chapter 4

15 1 0
                                    

[LIANNE'S POV]

at ayun ... confirm na confirm na ..

bangag ako ngayong araw na ito ..

buwisit kasing lalaking ito !!! sinabi ko ba na kwentuhan niya ako tungkol sa kaibigan daw niyang tipaklong !!!! mukha ba akong nagpapakwento ?? anak nga naman siya ng tipaklong oh !!!!!

kasi naman eh .. kapag sasabihin kong inaantok na ako bigla na lang magti-teary eye siya na kala mo inaway ko .. kung di nga lang siya ang aalagaan ko, masasapok ko siya !!!!

at ang pinakaworst sa lahat eh ang pag-aasikaso ko sa kanya dahil papasok na siya sa school niya .. (_ _ )

haayyy buhay ... biruin niyo alas tres na ako nakatulog dahil alas tres din natapos ang talambuhay niya at ng tipaklong niya na kulang na lang eh ipakain ko sa kanya ang kaibigan niya dahil sa inis ko kagabi .. tapos binulabog pa ang tulog ko para lang magising ako ng alas sinco, kase ung mabaiiittt naming head maid gusto niya nakaayos na ang mga gamit para sa pagpasok ng BEASTfriend ko .. dalawang oras .... DALAWANG ORAS LANG ANG TULOG KO !!!!! /(0o0)\

no choice ako kundi ayusin ang gamit ng BEASTfriend ko ..

( kaya 'BEAST' ang tawag ko kasi ... wala lang ... trip ko lang !!! hehehe ..)

*makalipas ang ilang oras ...*

"hayy .. salamat .. tapos na din .. "

tumingin ako sa kinatutulugan ni Xyrus ..

=___= hanep ... sarap ng tulog !!! nakahilata pa tapos naglalaway pa .. habang ako .....

teka .. hindi ko pa nga pala nakikita ang sarili ko sa salamin ah ...

pumunta muna ako saglit sa malaking salamin ni Xyrus ... 

pagtingin ko sa salamin ...

hanep ... ang taray ng eyebags ko ... lumelevel up !!!!

ayos ... natalbugan ko ang itsura ng mga bulldog ... =___=

hindi na nga ako kagandahan ganito pa naging itsura ko ...

nakakahiya naman kung haharap ako kay lolo Ben na ganito itsura ko ...

paano ko 'to maitatago ?? wala pa naman akong concealer .. =__=

ahhhh .. im gonna die ...  =__=

sa pageemote ko sa may malaking salamin ni Xyrus .. may narinig akong kumalabog ... lumingo ako sa likod ko at ang nakita ko ....

ung BEASTfriend ko nakahandusay na sa sahig .. =____=

tumingin ako sa orasan .. may 2hrs pa siya para matulog ... no choice na ako kundi i-akyat siya pabalik sa kama niya ...

pero bago ko siya i-akyat, sinubukan ko muna siyang gisingin para hindi na ko mahirapang i-akyat siya kaso, tulog mantika siya kung matulog .. =___=

T^T .. anobayan ....

papahirapan pa ako nito !!!!! T^T

ahhh ... ano ba !!!! kelangan ko na siyang i-akyat baka lamigin pa siya sa sahig ...

kinuha ko yung kanang kamay niya saka ko inakbay ito sa balikat ko ...

inahale ..... exhale ...

"ok ... eto na ...." pagkasabi ko nun sabay hila ko pataas para makatayo siya at binagsak ko siya sa kama niya ...

oh god !!!!! ang bigat niya !!!!!

tinanggal ko ung kamay niya sa balikat ko para makatayo ako ...

*creak*

O.O ...

nabali ata ang buto ko sa likod ...

"aaannngggg sakiiiiiitt!!!!" pabulong kong sigaw ...

jusko !!!! hindi pa nga kami nakakaisang buwan dito ng mama ko, mauuna pa yatang magkabali-bali ang buto ko !!! >___<

palabas na ko ng kwarto ng MONSTER ko ay .. este MASTER ko ng makita ko si lolo Ben ...

"oh !! magandang umaga sa'yo iha ... " masayang bati ni lolo Ben

nag-ayos ako bigla at tumayo ng tuwid kahit masakit ang kasu-kasuan ko ... >___<

"m-magandang umaga din po ... " sabi ko

"oh .. bakit ganyan ang itsura mo ??? nakatulog ka ba ng maayos ??" tanong ni lolo Ben

naku lolo Ben , kung alam niyo lang kung gaano ako kainis kagabi dahil sa apo niyong ewan ko ba kung retarded ba siya o KSP lng .. ang sarap niyang hambalusin dahil hindi niya ako pinatulog ...

" ah ... eh .. binangungot lang po ako kagabi kaya hindi po ako nakatulog agad po ... hehehe .. "

pero syempre hindi naman ako ganun kasamang tao para sabihin yun noh ...

" ahh .. ganun ba ... naku iha mag-iingat ka kasi yang mga bangungot may posibilities na baka hindi ka na magising ...... pero syempre ..... joke lang yun .. hahahahaha !!!"

naku lolo .. masamang biro yan .. =___=

" oo nga pala , may gusto nga pala akong irequest sa'yo .. "

" sige po ... ano po ba iyon ??"

" gusto ko sana na .... mag-aral ka .."

" po ??? talaga po ??"

" oo naman .. pero gusto ko sa school na ni Xyrus ikaw mag-aaral para meron siyang palaging kasama ... "

=____= siya na naman ang kasama ko ...

nagsasawa na ako sa mukha niya ......  hehehe joke lang !!!

pero sabagay, sayang din kung hindi ko tatapusin ang pag-aaral ko .. kasama lang pala ang kailangan eh kaya GO na !!!!

" sige po ... "

" talaga iha ??? talagang-talaga ???"

sabi ni lolo Ben sabay hawak sa dalawa kong kamay ...

" opo ... opong-opo ... ( ^___^")"

" hayyy salamat ... mapapanatag na rin ako ..." sabi ni lolo Ben sabay ngiti

"sige na iha ... maligo ka na at magpalit ka na ng damit .. "

" sige po ..."

naku ... ano kaya ang mangyayari s school life ko kapag kasama ko na yung BEASTfriend ko ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon