The Night (one shot)

29 1 0
                                    

               Hi! My name is Kathleen. I am 18 years old and I am taking Mass Communication course at one of the known schools at Bulacan.

                Well, I see myself na nasa harap ng mga cameras in the future. Maybe I’ll do reporting or acting someday. But you see, I’m not a beautiful girl, hindi din naman panget; syempre hindi ko naman masyadong pababain ang sarili ko. Hahaha! Simple lang ako. I’m also wearing an eyeglass that’s why medyo nerdy ang look ko. Medyo mahaba din ang buhok ko and wavy then katamtaman lang ang tangkad ko.

                Actually, I am a student assistant also at our college so medyo kilala din ako ng mga kakolehiyo ko dahil kung may kailangan sila sa office usually ako ang humaharap. Pero kadalasan nasa library ako na-aasign. Ofcourse, dahil S.A. (student assistant) ako medyo kaclose ko din ang mga teachers and other students na nabibisita sa lib.

                So ayun, if ever na may student na may kailangan in one of our teachers, or may questions sila regarding books or the library, minsan sa akin lumalapit. Haha! Katulad nalang ni Allen. Yieee, kilig!

                Allen is the student board member of our college. Hindi ko siya classmate, mas ahead kasi siya sa akin ng one year and he’s now on his last year in the university. He’s a nice guy. Player din kasi siya ng basketball sa school tapos madalas pang mag-champion ang team nila. Medyo pilyo din siya, sila ng mga kabarkada niya. Minsan nga pupunta sila ng lib tapos kukuha ng libro, magbabasa ng konti pero maya-maya mag-iingay at tatambay lang dun. Hayy nakoo…

Pero magaling siya mamuno. Hindi ko lang ito sinabi dahil sa gusto ko siya, pero marami ding nagsasabi.

                Syempre, he’s kinda perfect for the girls. Sino ba naman ang hindi mafa-fall? Balita ko pa nga e, hindi pa siya nagkakagirlfriend. Nakoo. Konti na lang iisipin ko nang bading to. hahaha! Joke! Hindi yan bading! Naniniwala ako hahaha!

'               Naalala ko pa nung umamin ako sa kanya last year. Yes, umamin ako, isa sa pinakamalaking kabaliwang nagawa ko. I personally made a chocolate for him last valentine’s day! Then I gave it to him in front of their room pa and dahil sa kinakabahan ako nasabi ko ng malakas that I liked him! Ayun. Ang sinabi lang niya ‘thank you!’ -_- hayyy… At least he still accepted the chocolate that I made.

                So ayun nga, nagkakachance akong kausapin siya whenever he needs something. HAHA! Ayan oh! Nasa tapat na naman siya ng faculty! Kita ko siya, salamin kasi yung dingding ng faculty. Homay siomai.. ang gwapo niya talaga…..

                “Hoy Kathleen!” nabulabog ako sa paniniko ni Jade, bestfriend ko na nakikitambay sa faculty. Wala kasi ang mga Head ngayon kaya malakas ang loob niya.

                “Aray ko naman bessy! Ang tulis kaya ng siko mo, FYI”

                “Baka kasi matunaw yung salamin! Lumabas ka para siya ang matunaw,” biro niya.

                Naki-ride naman ako sa biro ni Jade, umakto ako na lalabas ng faculty. Kaya lang napahinto ako nang nakita kong lumapit si Melanie kay Allen. She is the “Darling of the College”, since the time na nanalo siya sa beauty contest here at our university. Hayy… Pero ano kaya ang kailangan niya kay Allen?

                “Jade! Jade! Lumabas ka nga dali!!! Pakingan mo kung ano ang pinag-uusapan nila please!!” pakiusap ko kay Jade. Hindi naman kasi ako pwedeng lumabas, alam kasi nga ni Allen na gusto ko siya diba?

                Tinulak ko si Jade sa may pinto. Ayaw niya kasi sana lumabas. Pero dahil mahal niya ako, hahaha,  e napilit ko din siya.

The Night (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon