VEINTIUNO

8.1K 172 6
                                    

Krisha's POV

Muli akong bumalik sa realidad nang marinig kong hinila ng isa sa mga tauhan ni kuya ang pinto ng kotse.

Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Sigurado akong wala ng buhay ang kung sino man ang nasa loob ng kotseng iyon dahil sa dami ng bala na ipinutok ng mga tauhan ni kuya.

Yumakap ako kay Enrico at pilit na isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Ayokong makita ang taong iyon. Awtomatiko namang ipinalibot ni Enrico ang braso niya sakin.

Lumipas pa ang mga ilang minuto at naramdaman ko ang mga presensya ng mga tauhan ni kuya ngunit hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap kay Enrico.

"Naisahan tayo ng kalaban natin"  litanya ng isa sa mga tauhan ni kuya na nakapukaw ng atensyon ko.

"Anong ibig mong sabihin? Sinong kalaban at anong nangyari doon?" Sunod-sunod na tanong ko. Napadako naman ang mga mata ko sa itim na bulaklak na hawak ng isa sa mga tauhan ni kuya Gavin

"Computer controlled po ang kotse kaya walang tao doon." Sagot nito

I sighed in relief, buti naman at hindi napahamak ang tao sa kotseng iyon.

Hindi po namin masasagot ang pangalawa ninyong tanong" sagot muli nito na siya namang kinainis ko

"I demand an answer!" Halos pasigaw kong sabi sa kanila

"Pasensya na po Ma'am Krisha"

Tumingin ako kay Enrico, nagbabasakali na may maisagot siya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

Alam kong isa sa mga kaaway ni Kuya ang may gawa nito. I just have to find out kung sino ang mga ito.

---

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit na pinamili namin nang makarinig ako ng kalabog sa itaas. Sa kwarto ni Kuya Gavin

"I will fucking kill you!" Bumangon ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang galit na pagsigaw ni Kuya. Hindi na ako nag-atubiling umakyat. I have to save Angel.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ni kuya at pilit na binubuksan iyon ngunit nakalock ito.

"Kuya Gavin! Please open the door!" Sunod-sunod na katok ko. Bawat segundong lumilipas ay lalong nagpapakaba sakin.

"Papatayin talaga kita kapag hindi mo ininom ito!" Galit na sigaw ni kuya at kasunod nun ay ang pagbasag ng mga gamit sa loob. Para akong aatakehin sa takot dahil sa posibleng mangyari kaya mas lalo ko pang kinalabog ang pinto ngunit kahit anong ingay ko ay walang tigil pa din ang pagbagsak at pagbasag ng mga kung ano-ano sa loob ng kwarto.



Patakbo akong bumaba at hinanap ang pwedeng paglagyan ng spare key sa kwartong iyon. Tagaktak na ang pawis ko ngunit wala pa din. I'm getting frustrated.

Nilapitan ko ang mga tauhan ni kuya.

Pagmamakaawa ko. Nanatili lang silang nakatayo at walang reaksyon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na pagsasampalin sila.

"Kapag may nangyaring masama kay Angel, mapapatay ko kayo!"

Natuon ang atensyon ko sa pintuan papuntang basement. Doon ang kwarto ni Enrico, maaaring matulungan niya ako.

Tinakbo ko iyon at agad na binuksan ang pinto.

"Enrico tulungan mo ako! Hindi ko mabuksan ang pintuan sa kwarto ni kuya! Delikado si Angel!" Humahangos na sabi ko. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pangamba.

Patakbong tinungo namin ang kwarto ni kuya. Pinagsisipa ni Enrico ang pinto at ako naman ay pilit na iniikot-ikot ang door knob. Kahit wala kaming nahanap na gamit ay pinilit namin.

Binundol ako ng kaba nang biglang namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ni kuya.

Napatigil kami at napaatras nang marinig namin ang pagpihit ng pinto. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa matinding kaba at sa mga scenaryo na naiisip ko. Oh God, please let her be safe! 

Iniluwa nun si kuya na madaming kalmot sa mukha, braso at dibdib. Topless ito kaya kitang-kita ko ang bahid ng dugo sa kanyang katawan. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang talim ng kanyang titig sa aming dalawa.

"You've got no business here! Umalis kayo sa harapan ko!" Bulyaw nito na ikinagulat at  nagpakaba samin

"K-kuya please, i want to see her" pagmamakaawa ko sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko at sinubukan kong hawakan ang kamay ni kuya ngunit iniwas niya lang ito.

"Kahit ngayon lang kuya. Pagbigyan mo ako, kahit ngayon lang" hindi ko na mapigilan ang humagulgol. I'm longing for my bestfriend and desperation has taken me over. Umiwas lang siya ng tingin.

"I'll give you two minutes" walang kaemo-emosyong tugon nito at bumaba na mabilis na pinasok ko ang kwarto ni kuya.

I gasped in horror. Hindi siya si Angel.

END OF CHAP 21

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon