Dahil sa narinig ay agad na pinuntahan ni Maqui ang condo ng kapatid. Gulat pa siya dahil hindi naka-lock 'yon. Pagpasok niya ay medyo makalat ang paligid kaya habang hinahanap niya ang kapatid ay pinupulot niya ang mga gamit sa sahig.
Tinungo niya ang kwarto nito at sa pagbukas niya ng pinto ay malamig na hangin mula sa aircon ang sumalubong sa kaniya. Nakita niya ang kapatid na mababaw lang ang tulog dahil gumagalaw ang mata nito kahit nakapikit. Nakahinga naman siya nang maluwag.
"Elmo." Panggising niya rito. Mabilis namang dumilat ang kapatid at nakitang medyo mapula ang mata nito, senyales na kakatulog palang.
Nakasimangot namang bumangon si Elmo at umupo sa kama. "What brings you here? At paano ka nakapasok?"
Maqui didn't answer his question. "Bakit ang kalat ng condo mo?" Balik tanong nito.
Sandaling tumahimik si Elmo at pagdaka'y tinignan ang paligid niya. Madumi nga at tambak na rin ang labahan niya.
"I've been with Julie and Soleil lately kaya hindi ako nagkikikilos dito. Maybe I'll just hire a helper." Aniya at tumayo papunta ng kusina para uminom ng tubig. Sinusundan lang siya ni Maqui.
Hinayaan muna ng babae na maubos ni Elmo ang isang baso ng tubig bago nagsalita.
"Leave them alone." Diretsang sabi nito.
Gulat namang napatingin si Elmo sa kapatid. "Ano—"
"Don't go near them, Elmo. Makinig ka sa akin!"
Hindi makapaniwalang nakatingin si Elmo sa nakatatandang kapatid. Ngayon lang niya itong nakitang seryoso.
"I've been with them since—"
"I don't care, Elmo! Iba na ngayon! Please—"
"No!"
"Ano?!"
"I somehow know na kailangan nila ako. Kailangan nila tayo. Ano ba'ng nangyayari sa'yo?"
"Don't be stubborn—"
"I'm not being stubborn! Alam mong they need our help. Julie's your best friend. You should know better."
Inilapag na ni Elmo ang baso sa mesa at saka nagkulong sa kwarto. Napahilamos nalang ng palad sa mukha si Maqui habang pinagmamasdan ang pinto ng kwarto ng kapatid.
MAAGANG pumasok si Soleil sa paaralan at nakabuntot sa kaniya ang kaniyang tagapag-alaga dahil sa takot ni Julie na lapitan ito ni Moises. Sa araw na 'yon ay kailangan nang magtrabaho ni Julie kaya't wala siyang nagawa kung hindi ang pabantayan nalang ito.
"Soleil, ngayon ka pala kukuhanan ng litrato para sa ID mo sa ballet class." Ani sa kaniya ni Emily.
Sumimangot naman ang bata. "But I don't want ballet, Yaya. And.. what is ritrato?"
"Picture, Soleil. Haru ikaw na bata ka saan ka ba nagmana at Ingles ka nang Ingles." Napasapo nalang ang babae sa noo.
Tahimik lang na nakasunod si Soleil sa yaya niya, ayaw pa rin niyang umattend sa ballet class niya.
Hanggang sa mabangga siya ng isang lalaki.
"Ops. Naku, sorry baby." Ani ng bata at saka ito itinayo.
Nanatiling nakatingin sa lalaki si Soleil at pagtapos ay sinulyapan ang Yaya niyang medyo nauuna sa paglalakad.
"Are you lost?" Nakangiting tanong ng lalaki dahilan para hindi maging kumportable ang bata.
"N—no." Sagot niya.
Tumango tango ang lalaki at muli nanamang ngumiti dahilan para hindi mapakali ang bata.
BINABASA MO ANG
Rough Skies (JuliElmo)
Фанфик"I have ruined a life. I know she's out there somewhere, her face is screaming innocence yet still holding herself culpable for everything..."