9:52 A.M.
25 November 2017
Pantabangan, Nueva Ecija"O, miss Makiling, where in the Philippines' sake you came from? You're almost thirty minutes late and you look…you look like a mess. Is there a zombie outbreak outside? Or, are you the zombie yourself?" Tanong ng kaniyang guro na si Celia.
Ito na naman siya sa mala rapido niyang mga tanong, isip ng dalaga.
"Uh…ma'am, I'm sorry I'm late…uh, it will never happen again.” Siya ay palingon-lingon sa labas ng kanilang kwarto, tinitingnan kung siya ba ay sinundan ng binata.
“What, miss Makiling?”
“It's just…er, I'm sorry, ma'am." Ito na lamang ang nasabi ng dalaga dahil sa pagkapagod niya. Hindi na siya nakapag-isip dahil sa dami na rin ng nasa utak niya.
Una, ang pagkawala ni Peggy; pangalawa, ang nanay niyang kung saan nagsuot na ni hindi man lang nagpasabi kung saan pupunta; pangatlo, ang paglakad niya na halos feeling niya naka-isang milya siya; pang apat, ang eksenang malapelikula na ginawa niya kasama ang isang hindi kilalang binata; at, pang-apat, ang pagpapahiya niya rito kahit na wala naman itong kasalanan.
Napabuntong hininga siya habang nakakagat sa babang labi. Kinakabahan siya sapagkat naalala niya na mayroong parang nahulog ang binata. Maaaring isang cellphone, o di kaya ay isang mamahaling gadget. Huwag naman sana, Lord.
“Sit down,” mahinahong banggit ng kaniyang guro, pero hindi ito nakatingin kay Maika.
Nakita ni Maika na nakaupo si Kaye sa harapan, isa niyang kaibigan. Nag-hi ito gamit ang pagkaway ng kanyang kanang kamay. Bilang tugon ay kinawayan rin niya ito nang siya ay nagsimula nang lumakad.
Hinihingal pa rin siya nang umupo sa likuran ng klase. Katabi niya sa kanan si Gino, si Cindy sa kaliwa at sa harap niya ay si Mae. Labing-anim lamang sila sa loob ng kwarto na kumukuha ng pare-parehong major—ang English, pero sila ay nagiging apatnapu't-lima kung darating ang iba pa nilang mga kaklase na kumukuha naman ng major na Filipino.
"Give honor to the Late Queen," pagbati ng kaklase niyang si Gino na kanyang inirapan. Tinapakan niya ang nakaunat na mga paa ni Gino.
“Awts! Is hurt. Is hurt!” Bulong na pagbibiro ng binata habang animo’y nasasaktan. Mabuti at nakapagpigil si Maika sa kaniyang pagsipa, marahil ay mabilis na pumasok sa isip niya ang parehong pangyayaring ginawa niya sa hindi niya nakilalang binata sa hallway.
"Okay, miss Makiling. Since you're the only one whom I haven't asked a special question yet, you have to brace yourself for one." Sabi ng Ma'am Celia nila habang inaayos niya ang kanyang salamin sa mata. Kinuha niya ang index card na sa tingin ni Maika ay kaniya at tumingin sa kanyang mga mata nang diretso.
Tugudugudugudugu…!
Nag-drum-roll si Gino gamit ang desk at kanyang mga kamay habang hinihintay ng buong klase ang ibabatong tanong ng kanilang guro.
"I'm ready now, Ma'am." Sabi ni Maika habang alam niyang hindi pa siya handa dahil sa busy niyang iniisip ang ginawa niyang kalokohan, mga ilang minuto pa lamang. Katunayan ay mabilis pang tumatalon ang kaniyang puso sa kaba at hingal.
"What is narcissism?" Tanong ng guro.
"Is that the question, ma'am?" Nagulantang na tanong ni Maika.
"Yes. Is there a problem?" Pangmamata ng guro na nakaupo sa harapan.
"Well, uh," huminto si Maika sa pagsasalita at tumayo. Tumitig rin siya sa nakalagay na tv screen sa harapan ng klase habang nag-iisip ng magandang sagot, habang pinipilit na kalimutan ang mga pangyayari na naganap kanina. "Well, ma'am, Narcissism is the excessive thinking, patronizing or loving of one's self. In other word, Narcissism is being 'selfish'".
YOU ARE READING
Si Mariang Sinukuan sa 21st Century
Ficción históricaPaano kung ang buhay mo ay parang may butas o kulang na hindi mo malaman kung saang parte matatagpuan? Yung 'kulang' na hindi mo alam kung paano tatakpan...o pupunuan. Yung 'kulang' na hindi mo alam... na sa ibang tao mo pala matatagpuan. At, paano...