Chapter 7
Not
Carlos
Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko sa noo si Janelle. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko nung narinig kong nirereto siya ng papa niya sa ibang lalaki. At kay Quiroz pa!
Shit!
Nakatulog ako ng mahimbing sa tabi ni Janella. Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na nakadagan sakin.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakayakap ng sobra sakin si Janelle. Yung paa niya ay nakapatong sa mga hita ko at iyong kamay niya naman ay parang humahaplos sa braso ko dahil sa lambot nito.
Hindi ako masyadong gumalaw, kasi baka magising siya.
I held her face and I gently caress it.
Sa mga singkit niyang mata, matangos niyang ilong, mapulang labi at mala porselanang balat ay masasabi kong napakaganda niya.
Natigil lang ako bigla sa pagtitig sakanya nung gumalaw ang mga mata niya.
Napabalikwas siya ng tayo. Kinapa ang katawan niya na animoy hinahanap ang damit niya.
"Bakit ka kasi natulog sa tabi ko?! Ayan tuloy!" sabi niya at tumalikod ng may multo ng ngiti sa kanyang labi.
"Ang likot mo palang matulog. Buti nalang at natantsa ko yang bigat mo. Konti nalang talaga at madadaganan mo na ako"
"Tss. Manahimik ka diyan. Bumalik kana sa kwarto mo at isuot mo ulit yung get up mo kahapon. Uuwi na tayo"
Wala akong nagawa kaya umalis nalang ako sa kwarto niya at sinunod ang inutos niya.
You're acting like a fvcking puppy C!
Janelle
Narealize ko nalang na, my face turned so red nung magising ako na yakap na yakap sakanya.
Kaya pala nagtataka ako na ang tigas ng unang niyayakap ko!
Nakakahiya ka Janelle!
Naligo na ako at nagbihis. Binilisan ko ng konti ang pag-aayos ko para makahabol sa party'ng dadaluhan namin ni Wendy.
Bumaba na ako ng hagdan at nag goodmorning kiss kay Papa.
"Lumabas sandali si Jessie. Uuwi na ba kayo?"
"Yes Pa. Aalis pa po kasi ako e"
"Tawagin mo na siya ng makapag-umpisa na tayo sa agahan" utos ni Papa. Lumabas ako ng bahay at hinanap si Carlos.
"I told you Dad! Ayoko ng ganyan, I don't want a fixed marriage!" naiinis niyang sigaw sa Daddy niyang tumatawag.
Fixed marriage?
"Tss. Uuwi din ako, paalisin muna sila diyan. Nag-aaksaya lang sila ng oras" sabi niya at pinatay na ang tawag. Nagulat pa siya nung makita niya ako.
"You're so rude to your Father hahaha"
"Tss. Ang kulit!" singhal niya sabay igting ng panga. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata niya. Nagdidilim ito ngayon dahil sa nararamdaman niyang inis, maybe.
Iniwan na niya ako doon at unang pumasok sa loob. Naiwan akong tulala.
Siya? Ipapakasal sa iba?
Wala paring imik ang kasama ko kaya hindi ko dim siya kinibo.
Nagtagal ng halos pitong oras ang byahe namin. Nag alok pa siya kanina siya daw muna ang magda-drive at pinayagan ko naman, inaantok kasi ako.
Hinatid ko siya sa park malapit Palace.
Hindi ko padin siya kinikibo.
"Ingat ka sa biyahe" sabi niya sabay hawak ng kamay ko. His touch made me shiver to my spine because of the tiny voltage of electricity na ngayon ko lang naramdaman.
Ngumiti nalang ako ng pilit. Sinara na niya ang pintuan ng kotse ko at tuluyan na akong umalis.
Hindi naman kalayuan ang condong tinutuluyan ko kaya nakarating din ako kaagad.
"Oh? Kumusta ang bakasyon?"
"It was fine, I guess?"
"Mukha di ka sigurado ah? Oh ano? Nakilala ba ni tito si Prince C?"
"Hindi. Sinabi kong bading siya at ang pangalan niya ay Jessie"
Sabay kaming humalagpak sa tawa. Natatawa noon ako sa reaksyon niya pero pinipigilan ko. Mukha kasi siyang constipated ng dahil sa narinig.
"Kumain kaba ba?"
"Oo, nagdrive-thru kami kanina."
Iniwan ko muna siya sa sala at pumasok sa kwarto ko. Nakita ko yung frames na nakalagay sa woodem kabinet na hanggang dibdib ko lang.
"Matthew"
It was our pictures. Pero dati ay kapag nakita ko lang iyon ay naiiyak na ako, pero parang ngayon naman ay wala akong maramdaman.
Did I finally moved on?
Nangiti ako sa naisip ko.
Kumuha ako ng box at doon ko nilagay lahat ng mga memories namin ni Matthew.
The Big Yellow teddy bear, our pictures, monthsary and aniversary letters.
Tinignan ko ang picture na nadampot ko.
I was really happy sa picture na to. May sinusulat kasi siya na 'umutot si Janelle ko' sa papel kaya ginulpi ko. Sakto namang napicturan kami ni Wendy diyan.
Ngumiti ako ng may konting pait.
Hindi talaga kami ang para sa isa't isa, we're not really bond to have a lifetime relationship.
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
Fiksi UmumMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...