Chapter 3

78 7 0
                                    

Ayesha's POV

"I'M HOME!!!"

"Oh anak, kamusta? Anong sabi ng doctor?"

"Hmm.. wala e, wala paring pagbabago."

"Buti naman"

"Ha? Anong sabi mo ma?"

"Wala anak sabi ko may good news ako!"

"Ano yun ma?"

"Naalala mo ba si Tita Tessie mo?

"Oo ma, yung pinsan ni papa?

"Oo, nagtatrabaho na kasi siya ngayon sa isang kilalang university, tapos kinamusta niya kayo sa papa mo. Nagtanong kung gusto niyo daw ba lumipat dun dahil nagaalok ng scholarship yung school, matataas naman ang grades mo anak, siguradong makukuha ka dun!"

"HALA TOTOO BA YAN MA?!"

"Oo anak! Basta pag butihin mo ang pag aaral mo ha?"

"Yes ma, hindi ko po kayo bibiguin!!"

--

At ayun na nga, nakuha ko yung scholarship. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na dito na ako sa napakalaking school na to mag aaral. Makikita mo talaga na mayayaman ang mga tao dito. Sana nga lang ay may maging kaibigan ako, ako lang yata kasi hindi mayaman dito hay. Anyway, Entrepreneurship pala kinuha ko. San kaya yung Y412? Dun kasi yung unang class ko e

"Kuya, san po ba yung room Y412?"

"Ah ma'am 4th floor po, dun po yung elevator tapos pagbaba niyo po kaliwa tapos hanapin niyo na lang po dun, may nakalagay naman na room number malapit sa pinto."

"Ah sige kuya salamat."

Grabe may elevator pa sila dito, yayamanin talaga. Pasarado na sana yung elevator ng biglang

*DING*

"Wait!"

"WHAT!! IKAW NA NAMAN?"

Hulaan niyo kung sino yung nakita ko. Si Mr. Sungit lang naman

"Woah, what are you doing here? Are you stalking me?!"

What?? Stalking daw? Ang kapal naman talaga ng muka nitong lalaking to.

"Stalking? MUKA MO!! HOY ANDITO AKO PARA MAG ARAL. Wag kang feeling jan!"

"Tss if you say so. Luis nga pala"

Wow pagkatapos akong pagbintangan na stalker makikipagkilala ngayon? Kapal talaga

"So ano? mangangawit na lang ako dito? Come on, kalimutan mo na yun. Dito ka mag aaral diba? So that means you'll see my face a lot."

Sabagay...

"Ayesha"

"Ayesha? Weird but cool name"

"Whatever" 

"Anong course mo?"

"Entrepreneur"

"So sa Y412 din ang class mo?"

"Din? Kaklase kita?"

"Yeah, Entrepreneur din ako e, kakashift ko lang kaya may ganyan din akong subject"

"Malas nga naman oh"

"Bakit malas? Swerte mo nga may pogi kang kaklase"

"ANG HANGIN NAMAN DITO SA SCHOOL NA TO. Bahala ka nga jan!"

Di ko na kinaya buti bumukas na ang elevator at nakababa na ako. Binilisan ko na lang din ang lakad dahil hindi ko na talaga kinaya inis ko. Pagkapasok ko ng room, may mga tao na rin. Ramdam ko yung mga titig nila sakin. May bakanteng upuan malapit sa bintana kaya dun na lang ako umupo. Di nagtagal, dumating na rin si Mr. Yabang.

"OMG andiyan na si Dylan"

"Sis, okay ba yung hair ko?

"Oo sis okay naman"

Grabe famous pala talaga tong si Yabang lalo na sa mga babae. Halos lahat kinilig nung pumasok siya sa room. Pero bakit kaya Dylan yung tawag sa kanya? Hmm.. pumunta siya dun sa isang grupo ng mga lalaki. Bawal yata panget sa tropahan nila, lahat sila may itsura e. Teka, bakit tumingin sila sakin? At bakit nagtawanan? GRR SIGURO PINAGUUSAPAN NILA AKO!! Grabe talaga tong si Yabang!!!

"Class we have a new student. Miss Garcia?"

"Present sir!" Napatayo pa talaga ako dahil sa sobrang kaba. Grabe lahat sila nag tinginan tapos halos lahat sila napatawa sa ginawa ko.

"OMG what a weirdo haha" Rinig kong sabi nung babaeng make up na tinubuan ng muka. Napahiya na nga ako, nasaktan pa ako.

"Quiet class! Miss Garcia, can you introduce yourself to us"

Grabe yung tuhod ko, nanginginig habang papalakad ako sa harapan.

"Uhm... Hi! My name is Ayesha Isabel Garcia, but you can call me Ayesha, Nice meeting you al...OUCH!!!!" Ang sakit!!! Grabe kasi sa sobrang kaba ko at dahil adik ako sa kdrama, napabow ako at tumama ang ulo ko sa vase ni prof. Bat naman kasi may vase pa dito!!! Ang laki laki pa!! Lalo pa tuloy nila ako pinagtawanan.

"NICE INTRODUCTION, LOSER!" Rinig kong sabi nung babaeng namahiya sakin kanina. Isang isa na lang talaga masasabunutan ko na to!

"Ah thank you Miss Garcia, you may now take your seat and please be careful next time."

"Yes sir"

Pag balik ko sa upuan ko, may dumating na lalaki.

"Mr. Lazaro, you're early for tomorrow's class"

"Ah sorry sir, wasn't able to wake up on time."

"As always. Take your seat."

Grabe naman yung ngiti nito, ang pogi!! Grabe! Hala bat siya papalapit dito?

"Miss, are you okay?"

"Miss?"

"Ha? Ako?" Omg ako ba yung kinakausap niya?

"Oo ikaw, patabi ha. Wala na kasing upuan."

"Ah sure, okay lang"

"Mico nga pala"

"Ayesha"

"Nice" OMG kumindat ba siya? Feeling ko kumindat siya eh? OMG!!

At lumipas ang oras na kinikilig lang ako buong magdamag. Ang gwapo kasi talaga ni Mico tapos ang bango bango pa niya. Sobrang weakness ko talaga yung mababango as in. Sana palagi ko na lang siya makatabi haha!

"Ayesha"

Paglingon ko si Mr. Yabang pala.


Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon