44. Lintek na P.E.

68 2 0
                                    

Lintek na P.E.

LJ's POV

"Okay students, you can go to your locker rooms to change." Dismissed by the teacher. Kanya-kanya na kaming pumunta sa men's locker room. But unfortunately, hindi ako makakatakas ngayon. Usually kasi kapag PE namin, umuuwi ako sa dorm para dun mag palit. Tinatakasan ko yung teacher namin noon, pero dahil iba yung teacher namin ngayon, counted nya lahat ng students na lalabas ng room.

"Louise, okay ka lang?" Narinig ko ang bulong ni Alex sa akin. Umiling ako dahil malapit na kami sa men's locker room. Napatigil si Alex sa paglalakad at hinintay sa tabi nya si Jared. May binubulong si Alex sa kanya and later on, we stopped walking nung hinawakan ako sa braso ni Jared.

"Excuse me, Mr Coronado, why did you stop walking?" Tanong sa kanya nung teacher.

"Mr Cruz in here forgot that he has to meet our Math subject teacher right now. Will you excuse us for 20 minutes? It's very important and we have to leave now."

The teacher looked at us for a moment before nodding. Jared grabbed my wrist as our teacher followed our classmates already.

We stopped by an empty room and Jared pulled me inside. Binuksan nya yung mga ilaw.

"Dito ka na magbihis. Hihintayin na lang kita sa labas."

"Thanks, Jared." Sabi ko. He nodded as a response at lumabas na nung room.

But during the time na hawak nya ang kamay ko, I can't help but to question myself. Why is my heart beating so fast whenever he's around me? Buti na lang at sya yung nauuna sa paglakad sa aming dalawa kanina, or else nakita na nya kung gaano kapula yung mukha ko. Hindi ba sya aware na babae ako??? Gahd! Eh bakit nga ba ako ganito?

Katrine's POV

"Katharine! Akin na nga yang cellphone ko! Wala kang makikitang matino diyan!"

"Eh bakit wagas ka mag-panic?"

"Punyemas, akin na nga yan! Ibalik mo na kasi sakin!"

Asht! Bwiset talaga tong pinsan kong ito! Nangingialam na naman ng cellphone na hindi sa kanya. Darn it, baka kung ano pa ang makita nya dun.

"Hambalusin ko kaya kayong dalawa diyan! Kanina pa kayo takbo ng takbo, nakakahilo na po! Jusme!" Sigaw sa amin ni Abby. Bigla na lang sumulpot si MM kung saan at hinatak ang kwelyo ng damit ni Katharine, at nadulas sya dahil dun.

"HAHAHA! MM I love you! Hahaha! Buti nga sayo! Akin na yung cellphone ko!" Tumakbo ako papunta sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa sahig. Hinatak ko yung cellphone ko sa kamay nya habang hinihimas nya ang pwet nyang namamaga XD

"Mouth open-open!" Sigaw ni Mary habang palabas ng shared room nila ni MM, "Hayy, bakit ba kasi walang pasok ngayon?"

"Okay na yun noh, kaysa namin matulog lang ako sa klase namin. Eh paulit-ulit lang yung lesson, boring din yung nagtuturo." Sabi ko. Umupo na ako sa sofa at nagpipipindot na sa cellphone ko.

"Asus, Mary. Sabihin mo lang, nami-miss mo na si Bacon." Pang-aasar ni MM. Binato sya ni Mary ng unan at smack sa mukha nya ito.

"Manahimik ka, Ma Mikaela, kung ayaw mong paulanan kita ng maraming unan at bala diyan." MM pouted and sunk on her seat, "Don't call me by my real name."

"Stop pouting, MM. Hindi bagay sayo." Inasar ko sa kanya. Hindi na nya ako pinansin kaya pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko.

Pero after a few minutes ng pagiging dakilang tambay namin sa condo, nag decide ako na lumabas muna para maglakad-lakad. Hawak ang cellphone sa kaliwa, pumasok ako sa shared room namin noon ni LJ, at lonely ako tuwing gabi dahil wala akong kasama matulog. Nag palit ako ng sweatshirt na red at lumayas na.

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon