CHAPTER ONE

24 1 0
                                    

   

     Nandito ako ngayon sa Canteen kung saan ay tinatamad akong kumain dahil sa kanya.

     Alam niya na kayang gusto ko siya? Sana kung totoo man ay close pa din kame. Ghad! kinakabahan akong makita sya.

"Hoy nalipad na naman isip mo!oh kain ka muna"inabutan niya ako ng kwek-kwek.

"ah haha thanks ano kase ahh iniisip ko kung a-attend pa ba ako o mag cutting." palusot kong sabi.

"Wew yun nga ba talaga huh baka naman si Matt ya~~" natatawang pang-aasar nito habang pinipindot ang braso ko.

Hinampas ko sya ng hawak kong kutsara sa noo pero hindi naman yon masyadong malakas.
"Aray huh masakit!" dugtong niyang sabi na hawak ang noo. OA tsk HAHA

"Sira ka noh! paano kung may makarinig sayo edi patay ka lalo sa akin!" mahina kong sabe na medyo pagalit.

"hahahaha gusto mo sigaw ko pa."

"tsk subukan mo lang tamo!" sabay irap sa kanya. epal talaga nito di ko tuloy makita si Matt dito sa canteen.

"Okey hahaha sorry na uhm alis na ako. Next time na lang " with an evil laugh.

"Lumayas ka na nga!buset ka Tristan!" kakainin ko na sana yung last na subo ng kwek kwek ng biglang..

"MATTHEW REYEEEESSSS!!! crush ka ni Karry!!!!!wahahaha" Sigaw niyang malakas habang tumatakbo palayo. Madami pa na mang tao dito sa canteen.Paano kung nandito sya!. Nakuuu talaga

"Ikaaaaww!!!wag kang papaabot buset kaaaaaaaa!" sigaw ko at hinabol ko sya para batukan ng napaka-lakas at wala akong pake sa mga nasasanggi ko kahit na pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito pero napahinto ako ng mabangga ko si..."M-Matt!"0_0

"oh Karry okay ka lang ba?" bakas ang pag-alala sa kanyang mga mata. Ang gwapo niya talaga tapos hawak niya ang braso kong nakukuryente na sa kilig.Wag mo kong bitawan Matt please^0^ okay wag kang harot  wahahaha

"hey are you okey? Karry?hey!"

"a-ah hindi ay oo" ano na 'te at nauutal ako hayysss pero nalalambot pa rin ang aking tuhod.

"may problema ba ? ikaw ba yung sumigaw" aniya na ang tanging na sa isip ko ay ang mga mata niyang sa akin lng naka-tingin."S-sorry Matt ano kase eh ahh wala sige u-una na ako bye!"mahina kong sabi dahil sa totoo lang ay sasabog na ang katawan ko sa kilig pati yata mga tuhod ko.

-
     Nagalit na naman si Sir.Caraig dahil na-late na naman akong pumasok sa time niya kaya eto outstanding (nakatayo sa labas ng room ) hahaha pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang maamong mukha ni Matt yiee WAHAHA.

"ay palaka! ba't ka ba nangugulat huh?!" inis kong sabi sa katabi kong di ko naman close. Panira din ito ng moment eh

"uhm me? HAAHA"

"aba't?" inis kong sabi at teka bakit sya nakatingin sa sapatos ko di naman ako nakaapak ng jerbaks.. Napansin kong sumeryoso ang mukha niya.

"Hilig mo bang magtiyaga? Wala ka bang napapansin? O sadyang manhid ka lang?" maamo niyang sabi sabay ngumisi sya na hindi ko maintindihan pero parang may ibang ibig sabihin siya. Saka ano bang meron sa sapatos ko? Tsss

"Anong ibig mong sabihin? " anong alam mo yela huh. Saka parang makakasapak ako ng wala sa oras ah kitang nakaka-ngalay dito sa labas tapos may bubungad na asungot dito. Parang si Tristan lang.

" Karry. Mae. Atienza" palapit sya ng palapit sa akin na animo'y kakainin na ako ng buhay dahil sa seryoso niyang tingin sa akin. Umatras ako dahil mahahalikan niya na ako duh tibo ba sya "ano baaaaa! "sigaw ko sa kanya.

"hahahahaha you're scared!" tawa sya ng tawa at bigla na lang syang umalis.

Tibo ba sya? Baliw ba sya?
Amp. Lagot nasa skul pala ako hayst.

"Ms. Atienza, what's your problem?!"

"wala po..sorry "

"Well pumunta ka sa library at dun ka sumigaw! Get five yellow pad, front and back isulat mo na 'Hindi ka na sisigaw' hayst paulit-ulit ka ng simisigaw Ms. Atienza."

"yes po Sir." HUHU ang dami naman nun.

"Then go, bakit nakatayo ka pa sa harapan ko.."hobby ko na ang sumigaw eh ayan tuloy. "huwag kang babalik sa klase ng hindi mo tapos"

Naramdaman kong unti-unting umiinit ang mata ko. Bakit ako iiyak eh kasalanan ko naman toh.

Pangatlong beses na akong napaparusahan pero okay lang matataas naman grades ko saka kapag nakita ko ang daddy, magiging proud kaya sya sa akin? hehehe

Naalala ko si Daddy. Kamusta na kaya siya? Miss ko na sya. Tumingin ako sa paligid para hindi pumatak ang iyakin kong mata. Hanngang sa may kumulbit sa likuran ko at pag harap ko ay agad niya akong niyakap hanggang sa tuluyan na akong umiyak ng umiyak habang yakap niya ako ng mahigpit.


-
Lagi ko na lang ba ito mararamdaman. Malungkot, nangungulila, galit, kaadwang buhay 'toh!

"Dave kumain ka na ba?" sabi ko sa nakabata kong kapatid. "Nagawa mo na ba assignments mo?"

Si Dave Lloyd Marquez. Yep magkaiba kami ng apelyido. Hindi ko sya tunay na kapatid. Twelve na taong gulang at limang taon ang pagitan namin. One of a campus crush.

"Dave!"sigaw ko sa kanya dahil naka earphones pala.

"Hindi pa luto!" aniya na galit pero palambing.

"Alin? HAHA nakita mo ba si Manang?"

"Absent!" sabay akyat sa kwarto nya.

Pumunta ako sa kusina at napansin kong may nakahanda ng pagkain. Sino nagluto? Napansin kong may note sa table 'I know your hungry so eat it and please don't disturb me :/' hahaha sweet ni bunso kahit masungit.

Kailangan kong tanggapin ang mga pagsubok na ito. Hindi ako susuko. Para sa sarili ko at kay Dave, magpapakatatag ako pero paano kung hindi ko na makaya.  Aish erase... erase Karry! Hindi kailanman iyo mangyayari. Fighting^^

Noob GirlWhere stories live. Discover now