Friendship

140 8 9
                                    

WORK OF FICTION.

Okay. One day.. Pumasok ako sa magulong mundo. Pumasok ako sa Stallon University. Magulo roon. Madaming bitch. Madaming masasama yung ugali. Madaming bully. May fraternities. Madaming studyanteng walang pakialam sa mundo.

Bakit ko ba to kinukwento e ang corny naman diba? Pero sige. Kwento ko pa din naman to kaya wala kayong choice kundi basahin to. Ganda kasi baka may matutunan kayo. Hahaha.

One day.. Nakilala ko si Patrick Stallon. Anak ng may-ari ng school. Naging kami. Pero syempre nga MAYAMAN. Madaming babae.

Ayun. Nakilala ko si Patrick. Mabait naman siya, maalaga, madami nga lang babae. Pero di ako tulad ng ibang babae e. Hindi ako ganun kasweet. Bully. Basag trip.

Syempre siguro. Napagod si Patrick sa kakaganon ng ugali ko. Then naghiwalay kami. Lumayo kasi ako. So ayun. Sabi sakin ni Lianne (kaibigan ko). Gago daw Patrick. Dahil sa paglayo ko, naghanap na siya ng iba. Nakakahurt no? Iniwan niya ko sa ere. Wait ako pala nang-iwan. Haha.

Pero hindi nga kay PATRICK iikot tong story ko e. Pinahapyawan ko lang kayo ng miserable love story ko e. Hehehehe.

Kasi ito na. Nung nagkakalabuan si Ako at si Patrick. May isang tao akong nilalapitan. Iniiyakan. Sinasabihan at dinadramahan. Haha. Siya yung taong di ako iniwang mag-isa. Lagi niyang sinasabi sakin "Okay lang yan Ish, hayaan mo na marami pang mas matino dyan".

Paano ko ba nakilala siya? Taga Stallon University siya, pero sa facebook kami nagsimula. Sa floodlikes. Niflood niya ko kaya lang imbis na magthankyou nagalit ako. Nakakabagal kasi yun diba? Ano ba. Hahaha. Basta ayun. Takot ako e. Kaya di ako kumakausap ng ibang lalaki hanggang sa naging sandalan ko na si James. Right. Si James.

Sinisimulan na naming ang pagkakaibigang pwedeng magyabong pa. Pwedeng maging mas memorable pa ng mapansin kong napapadalas na ang sakit ng ulo niya.

Noong tanungin ko siya, sabi niya may malala na siyang sakit at 40-60 lang chance na mabuhay pa siya.

Natakot ako kaya ginawa ko lahat para di siya mastress. Para di siya mahirapan pa.

One day inopen ko yung laptop ni James. Nasa hospital kami noon kaya naman pinahiraman niya sakin yung laptop niya. That time gusto ko lang na magfacebook pero may nakita akong note. "Ish, YOU MUST READ THIS"

April 12,2014 9:32:16 PM

Nobelang mula sa puso.

Hi Ish.

"Thanks sa flood." Yan yung una mong chat sakin. I said K at sinabi mong sana hindi na maulit. Gulat, ang naramdaman ko. Aba, sino bang maiinis sa likes? May mga tao ngang namamalimos na ng likes pero iba ka. Natawa ako ng time na yun at nawirduhan. Cool ka, at ikaw ang unang nagtaray sakin noon. Hindi ko inaasahang ganun ang sasabihin mo. Pero sabi nga nila ay expect the unexpected.

Yung pangalawang beses na nag chat ka ay humingi ka na ng sorry. At doon nagsimula yung pagkakaibigang meron tayo ngayon.

Tanda ko pa na S ang una kong tawag sayo dahil talagang tinatamad akong magtype at ngayon ay naging Ish na. Ako yung tipo ng lalaking mahilig talagang mag-imbento ng itatawag sa mga taong kilala ko. I'm the Name Maker ika nga nila.

As our chat became deeper, nakilala ko ang tunay na ikaw. Yung walang arte at nagpapakatotoo sa sarili. Yan ang pagkakakilala ko saiyo. Hindi ko hinahangad na sobrang bait ng isang tao. Alam ko yung totoo, gusto ko yung totoo.

Swerte talaga yung taong mamahalin mo. Sino nga ba yung lalaking nagpawasak jan sa puso mo? Siya yung dahilan kung bakit ka nag-open sakin ng problema mo diba? Thanks to him. Dahil kung hindi kayo nagkatampuhan ay walang ISH na lalapit sakin.

FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon