Prolouge

47 5 2
                                    

"Bes sht. Pinansin niya ako. Nakakakilig!"
Hay. Bakit kapag ikaw ang pinapansin ko, hindi ka naman kinikilig ng ganyan? Ano bang meron siya na wala ako ha?

"Bes! Alam mo ba, nagtitigan kami kanina tapos bigla siyang ngumiti? Ang gwapo gwapo niya bes!"
Oo, alam ko. Nakita ko kayo. Ang sakit niyo sa mata kanina. Saka siya, gwapo?! Hmm. Oo na, gwapo na. Tutal alam ko naman na mas gwapo siya saken. Kaya siguro hindi mo ako mapansin ano?

"Bes! Pakshet. Hulog na hulog na talaga ako sakanya! Di ko na kayang umahon. Huhuhu"
Kahit ba hilahin kita pabalik sa akin, mahuhulog ka rin sa  kanya? Kahit kaya sagipin kita para hindi ka masaktan, malimutan mo kaya siya?

"Bes, mahal na mahal ko siyaaaa! Kyaaah!"
Oo, mahal mo siya. Pero, hindi ka naman niya mahal diba? Nagpapakatanga ka sa isang taong hinding hindi ka naman mapapansin. Nagpapakatanga ka sa isang taong hindi ka naman kayang gustuhin. Parang ako lang sayo diba? Nagpapakatanga. Nagpapakamartyr dahil mahal kita.

"Bes, sht! Sana akin na lang siya ano?"
Sana, akin ka na lang. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan basta mapasa akin ka lang. Pero imposible naman diba? Imposible kasi, may mahal ka na. Imposible, kasi hindi ako ang tipo mo. Hindi ako ang gusto mo. Hindi ako ang lalaking kukumpleto sayo.

At isa pa, bestfriend lang ang tingin mo sa akin. BESTFRIEND LANG.

At ang tanga tanga ko kasi nahulog ako sa bestfriend ko. Sa bestfriend ko na mahal na mahal ko, pero mahal niya, ibang tao.

~•~•~•~•~•~•~
Pahabain ko na to! Ipupush ko na! HAHAHA. Sa sobrang dami ng nagawa kong story sa drafts ko, wala akong mapili. Kaya gumawa na lang ulit ako ng bago HAHAHA. Wala kasi akong magawa. Alam ko, sobrang common na ng topic na maiinlab sa besprend tas ganito ganyan. Pero, wala, yan unang pumasok sa kokote ko. Hahaha.

Sana magustuhan niyo. Sana din basahin ninyo hahaha​

GOD BLESS AND ENJOY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon