Accepted

1.5K 27 0
                                    


      "Kung bibigyan kita ng tiyansa upang alisin lahat ng sakit sa puso ko, may magagawa ka ba?"

    Hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin ang tanong niya. Gustuhin ko mang tulungan siyang magising sa bangungot na kinakaharap niya ngayon, natatakot akong hindi ako ang gusto niyang makita pagmulat niya ng mata. Na mas gugustuhin niya pang matulog na lang muli kaysa sa makasama ako.


Sinalubong ko ang mga mata niyang namumugto na sa kakaiyak. At parang gusto ko na ring umiyak dahil kanina ko pa siya sinusubukang patahanin pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. At sa pagkakataong ito, alam kong iisang tao lang ang may kakayahang patahanin siya. At hindi ko maiwasang madurog ang puso ko sa katotohanang hindi ako yun. Na kailanman hindi magiging ako yun.

      "Are you good at pretending?" tanong ko,

Sumingkit ang mga mata niya. Malamang naguguluhan siya sa tanong ko.
    

Nagbawi siya ng tingin saka uminat at nahiga sa may damuhan. Ang mga mata niya'y nakatuon sa mga bituin. Siguro nag-aabang ulit siya ng shooting star. Siguro magwi-wish siya na balang araw bumalik na ang babaeng kaisa-isang naka-ukit sa puso niya. Siguro...

     "If you're going to ask me if I can pretend na parang walang nangyari. Na isipin kong walang Kath na bumago sa buhay ko, sorry but I can't. I am just head over heals in love with her na maging pagpapanggap ay hindi ko kayang gawin."

Parang kutsilyo ang mga sinabi niya na sumusugat sa  puso ko. Batay sa mga sinabi niya, mukhang hindi ko talaga siya mapapantayan sa puso niya. At aaminin ko, hindi ko yun tanggap.

Bakit?

Dahil bata pa lang kami ako na ang kasama niya. Pag may problema siya, ako ang takbuhan niya. Pero bakit nung makilala niya si Kath minahal na niya ito agad? Ako? Almost 16 years na kaming magkasama hindi pa rin niya ako mapansin. Ganoon na ba ka-manhid ang isang tao kapag may mahal na siyang iba?


Sa mga fairytales, ang prinsipe ay para lang sa prinsesa. At sa kuwentong ito, alam kong hindi ako prinsesa. Siguro ako ang witch dito. Witch na umaasang mapapansin rin siya ng prinsipeng tinitibok ng puso niya. Witch na walang ibang papel kundi umasa at sa huli'y masaktan. Witch na mananatiling kontrabida at hadlang sa pagmamahalan ng mga bida kahit pa man ang tanging kasalanan niya'y  umibig sa maling lalaki na nakatadhana na sa iba.

Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

    "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. I mean, you will going to pretend  that this nightmare never happened. Hindi mo naman siya kakalimutan eh kasi alam ko namang hindi mo kaya. Sabi nga nila, 'pag hindi mo kayang makalimot, magpanggap ka. At yun mismo ang gagawin natin. Kasi ang totoo niyan, dadagdagan pa natin ang magical moments niyo. But this time sa katauhan ko."

Alam kong kabaliwan ang mga pinagsasabi ko. Pero paano kung ang kabaliwan na 'to ang magpa-realize pa sa kanya kung sino ba talaga ang totoong nagmamahal sa kanya.

Marahas siyang napatingin sa akin.

     "What do you mean?"

    "Isipin mong ako siya. Kalimutan mo ang gabing ito, kalimutan mong iniwan ka niya."


Agad siyang tumayo. Ang mukha niya'y madilim nakakatakot.

     "Hell, no!". Madiin ang pagkakasabi niya.

Kahit Kunwari [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon