[ A.N: Play niyo po yung kantang God Gave Me You while reading this. Para po mas feel niyo. Thanks! One shot lang po ito at na-inspired lang ako gawan ng kwento kasi sobrang ganda nung song. So sana po magustuhan niyo. Wag niyo po sanang kalimutang bumoto at magcomment. Salamat po! :* ]
Dear Bestbud, October 12, 2008
Alam mo bang ang saya ko ngayon?! Pinansin na kasi ako ng crush ko! Akalain mo bang pinagtanungan niya ako ng hinahanap niya? Sobrang saya ko! Sobrang ganda niya talaga. Lalo na ng mga mata niya. First time ko lang kasi siyang matignan sa malapitan. Kaya ganito nalang ang saya ko. :)
PS: Hindi na ata crush 'to best bud!
Mahal ko na ata siya.
- Steven
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
October 29, 2009
Nakasabay at nakasalo ko siya sa table ng canteen kanina! Kahit na alam kong no choice siya dahil puno na at wala ng mauupuan kundi ang upuan sa tabi ko. Masaya pa rin ako dahil nakatabi ko siya! :) At wag ka best bud! Kinausap niya ko! Ewan ko ba, pero mukhang sineswerte ata ako. Sana magpatuloy pa 'to.
PS: Sobrang ganda ng mga ngiti niya. <3
- Steven
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
November 4, 2009
Alam mo bang tinutukso ako sakanya ngayong araw ng mga kaibigan niya? :) Parati na kasi kaming nag-uusap e. At ayun, siguro, nakikita nila kami. Sabi nga nila, bagay daw kami. Ang saya ng feeling best bud! At ito pa! Sabi ng close friend niya sakin, gusto raw ako ng friend niya.
Sana totoo ang lahat 'no?
PS: Magtatapat na ko sakanya bukas! Wish me luck! :)
- Steven
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
November 5, 2009