Vic's POV
"Tara swimming tayo" yaya ni Carol.
"Oo nga! Tara!" Sang-ayon naman ni Mika, Kim at ate Cyd.
"Kayo nalang, sunod ako" sagot ko.
"Ang KJ naman boss Vic eh, nandito tayo para mag-enjoy" yamot na sambit ni donkey.
"Eh di mag-enjoy kayo, bakit? Pinipigilan ko ba kayo?" Pangbabasag ko.
Napakamot nalang ito sa ulo.
"Tara na nga" yaya nito sa tatlo at nauna ng umalis, yung tatlo naman tatawa tawang sumunod sakanya.
Nahiga na muna ako sa sunbed, umunan ako sa braso ko.
Inhale..
Exhale..
Inhale..
Exhale..
Relax na muna ako hangga't maaari, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na oras o araw.
"Tumingin ka ng kunti sa kaliwa mo" rinig kong utos nito.
Napatingin ako sa bandang kanan ko, si MotherF, ate Paneng at si Cha. Nag pi picture picture sila, ay mali pala si motherF at ate Paneng lang si Cha ang nagmistulang photographer nila.
Napapangiti nalang ako, ang cute cute niya kasi. Salubong na ang kilay at napapakamot pa sa noo.
"Umayos ka nga"
Napatingin naman ako sa bandang kaliwa, si Cienne naman at Camille.
"Tama na kasi yan! Ang dami na nga eh!" Yamot na sambit ni Cienne.
"Eh last na nga kasi kambal" pagpapacute naman nito.
Napa irap yung isa pero nag pose parin naman, napapailing nalang ako at natawa. Ang ganda kahit naiinis.
"Hindi alam kung saan titingin Chebs?" Sulpot ni Des.
"Pinagsasabi mo diyan?" Maang maangan ko.
"Sus" pangaasar nito tyaka umupo sa bandang paanan ko.
"Ang hirap" malungkot kung sambit.
"Naisip mo ba yan bago ka pumasok sa sitwasyon na to?" Malaman nitong tanong.
"Hindi naman kasi sinasadya Des" problemado kong sagot.
"Achi, lahat tayo may choice. Nasa saatin na yan yung ano ang pipiliin natin" pangangaral nito.
"Sinubukan ko namang pigilan eh" pangungumbinsi ko sakanya, sakanya nga ba o sa sarili ko.
"Yan tayo eh, sinubukan lang" napapailing nitong sabi.
"Teka lang ah! Porket masaya na ang lovelife mo kay Montalbo ahh!" Pangaasar ko.
"Ito naman" yumakap ito saakin.
"Sinasabi ko sayo Des ahh! Wag ibigay lahat magtira ka para sa sarili mo" pangaral ko sakanya.
"Oo na po!" Tyaka ito humalik sa pisngi ko, parang nakababata ko naring kapatid to eh.
"Awat na kayong dalawa diyan" sulpot ni ate Kim.
"Bakit ba" nakatawang sabi ni Des tyaka humalik ulit sa pisngi ko.
"Chansing na!" Nakatawa kong sabi.
"Naku! Naku! Maghiwalay kayo" sulpot naman ni Carol, pilit talaga kaming pinaghiwalay eh umupo pa talaga sa gitna namin.
"Donkey ahh! Basa ka kaya" saway ko.
"Kasi naman boss Vic, niligtas lang kita" umakbay ito saakin "kung nakakamatay lang ang tingin bumulagta na kayo ni Des" nakatawa nitong sabi.