Prolouge

13 0 0
                                    

Haze's POV

Minsan sa buhay, kailangan talagang maranasan mo muna ang lahat ng sakit bago mo tuluyang maramdaman ang saya. Hindi lahat ng bagay makukuha mo agad-agad.

Kelangan mo 'tong paghirapan. Kelangan mong pagpursigihan.
Kelangan mong indahin lahat ng sakit at lagpasan lahat ng problema. Pero, kahit minsan, naisip mo ba na napaka-unfair ng buhay?

Ang turo sa akin ng mga magulang ko ay ang maging mapagbigay. Paano naman ako magiging mapagbigay kung ang mundong aking ginagalawan ay siyang mismong nagdadamot sakin? Napaka-selfish.

Napatingin ako sa bintana nang may biglang pumatak na tubig. Umuulan. Pumapalagay yata tong pagda-drama ko sa panahon. Pumatak bigla ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na kaya. Ansakit na, ansakit- sakit. "Wow! Matchy-matchy ata tayo ngayon, Mother Earth." sabi ko sa sarili ko habang nakaupo't nakatingin sa labas.

Gustong gusto ko talaga 'pag umuulan. It gives me this vibe, this feeling, that'll make you feel that you're loved. Pero, alam niyo ang pinakakina-iinisan ko tuwing umuulan? Ang kidlat at kulog. Nakakatakot. Nakakainis. Gaya din ng kidlat at kulog, mabilis na naglaho ang aming pagkakaibigan.

Pero sa totoo lang, masaya ako. Masaya ako na makasama sa ilang taon ng pagkakaibigan namin! Syempre hindi puro kasiyahan ang aming naranasan. Kung merong ups, meron ding downs. Hindi sa lahat ng pagkakataon laging masaya. But at those times, we still fought together. Through thick and thin.

But now, look at us. Anong nangyari? Hays. I took my headphones and connected it to my phone. Kung magda-drama ako ngayon, susulitin ko na't magpapatugtog ng mga kanta. Sa ngayon, musiko nalang ang nagpapasaya sakin.

Hindi ko alam sa iba. Sa tingin niyo ba masaya sila ngayon? Di ko maiwasan isipin kung anong ginagawa nila. Kung anong pinagkakaabalahan nila sa sarili nilang buhay ngayon at buwag na kami. Nakakamiss.

Yung dating kami. Yung dating Powenk.

•••

WARNING

Panatilihin sa isip na ang storyang ito ay isa lamang piksyon. Hindi ito makatotohanan. Lahat ng pagkakamukha sa kwento ay hindi sinasadya at ay nanggaling lang sa isip ng owtor.

Kung mayroon kayong mga katanungan, iiwan ko ang susunod na chapter para sa inyo, at icomment nalang doon.

Salamat! 

•••

A/N: Noseblood ako dun ha. Anyways, welcome sa first tagalog story ko. Kung di niyo nabasa, uulitin ko, IIWAN KO ANG SUSUNOD NA CHAPTER PARA SA MGA TANONG NIYO SA AKIN O SA KAHIT SINONG MGA KARAKTER KO.

Dedikasyon:
Sa lahat ng mga bumabasa at babasahin pa lamang ang kwento. Enjoy!

=

The Unexpected
© h4nsum on Wattpad
All rights reserved.

The Unexpected °° very slow updates!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon