Akira's POV 👑
Dalawang araw na rin ang lumipas matapos kong malaman na nasa isang mundo pala ako na gawa sa ilusyon at narito parin kami naglalakad kasama ko ang misteryosang pusa na 'to.
Hindi ko naman magamit ng maayos ang kapangyarihan ko dahil pagod at gutom na gutom na ako. Oo, dalawang araw na akong hindi kumakain! Karne na nga ang tingin ko sa pusang naglalakad na 'to sa harap ko, eh. Lulutuin ko 'to kapag nagtagal pa kami.
Kung ano-ano ng naiisip ko kaya hindi ko napapansin ang oras, hindi ko na sigurado kung may patutunguhan pa ba 'tong nilalakaran namin. Dere-deretso lang kami sa paglalakad sa loob ng dalawang araw at purong mga puno lang ang nakikita namin at kung minsan ay may lumilitaw na mga ahas at kung anong tipikal na hayop ang makikita mo sa gubat.
"Sandali nga, Silhoueska! Pagod na ako at gutom na gutom na. Magpahinga naman tayo." Hindi ko na nakayanan at nagreklamo na ako sakanya.
Nilingon lang ako nito saka tumigil sa isang puno at humiga roon na parang wala lang. Agad akong napa-salampak sa tabi niya at wala pang ilang minuto ay naka-tulog na ako.
3rd Person's POV 👑
Habang mahimbing na natutulog ang dalawa na nakasandal sa isang puno ay may paparating na malaking karwahe na may nag-iingayan na mga lalake sa loob nito at isa na nagpapatakbo ng kabayo sa harap.

Natigil ang ingay ng bigla-bigla na lamang tumigil ang kasamahan nila, kaya't napalabas sila sa loob nito at saka pinaulanan siya ng tanong. Pero bago pa man may mag-salita sa mga kasama niya ay nag-yelo mula sa kanilang kinatatayuan. Lalong nag-taka ang mga kasama niya kaya sumenyas na lamang siya gamit ang mga mata na dumeretso sa pwesto nila Akira.
Nilapitan niya si Akira pero hindi rin ganon kalapit, saka unti-unting lumamig ang paligid kaya biglang napa-balikwas ng bangon si Akira at dumeretso agad ang tingin nito sa lalaking naka-tayo hindj kalayuan sakanya.
"Sino ka?! Anong kailangan mo?!" Bulyaw nito na naging dahilan para magising ang pusa na at saka ito nag-ngiyaw.
Napatingin naman dito si Akira at agad-agad na binuhat sa taranta saka tinignan ulit ang lalaki na may halo ng panlilisik. Bigla namang tinaas ng lalaki ang kamay niya sa ere na para bang nagpapa-batid ng pagsuko.
"Wala akong balak na kung ano sayo, 'wag kang mag-aalala. Gusto ka lang namin tulungan." Napataas naman ang isang kilay ni Akira marahil nagtaka sa sinabi nitong sila raw.
Mukhang naintindihan naman ng lalaki kaya napahagikgik ito at tinignan ang pwesto ng mga kasama niya na nababalot parin ng yelo hanggang ngayon. Tinignan din naman ito ni Akira at napangiwi sa kanyang nakita. Unti-unting natunaw ang yelo at naka-hinga ng maluwag ang mga ito.
"Grabe ka namaaan! Bakit mo naman ginawa 'yoooon?! Nakaka-inis ka!" Wari'y nagtatampong wika ng isang lalaking halata ang disgusto sakanyang mukha.
"Ako nga pala si Jhinda, at sila naman ang mga kasama ko." Naka-ngiting wika nito kay Akira sabay baling ng tingin sa mga kasamahan niya, kaya nagsilapitan din ang mga ito na ngayo'y may ngiti na.
"Ganma nga pala! Pasensiya na sa inasal ko kanina, nakaka-inis kasi yang si Jhinda, eh." Naka-ngiti nitong wika sabay baling ng masamang tingin kay Jhinda na ngayo'y napapangamot nalang sa ulo habang naka-ngiwi. Siya yung kaninang nag-reklamo dahil sa kagagawan ni Jhinda.
"Toryo! Ang pinaka-gwapo saamin." Malaking ngiti nito kaya napa-hagikgik si Akira dahil bigla siyang binatukan ng mga kasama niya.
"Ako naman si Kari. Kinagagalak kong makilala ka." Maaliwas kung tignan nitong ngiti kay Akira.
"Kai nga pala! At yung isa naman na mukhang tahimik si Kirah at yung isang mukhang mainitin ang ulo si Backen." Nangingiti nitong sabi habang itinuturo anh dalawa.
Napatingin naman ang lahat kay Akira na naging dahilan na biglang pagsiklab ng hiya sa katawan niya. Napipisil na rin niya ang pusang hawak niya kaya bigla itong napa-ungol at nagulat naman si Akira. Napa-hawak nalang siya sakanyang batok bago mag-salita.
"Akira Saeire Gin Lozano, at eto namang pusang kasama ko ay si Silhoueska. Nagpapahinga lang kami noong nakita niyo kami, may pupuntahan kasi kami kaso pagod at gutom na talaga kaming dalawa kaya nagpahinga na muna kami. Hahahaha. Kayo, ano nga pala kayo? Anong ginagawa niyo rito? Atsaka saan kayo pupunta?" Hindi napigilang matawa ni Toryo sa mga narinig niya na sinundan naman ng iba pa, maliban sa dalawa na sina Kirah at Backen.
Nagtaka naman si Akira kung bakit nag-tawanan ang mga kalalakihan pero tumigil din ang mga 'to at tumalikod sakanya papunta na sa karwahe nila. Inakbayan siya ni Jhinda saka inakay na sumama sa kanila.
"Ewan ko kung anong tawag saamin. Pero mahilig kaming makipagsapalaran, kung saan-saan na kami napupunta. Wala kaming permanenteng tirahan. Kami rin mismo ang gumagawa ng paraan para maka-kain kami. Hindi kami magkaka-ano-ano, nagkakilala lang kaming lahat habang patuloy naming nililibot ang mundo. Kaya habang tumatagal, ang turingan namin sa isa't isa ay parang kapamilya na. May mga kanya-kanya kaming klase ng kakayahan na nakakatulong saamin kapag naglalakbay kami. Ikaw saan ka ba pupunta?" Saka siya pinapasok sa loob ng karwahe.
Nagulat naman si Akira ng makapasok siya sa loob dahil kung titignan mo labas ay tipikal lamang ang laki nito pero kapag naka-pasok kana sa loob ay magugulat ka sa sobrang laki nito. Pinakain na siya ng mga ito habang si Kirah ang naatasan na mag-paandar ng karwahe. Natutulog naman sa isang tabi si Backen at yung iba ay naglalaro, pinakain na rin niya si Silhoueska na mukha namang natutuwa. Mayamaya lang ay nagtanong si Ganma.
"Akira saan nga pala kayo pupunta niyang pusa mo?" Tanong nito habang nakatutok sakanyang nilalaro.
Napalingon naman siya rito sabay tingin sa pusang prenteng kumakain lamang, parang naghihintay siya ng permiso kung sasabihin ba niya o hindi ang tungkol sa pupuntahan nila. Tumingin din naman sakanya ang pusa pero agad din siya nitong tinalikuran at pumwesto para matulog. Napa-hilamos na lamang siya ng kanyang mukha saka uminom ng tubig bago hinarap muli si Ganma.
Naghihintay na rin pala ang iba sa isasagot niya. Kaya bigla na lamang siyang napalunok ng laway, at sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang pinagpawisan.
"Kailangan kong maka-punta sa Heroes Academy." Napalingon naman sakanya ang lahat kaya mas lalo siyang nagtaka.
———————————*
(A/n: Alam kong sabaw siya, patawad mga ka-heroes. Pero sana patuloy niyo paring basahin, maraming salamat sa suporta, sainyo ako kumukuha ng inspirasyon para ituloy ang obrang ito. Mahal ko kayo guyss!Vote, Comment and Follow!
Thank you and God bless you all!
~Elle ❤
BINABASA MO ANG
Heroes Academy: Not An Ordinary Girl
FantasyTittle: Heroes Academy: Not an Ordinary Girl Is it really true that she's just a girl? Well... Why don't you find it out. Paalala: "Hindi sa unang kabanata nagsisimula ang tunay na istorya." Language: Tagalog/English Categories: Fan...