Dito na nga ba ako magsisimula? O dito ako magtatapos.
Hindi ko alam kung tula ba itong aking naisulat na may malayang prosa, o isang sulat ng babaeng wasak at sugatan?
Noong una ay wala akong takot na pagbuksan kang pinto, pero ngayon parang pinagsisisihan kong bakit ikaw ay pinagbuksan? pinatuloy ko pa nga sa puso ko.
Yun pala, iba ang hangad mo. Hindi ako. Ako na ikaw ang gusto.
Totoo nga't merong ikaw at ako. Pero walang tayo na namamagitan sa mundo.
Ikaw at ako pero mayroon'g SIYA, na mahal mo.
IKAW, na mahal ko.
at AKO, na sampid lang sainyo.
Ano nga ba ang papel ko sa'yo? Ultimo istoryang isinusulat ko ay hindi ako ang bida dito.
Kelan bang ako naman? Ako naman ang mahal mo,
Ako naman ang bida sa istorya mo,Ako naman, at ikaw na walang siya sa mundo mo?
Lugi ako, ba't ako pa ang tinamaan ng kupido patungo sa'yo?
Lugi ako, dahil bakit siya pa ang minahal mo at hindi ako?
Lugi ako. Talo ako. Dahil tumaya ako, sumugal ako.
Dito na nga ba ito magtatapos? O ito palang simula ng istorya ko?
Ako na nga ba ang bida dito? O mananatili pa din na ibang tao?
YOU ARE READING
My Story Behind My Untold Words
Teen Fictionako yung tipo ng tao na, words? words can describe everything. lahat idinadaan ko sa pagsusulat, sa paggawa ng tula at ng iba't ibang storya...