ko dito. Kasi naman kanina pa kami naglalakad. Walang katapusang lakad, sana pala nag rubber shoes ako kung alam ko lang na buong hapon nya ako paglalakarin. Aba! Naka 4inch stilleto kaya ako like hello!? Pagod at ramdam ko na ang sakit sa paa ko.
"Hahahahahaha! Palabiro ka talaga Kate, kaya minahal kita eh at mamahalin pa. Hayaan mo at malapit na tayo. Tiis ka lang muna ng konti." Sabi nya habang tawa ng tawa. Kinilig naman ang buong hormones ko sa katawan! Letchugas ka Dave Monesterio! Eyebye ne telege! (I love you na talaga) *pabebe tone*
"Dave naman, magkakapaltos na ako sa paa! Jusmiyoo!" Tumawa lang ang loko. Pasalamat sya dahil mahal ko sya."And we're here!" Masayang sabi nya. Napangiti naman ako ng bongga sa sinabi nya. Akmang aalisin ko yung blind fold sa mata ko ng pingilan nya ako. "Hep! You cannot unfold that, unless i said so. Kaya stay put ka lang dyan. Wag mong aalisin nya ha."
Napasimangot nalang ako sa sinabi nya. "Oo na lang." Naramdaman kong naglakad sya palayo sakin kaya hinayaan ko nalang muna. Naghintay ako ng signal nya na alisin ko na yung blind fold pero tatlong minuto na ako nakatayo dito sa di ko alam kung saan man to kaya naman nagpanic na ako tinawag ko sya. Ngunit wala akong narinig na tugon. Tinawag ko ulit sya pero wala parin. Kinakabahan na ako. Saan ba sya nag punta?!
YOU ARE READING
Still You
Short StoryThis is only a One-shot story. Napagtripan ko lang i-sulat at i-publish. Hahahaha! So yeah, bear with it. Hope you guys like it. :) Happy Holiday Everyone! ☺☺ -EmGiiee