IKATATLOMPU'T ISANG KAPITULO

148 8 5
                                    

IKATATLOMPU'T ISANG KAPITULO

[CONTINUATION...]

"LYKA! QUINCY!"

Sumigaw sina Chanel, Ronalyn at Marielle.

"JEREMIAH!" sigaw ni Lyka nang makitang iniharang ni Jeremiah ang kanyang sarili sa bala na tatama sana kina Quincy at Lyka.

"Tsk. Pakialamero." bulong ni Diomel habang naiinis na nakatingin sa bangkay ng kaklase.

"L-Lyka, matagal na kitang gusto. S-sorry kung sa ganitong paraan ko pa sinabi..." ang mga huling salitang binitiwan ni Jeremiah. Matapos sabihin ito ay agad din siyang binawian ng buhay.

"Hindi..." pag-iyak ni Lyka. Hindi niya matanggap na namatay ang kaklase niya para sa kanya- sa kanila. Hinila siya ni Quincy palayo.

"Tara na!"

"B-bilisan niyo!" utos ni Chanel.

Binilisan nila ang pagtakbo habang kalmado at natutuwang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila ang mga killers.

Agad na pumasok sa kakahuyan ng mansion ang magkakaklase.

***

"Dito!" bulong ni Christian Oliver habang pinapapasok ang mga kaklase sa isang abandonadong maliit na bahay na nasa loob ng kakahuyan sa mansion.

Nanginginig at naiiyak na sumunod sa kanya ang mga kaklase. Takot ang bumabalot sa kanilang lahat.

"Nasaan sila Chanel?" tanong ni Joshua James nang makapasok na silang lahat.

"Shit. Nasa labas pa yata." sabi ni Mark Joshua. Tumingin ito sa labas ng bintana. Nakita niya ang hinihingal na Chanel at ang mga kasama nito.

"Psst! Dito!" tawag niya sa mga ito.

Agad na pumasok sa loob ng bahay ang limang babae.

"Si Jeremiah? Pinuntahan niya kayo ah?" tanong ni Raymar.

Naiyak si Lyka. Malungkot na napailing naman sina Quincy at Chanel.

"Nabawasan na naman..." buntong hininga ni Stan.

"Shhh." sabi ni Christian Oliver nang may marinig itong kaluskos.

Dahan-dahang umatras papasok ang magkakaklase. Maingat sila na walang magawang ingay.

"Diomel!" Napatahimik sila lalo nang may boses silang marinig. "Dapat kasi hindi na lang natin sila hinayaang makatakbo! Ngayon kailangan pa tuloy nating isa-isahin ang mga bahay dito."

"Tumahimik ka nga, Angelo! Akala ko ba gusto niyo ng exciting? Tsaka boring kapag pinatay agad natin sila ano!" sabi ng boses ni Diomel.

"Oh, mag-aaway pa kayong dalawa. Tama na nga 'yan at hanapin na natin-" naputol ang sasabihin sana ng boses ni Julius nang may mabangga na vase si Andrea.

Nabasag ito at nakagawa ng ingay. Natahimik ang paligid.

Napapikit ang mga kasama ni Andrea.
"Meow. Meow." paggaya ni Christian Oliver sa isang pusa.

Nanatiling tahimik ang paligid. Halos kulang na lang ay hindi huminga ang magkakaklase sa sobrang kaba.

"Pusa lang pala." rinig nilang sabi ni Julius.

"Tara na." aya ni Angelo.

Nakahinga ng maayos ang mga magkakaklase nang marinig na umalis na ang mga killers. Akala nila katapusan na nila.

"Ang galing mo, Christian Oliver." bulong ni Kevin.

"S-sorry." bulong ni Andrea.

Tumango lang si Christian Oliver. Hindi siya sigurado kung nagtagumpay nga siya sa ginawa niya. At alam niya na maya-maya ay malalaman din ng mga killers kung nasaan sila.

"Teka..." bulong ni Mark Joshua na malapit sa bintana. "A-ano 'to?" tanong niya nang may makitang parang spray paint ang itsura na nakalagay sa tapat ng bintana.

"M-Mayro'n din dito..." bulong ni Elizabeth na malapit din sa bintana na nasa kabilang side ng bahay.

Nang makita ito ni Christian Oliver ay huli na. Biglang naglabas ng usok ang mga bagay na iyon.

"Takpan niyo ang ilong-" hindi na natapos ni Christian Oliver ang kanyang sasabihin nang mawalan na siya ng malay.

Sunud-sunod din na nawalan ng malay ang magkakaklase.

Bago pa mawalan ng malay si Andrea ay nakita niya ang silhouette ng tatlong killers.

"Huli kayo!"

[BACK TO PRESENT...]

"Hindi ba, ibig sabihin no'n ay wala na tayong pinagkaiba sa mga killers?" seryosong tanong ni Christian Oliver.

"May naiisip ka pa bang ibang paraan?" seryosong tanong ni Lyndon.
Umiling si Christian Oliver at pinili na hindi na makipagtalo.

"Anong balak mo, Lyndon?" tanong ni Stan.

Sinabi ni Lyndon ang kanyang plano at desperadong nakinig naman ang iba sa plano nito.

Bumulong si Christian Oliver, "Hindi tama 'to..."

"May magagawa pa ba tayo?" sabi ni Mark Jayson na katabi nito.

"Kahit na..." umiling ang kausap.

"Teka, paano tayo makakagalaw kung pare-pareho tayong nakagapos dito?" tanong ni Lira.

"Walang problema 'yon." sabi ni Lyndon na ikinagulat ng lahat. Madali niyang natanggal ang nakagapos na lubid sa kanyang mga kamay. Sunod ay tinanggal niya ang nakatali sa kanyang mga paa.

"Paano mo nagawa 'yan? Astig." tanong ni Hope sa sobrang pagkamangha.

"Payat ako." sagot ng kaklase na parang ito na ang sapat na rason para makawala siya sa pagkakagapos. "Tsaka... hindi yata nila napansin na medyo maluwag ang pagkakatali nila sa akin."

"Sa dami ba naman natin, siguro nagmadali sila sa pagtatali sa takot na magising tayo..." sabi ni Leunize.

Tumango sina Angelika at Chanel.

"Anyway, Lyndon, simulan mo na ang pagtatanggal." utos ni Cricel.

Sinimulan naman ni Lyndon ang pagpapakawala sa kanyang mga kaklase. Mabilis at tahimik niya itong ginawa. Matapos ang ilang minuto ay napakawalan niya na din silang lahat.

Nilibot na rin nila ang buong silid para makahanap ng mga pwede nilang gamitin panlaban sa mga killers.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Chyarrel.

"Hihintayin natin ang mga killers." sagot ni Lyndon.

"Gagana kaya 'to?" nangangambang tanong ni Andrea.

"Oo naman, syempre." siguradong sagot ni Joanna. "Uh, guys?"

"Hmm?"

"Bakit?"

"Pwede tayo magpray?"

Tumango sila at nagsimula na silang manalangin.

+++

Don't know kung ilang chapters na lang ang natitira but surely, we're getting there. #M49Wakas

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon