Summer. Summer yun nung nag-umpisa ang lahat lahat. Nagkita kami sa beach na pinag-outingan ng family ko. At first, wala akong pakialam sa kanya. Pake ko ba kung nandito rin siya? Hindi naman kami magkakilala noong mga panahong iyon.
Ilang araw rin kaming nanatili sa beach. As usual camping kami dahil ayaw daw nilang magrent ng rooms. Nung kinagabihan na. Ako lang ang nag-iisang papunta na sa tent ko. Actually lahat na ng kasama ko natutulog na, ako na lang ang hindi. So ayun, papunta na ako sa tent nang may lumapit sakin na lalake. Kinabahan ako kasi baka masama ang balak nung lalake saakin. Kaya binilisan ko yung lakad ko.
"Excuse me, miss?"
'Yan ang sabi nung lalake. Talagang kinakabahan ako. Hindi naman kasi ako lapitin ng mga lalaki eh kaya hindi ako komportable sa kanya. Tinignan ko lang siya nun tapos dun na nagsimula ang lahat.
Nakipagkwentuhan siya sakin. Kahit mag-uumaga na tuloy pa rin ang usapan namin. Masaya ako nun eh. Para bang may na-accomplish akong goal. Siya lang kasi ang pinansin ko na lalake sa buong buhay ko except sa brother at papa ko. Kahit mga relatives kong lalaki hindi ko pinapansin. I never knew na magkakaroon akong kaibigan katulad niya-- na lalaki.
Sa kasamang palad, nung pauwi na kami sa Manila hindi ko na siya nakita. Pero binigay naman niya yung number niya so nagtext-text kami. Minsan nagtatawagan pa. Buti na lang at unlimited yung pangcall niya at umaabot kami ng ilang oras ng kakatawag. Kahit hindi na kami nagkikita sa simpleng text at tawag ay okay na sa akin.
Pero mabuti na lang eh, naisipan niyang magskype kami. Minsanan lang ito dahil sa mga ginagawa namin sa kanya kanyang buhay. Minsan, natatatakot ako sa sarili ko na hahanap-hanapin ko siya. Ayoko kasing mag-assume lalo na, walang kasiguraduhan.
Gayun pa man, masaya ako sa bawat tawag, text at skype namin. Para bang bumibilis ang pagtibok ng puso ko tuwing ginagawa namin yun. Yung para bang malapit ka na manalo sa nilalaro mong game? Yung para bang mafofollow ka na ng idol mo sa twitter? Sobrang kaba at ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kabayong nangangarera sa sobrang bilis.
Nung mga time na yon, sinabi ko kay Yesha-- bestfriend ko, ang nararamdaman ko. Natatakot nga ako baka husgahan niya ako. Pero naniniwala naman ako sa sinabi niya. Naranasan kasi niya ang nararamdaman ko ngayon. Ipinayo niya na kontrolin ko ang sarili ko kasi mahirap na daw ang posisyon ko. Napag-isip isip ko ang sinabi niya. Tama nga naman.
"H'wag kang mag-assume ng masyado bes. Naranasan ko yang nararamdaman mo. Naalala mo ba si Nash? Sa kanya ko yun naranasan. Masakit. Sobrang sakit dahil sa sobrang gentleman niya, nag-assume ako na may gusto siya saakin kaya nafall ako. Ayun nainlove ako sa kanya tapos hindi ko man lang nalaman na may girlfriend na siya. Kasi naman eh."
'Yan yung mga natandaan kong sinabi niya saakin. Nagpapasalamat na rin ako sa Diyos dahil may kaibigan akong katulad niya. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang pinakaclose ko.
Naisip ko, ito na siguro ang kinatatakutan kong mangyari. Para akong baliw kaka-isip kasi ito na nga, akala ko makakaya kong pigilan. Sa bawat halakhak niya sa telepono. Kahit kaunting rinig ko lang sa boses niya feeling ko sobrang saya ko kasi napapatawa ko siya.
Nung mga panahong natapos na kaming nag-usap non, umuwi ako sa bahay namin. Nabalitaan ko sa mommy ko na may bagong lipat sa tabi namin. Syempre as usual walang akong pakialam.
Bakit, may pakialam ba sila sa akin?
Sinabi sa akin ng mommy ko na maghatid daw ako ng pagkain para dun sa bagong lipat. Nasa mood naman ako kaya sinunod ko si mommy. Nasa tapat na ako ng bahay nila at nagdoorbell na ako. Tatawagan ko kasi siya. Syempre namimiss ko na eh.
Ilang doorbell pa ay nagulat ako sa nagbukas. Siya ang nagbukas. Si James.
Hindi ako makapaniwala nun eh. Dalawang buwan kaming hindi nakita at heto na. Nasa harap ko na siya. Hindi na ako nagtagal at binigay ko ang pinapabigay ni mama tsaka ako yumakap. Nagulat ako sa ginawa ko. This is the first time na yumakap ako sa lalake. Napaiyak ako ng kaunti ng yumakap din siya ng pabalik. Ang saya ko nanaman. Yung puso ko, nangangarera nanaman. Humiwalay ako nun at ngumiti nang nakita ko siyang ngumiti.