Promise

259 15 4
                                    

DEDICATED TO: @Fangirlue and @GummyGirl26

"Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaneeee!!!! ANAK! GUMISING KANA ! JUSKO ANAK! DALIIIII!!!!!!"  Ang ingay ni Mama.

"'Di ba nila alam.. Tayo'y nagsumpaan... Na ako'y sa'yo, at ika'y akin lamang" Sumunod pa tong alarm ko.

"Aaaarfff arfff arrfff arfff arff" pati si Hermes na pesteng aso ni Kuya ang ingay. Bwisit naman!

Ang ingay! Ba't ba ang ingay!!! Ang aga aga e oh? Nakakainis naman.

"Jaaaaaaaane! Ano ba? Gumising kana!!"

"OPO MA! ETO NA!" Ano bang problema ni Mama? Sabado naman ngayon, wala kong pasok sa Day Care. Ba't ako ginigising ng maaga? Nakakainis. Di naman dahil mamamalangke siya, masyado ng late para dun. BAT BA KASI?!?!?"

Bumaba na ko ng hagdan para di na magingay si Mama, nakakabadtrip kaya.

"Ano po ba yun Ma? Ba't kailangan maaga gumising?"

"Eh kasi may tumawag dito sa telepono. Hulaan mo kung sino."

"Ayoko manghula Ma, sino nga?"

"Hulaan mo nga e, ako ang Nanay dito"

"Si Ellaine?"

"Hindee!"

"Si Carl?"

"Bopols ka ba? Di hindi kita ginising kung yung epal mong stalker lang naman ang natawag."

"Eh sino nga?"

"Mama ni Kyle."

"Sus yun lang pala naman e, ANO HOOOO? MAMA ... NI ... KYLLEEEE? NAGBIBIRO KA BA MA?"

"Oo joke lang ang lahat ng to, binibwisit lang kita. HINDEEE! ANO BA TUMAWAG NGA"

"EHH ANO DAW? BAKIT?"

"Nandito na daw sila Pilipinas, noong nakaraang linggo pa. Pero si Kyle, wala pa eh"

"Sus naman, wala naman pala." Hayy . Wala naman pala si Kyle anong masaya dun.

"Kasi mamaya palang siya dadating mga 10am daw ang lapag ng Flight niya. Sabi ng Mama niya, kung gusto mo ba daw sumama magsundo." IS IT REAL? IS IT REAL?

"HA? Di nalang Ma."

"OH TANGA KA? BAKIT AYAW MO?"

"Eh sampung taon na ang lumipas nung umalis yun, walong taon nung huling tumawag yun. Di na siguro ko kilala nun."

"Ay tanga nga. Ayaw mo talaga?"

"Wag na Ma, kung gusto niya ko makita, pupunta yun dito." Sabay akmang aakyat na ng kwarto ulit

"WOW! HARD TO GET PALA. BAHALA KA DYAN. TAWAGAN KO  NA TITA MARIZ MO AHHH!!!!"

"SIGE LANG POOOOO!!"

Hay. Tama kaya yung ginawa ko? Gusto ko naman siyang sunduin syempre, pero kasi nakakahiya din. Pero ako ung babaeng mamahalin daw niya forever eh, siguro pupunta naman yun dito. Papamiss lang ako ng todo. Ako nga pala si Jane, Janiece Navarro yung pangalan ko talaga. 18 na ko. Batang-bata pa. 18 years nadin akong single dahil sa isang pangako .10 years na akong umaasa sa isang pangako.  10 years na kong naghihintay, kanino? Kay Kyle.

Si Kyle Villafuerte, kababata ko siya. Pinangakuan ko na hihintayin ko siyang bumalik. At nangako sakin na babalikan niya ko, pagbalik niya pwede na daw niya kong maging girlfriend at ako lang daw ang mamahalin niya. 8 years old palang kami nun, pero di ko binreak yung promise na yun.

FLASHBACK

"Jane, sabi ni Mama aalis na daw kami."

"Ha? San naman kayo pupunta? Sama ko."

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon