Si Monique yung nasa picture sa gilid <3
Ayesha's POV
"Teka Luis, pagod na ako" Andito na kami ULIT sa rooftop. "Anu ba yung sinabi mo sa kanila? GIRLFRIEND??? O.o" -Ayehsa
"Wala yun. Para tigilan ka na nila. Pero wag ka mag alala, walang malisya yun. Kailangan lang naman natin mag panggap na magkarelasyon tayo dito sa school." -Luis
"ANOOOO?! Magpapanggap tayo?" -Ayesha
"OO, ikaw din.. Magkaibigan naman tayo diba? As long as alam natin na wala naman tayong nararamdaman para sa isa't isa edi walang problema. Ge una na ako sa room. Sunod ka na din kung ayaw mong malate" -Luis
At ayun na iwan akong naka nganga dun sa rooftop.
-
Dylan's POV
Bat ko nga ba ginawa yun? Nakita ko kasi sila Monique at yung walang hiyang Jc na yun na naglalampungan sa isang table sa canteen. Tapos narinig ko si Alexandra na inaaway si Ayesha.
"Oh look girls. Andito si L O S E R, naghahanap ng chocolate na worth 6 pesos. HAHAHAHAHA Spell Cheap HAHAHAHAHAHA" -Alexandra
Grabe naman. Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Ayesha, nakayuko na lang siya at halatang sobrang napahiya sa ginawa ni Alexandra. Hindi ko naman talaga sasabihin na girlfriend ko siya para lang ipagtanggol siya, pero napilitan akong gawin yun dahil nakita ko sila Monique na nakatingin samin. Siguro dahil na rin sa lakas ng boses ni Alexandra. Nabalot ng galit ang mga mata ko, Hindi dahil kay Alexandra pero dahil kila Monique.
"Back off Alexandra. Tigilan mo siya" -Luis
"Baket Dylan sino ba yang babae na yan? ALALAY MO BA? MAID NA PINAG ARAL MO? HAHAHAHAHA" -Alexandra
"Hindi. Girlfriend ko lang naman yang pinagtritripan niyo." Bigla akong napatingin kila Monique habang sinasabi ko yung mga liyang yun. Pero bakit ganun, wala man lang akong nakitang selos sa mga mata ni Monique.
"Subukan niyong guluhin pa si Ayesha, baka makalimutan kong babae kayo. Tara na Ayesha." Pag katapos kong masabi yun ay hinila ko na palayo si Ayesha. Nasasaktan nanaman ako.
Pero may pumasok sa isip ko nung panahon na yun. Gusto ko pag selosin si Monique. Gusto ko na marealize nya na kawalan ako sa kanya. Wala na akong pakialam kung gamitin ko man si Ayesha para lang maramdaman ni Monique yun. Makasarili man, pero sana maintindihan ni Ayesha sa huli kung bakit kailangan ko tong gawin.
Kaibigan ko naman siya diba? At may advantage din naman siya sa gagawin kong to.
-
Ayesha's POV
Eto papasok na ako sa room namin.
Nakita ko si Luis na nakatingin lang sa labas. Parang lutang.
Nakaupo na ako sa upuan ko. Hindi ko magawang kausapin si Luis dahil hindi pa ako nakakamove on dun sa nangyari kanina. Parang wala lang sa kanya yung nangyari eh.
Sila Alexandra naman halatang nakatingin sakin ng masama. Haaaaaay..
Lumipas yung oras na hindi ko napapansin. Parang punong puno na ung utak ko para hindi na absorb ung mga sinasabi nung prof.
"Class that's all for today"
HALA TAPOS NA PALA
*Tingin sa relos* 4:45pm na pala *O* wala na kaming klase after this.
"Tara na Ayesha" Biglang hinwakan ni Luis yung kamay ko palabas ng room. HALA :O
Tahimik lang kaming naglalakad ni Luis ng may biglang may nakasalubong kami, mas humigpit yung hawak ni Luis sa kamay ko.
"Hi Dylan! :) Mukang naka move on ka na ah. Mind introducing her to us?"
"Ayesha, Monique, Monique, Ayesha girlfriend ko."
"Oh hi Ayesha :) I'am Monique" Inabot niya yung kamay niya, nakipag hand shake naman ako. Ang gand a niya grabe parang diyosa. Am puti niya halatang laking mayaman. pero eto talaga ang kinagulat ko. "I'am Monique, Dylan's ex-girlfriend :)" WHAAAAT? siyang yung babae
"Ayesha tara na" biglang hinablot ni Luis yung kamay ako. Kitang kita sa muka ni Luis yung galit at pagkamuhi.
Andito na kami sa parking lot ng school.
"Hatid na kita sa inyo. At susunduin din kita bukas. Trabaho yung ng isang boyfriend diba?" -Luis
"Pero d naman talaga tayo diba?" -Ayesha
"Paano mo sila mapapaniwala na magboyfriend at mag girlfriend tayo kung d natin gagawin yung ginagawa ng mag boyfriend?" -Luis
"Ayy oo nga nuh? :( okay. Asan ba yung kotse mo? Alam mo pangarap ko makasakay sa isang BMW o kaya etong sasakyang na to. Anu ba basa nito Pors-che?" -Ayehsa
"Shunga Porsche parang P-O-R-S-H yung pronunciation." -Luis
"Ahh.. tara na nga asan na ba yung kotse mo?" -Ayesha
"eto" -Luis
"Ha? nasan?" -Ayesha
"Yung Pors-che mo. HAHAHAHA" -Luis
"WHAAAAAAAT?! wooooow......"-Ayesha
"pasok na, baka matuluan mo pa ng laway yung kotse ko"-Luis
Grabe napahiya ako dun. Pero grabe ang yaman naman nila. Pero mabuti naman kahit pinagtawanan niya ako, nakita ko na sumaya na siya kahit kaunti.
"Alam mo Luis, ngumiti ka na lang, mas gumagwapo ka eh" pagkasabi ko nun naging poker face nanaman siya. unti unting nawawala yung ngiti na kanina lang ay nasa labi niya.
"Luis alam ko nahihirapan ka, pero tandaam mo andito lang ako. BESTFRIEND mo na ako eh ;)" -Ayesha
Ngumiti siya pero halatang mapait na ngiti.
Nabalot ang sasakyan ng katahimikan hanggang sa makapunta na kami sa bahay namin.
"Luis nakakahiya sayo, maliit lang bahay namin." -Ayesha
"Pakilala ako sa mama mo."-Luis
"nako Luis wag na."-Ayesha
"Mama mo yun sa labas diba?-Luis
"oo, nako luis wag...." huli na ang lahat. nakalabas na ng sasakyan si luis T.T
"Hello po tita. Ako po si Luis, kaibigan po ni Ayesha. Sunduin ko po siya bukas pwede po ba?"-Luis
"Ah pwede naman ijo, Pasok ka muna sa bahay namin?"-Mama ni Ayesha
"Nako wag na po mauna na po ako."-Luis
"Ijo ingatan mo yung anak ko ha?"-Mama ni Ayesha
"Opo tita. Sige po alis na po ako."-Luis
WHAAAAAAAT? anung nangyari? natulala lang ako sa kanilang dalawa eh. *O*
"Anak boyfriend mo ba yun?"-Mama ni Ayesha
"Nako ma hindi po, kaibigan lang po talaga."-Ayesha
"Mabuti naman, ayos lang sakin na magkaroon ka ng kaibigan. Pero wag muna magbboyfriend ha? bata ka pa at alam mo naman siguro yung kondisyon mo?"-Mama ni Ayesha
"Opo ma." Hindi ko alam pero nabalot ng kalungkutan yung muka ko. Siguro dahil nadin sa nabanggit ni mama yung kalagayan ko. "Sige ma, pahinga na muna ako"
"Sige anak."
BINABASA MO ANG
Carpe Diem
Ficção AdolescenteCarpe Diem - Seize The Day Dumating na ba sa point na gusto mo ng tapusin ang lahat? Meet Dylan, isang lalaking gwapo, matalino, mayaman at kabilang sa isang kilalang pamilya. Nang dahil sa pag ibig ay bigla na lang gumuho ang mundo niya at nag ta...