Edah's P.O.V
January 1, 2100
New Year na naman. Diba dapat masaya ako?Mali po,hindi ako masaya. Bakit?Dahil galing ako sa Future. To make things clearer,galing ako 10 years after the present year. Kung inaakala niyo na dapat pa akong maging masaya dahil naibalik ako sa past,pwes mali na naman kayo. Isang bangungot sakin ang mabalik pa sa nakaraan.
January 1, 2101. Isang taon mula ngayon. Isang malaking pagbabago ang magaganap sa buong mundo. Ang pagsulpot ng "System". Ano ang system?Ito ang bagay na nagsisilbing gabay sa mga tao sa buong mundo. Maganda ba magkaruom ng gabay?Oo maganda,pero kung kasabay naman nun ay ang pagsulpot ng mga halimaw. Wag nalang.
Tama ang hinala niyo. Kasabay ng bagay na tinatawag na "System" ay ang pagsulpot ng mgs halimaw. Fantasy creatures for short. Orc,Goblins,Vampires,Beasts at masmalala,Dragon. Oh diba astig?May mga Zombies pang kasama. Hindi ordinaryong Zombies na napapanuod niyo sa T.V . Iba to,mas malala tong mga to. Nag eevolved kasi sila. The more they eat,the more they become strong. The more the merrier.
Oo,akala namin wala kaming laban. Pero di nagtagal ay nakadiskubre ng paraan ang humanity. Yun ay ang pagbanggit ng "Status". Yup status,yung gaya ng sa games. Nagkaroon ng status dahil sa system. Kaya oo nga,parang naging game world ang buong mundo. Naglelevel up ang mga tao. Pagnakakapatay ng monster ay maaring makakuha ng skill books or items. Pero di gaya ng sa games,rare lang kung makakuha ka.
Isang organization ang nagpamalas ng kanilang galing sa pakikipaglaban. Ang organisasyong "Underworld". Hindi alam ng karamihan,pati gobyerno sa buong mundo,ang organisayong ito nung hindi pa nag umpisa ang Apocalypse. Para silamg bula na sumulpot sa panahon ng apocalypse. Ayun sa estimasyon,ang pwersa ng "Underworld" ay maikukumpara sa pwersa ng pinagsanibsanib na mga bansa sa top 10 of the strongest country.
Walang kapantay ang kanilang lakas.Ang "Underworld" ay binubuo ng mga Espers na myembro. Sila yung mga taong pinanganak na maykapangyarihan. Hihigit 100 000 lang ang kanilang myembro pero ang lakas nila ay katumbas na ng lakas ng buong mundo o higit pa.
Kasabay ng pagsulpot ng Underworld ay ang paglabas naman ng ibat ibang organisasyon. Kagaya din ng Underworld. Mga espers ang mga miyembro dito. Ayun sa Underworld,matagal ng nakatatag ang mga organisasyong ito mula pa noong panahon ng kapayapaan. Tinatawag ang society nilang "Underneath Crust". Ayaw lang nilang ipaalam sa buong mundo ang kanilang presensya dahil baka masira ang balance ng mundo. Pero dahil sa apocalypse ay nagpasya silang kumilos.
Magagagaling makipaglaban ang mga organisasyo. Bawat isa sa kanila ay may pwersang maikukumpars sa isang bansa. Pero syempre,ang pinakamalakas sa kanila ay ang "Underworld". Maaring mas maliit ang bilang ng miyembro nila kumpara sa iba pero ang lakas naman ng bawat isa ay higit pa kesa sa normal na member mg ibang organisasyon. Maikukumpara ang lakas ng kada miyembro sa elite ng ibang organisasyon. Hindi matatawaran ang kanilang lakas.
Dahil sa ipinamalas ng Underworld ay naging tanyag sila through the whole world. Walang sino man ang hindi nakakaalam sa kanila. Sa tulong ng Underworld,nagkaroon ng settlement ang humanity. Tumayo ng walls sa bawat siyudad para hindi makapasok ang mga monster. Naging maayos ang lahat. Pero hindi na kagaya ng dating kapayapaan. Mayroon ng mga halimaw sa labas ng wall kaya hindi basta basta ang paglabas. Bumuo ng bagong management na hindi na gobyerno ang namumuno.
Hindi na kagaya ng dati ang mundo. Hindi na government rules ang masusunod. Batas na ito ng mga malalakas. Kumbaga "Strong eats the weak". Parang rules of the forest. Kung sino ang malakas,siya ang masususnod. Pero syempre,may limit naman ito. Hindi naman basta basta nanggugulo ang malalakas. May rules namin kahit papano.
At ako naman?Ano ba ang kalagayan ko sa hinaharap?Ako lang naman ang naging pinuno ng Underworld. Simple lang diba?
Hindi man sa pagmamayabang pero isa ako sa pinakamalakas na nilalang sa buong mundo. Lahat ng tao o mga pinuno ay dapat na rumespeto sakin. Walang pinagkaiba kung tao ka man o halimaw,magbigay galang ka kung ayaw mong mamatay.
BINABASA MO ANG
God of the Dead
Science FictionJanuary 1 2100. Planet Earth Advance technology,high tech equipments. Mapayapang namumuhay ang mga tao. Icecelebrate ang bagong taon. Maraming mga pamilya ang naghahanda,taong nagkakasiyahan,mga batang nagpapaputok ng mga paputok sa daan at syempre...