Chapter Sixty three.
Samantha Angeles
Hindi ko alam kung kailan ba ang eksaktong uwi ng Bangtan.
Ang alam ko lang 'di ba ay dalawang araw lamang sila doon.
Actually, nakakadalawang araw na sila doon. Feeling ko bukas ay narito na sila.
Alas syete na ng gabi ngayon. Pero wala akong gana na makipag-usap kahit kanino.Turn off ang phone ko ngayon at ayoko munang makatanggap ng kahit anong message kahit kanino.
Naiinis ako sarili ko. Napaka emotional ko ngayon.
Ayoko nang ganito e! Pero hindi ko kasi maiwasan na mag drama.
Napaupo ako dito sa hagdanan ng bahay ko at napangalumbaba.
Bwisit na selos 'to oh. Ang hirap pala danasin.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa nawalan na ako ng diwa.
"Shh. Baka magising si Samantha.."
Nakarinig ako ng mga kaluskos at mga boses kaya napadilat ako.
AGAD AKONG NAPABANGON NG HIGA NANG MAKITA KO ANG BANGTAN SA BAHAY KO.
"H-hi Samantha.." Nanlalaking ang aking mga matang tumitingin sa kanila.
Lumapit sa akin si Taehyung at binangon ako mula sa sofa ko.
"Good morning.." Bulong nya.
Napalingon naman ako sa gilid ni Taehyung nang mapansin kong parang pagod ang Bangtan.
Agad na tumayo ako para magising ang diwa ko.
"B-bakit nandito n-na kayo?" Tanong ko na nauutal pa.
Sino ba naman kasing mag-aakalang nandito na kaagad ang Bangtan?!
"Kakarating lang namin.. Kapagod nga e. May pasalubong kami. Nasa lamesa mo.." -Namjoon.
Napatango-tango ako nang pumunta ako sa C.R. para mag toothbrush at maghilamos.
Hinayaan ko lang na nandito sila. Ewan ko ba kung bakit dito sila dumiretso.
Pagkalabas ko nang C.R. ay nagtungo ako sa kusina para maghanda ng makakain naming lahat.
"Hi..namiss kita.." Nakaramdam ako ng mga kamay sa aking bewang at isang mainit na hininga sa aking leeg.
Napatayo ang aking mga balahibo sa inakto ni Taehyung.
"Taehyung.." Bulong ko at binitawan ang hawak kong steamer para humarap sa kanya.
Magkalapit ang mga katawan namin pero it doesn't mean na magkasing-tangkad na kami.
Tss. Mas matangkad sya sa'kin.
Inantok ang kanyang mga mata ngunit mas ikinagwapo pa nya iyon para titigan ako nang nakakatunaw.
Hindi sya umimik kaya hinipo ko ang kanyang pisngi at leeg.
"Taehyung sa tingin ko kailangan mo munang magpahinga.." Sabi ko at nginitian sya.
Umiling sya na seryoso parin ang mukha tapos nag pout sya.
Napangiti pa lalo ako sa ka-cute-an ni Taehyung.
"Sige ka. Magagalit ako kapag hindi ka nag pahinga! Sige na Taehyung? Please?" Paglalambing ko habang kinukurot ang pisngi nya.
Ang kinis e. Wala manlang masyadong pimples!
"Hays. Sige na nga. Basta ikaw.." Sabi nya.
Napangiti naman ako at akala ko ay aalis na sya dito sa kusina ngunit nabigla pa ako nang kunin nya ang wrist ko at napansin kong may kinakabit sya rito.
"A-ano--"
"Shh.."
Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko na syang matapos sa ginagawa nya.
Nang naikabit na nya ang bagay na ito ay bigla akong namangha nang makitang color pink na bracelet ito na may nag-iisang color black na beads.
Bali, puro pink na beads ang nakapalibot tapos may nag-iisang beads na color black.
Seriously? Anong meaning ng bracelet na 'to?
"T-taehyu--"
"Ibig-sabihin lang nito.. Kahit marami ka mang makilala na higit pa sa'kin, tandaan mo, iba parin ang Taehyung na nakilala mo. Bihira ka lang makakilaka ng isang katulad ko. Just like the black bleads. Naiiba sya sa mga color pink na nakapalibot dito."
Paliwanag nya tapos iniwan na ako dito sa kusina na nakatulala.
A-ano daw?
"Ibig-sabihin lang nito.. Kahit marami ka mang makilala na higit pa sa'kin, tandaan mo, iba parin ang Taehyung na nakilala mo. Bihira ka lang makakilaka ng isang katulad ko. Just like the black bleads. Naiiba sya sa mga color pink na nakapalibot dito."
~•|•~
Vote and Comment!

BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.