Chapter 3

1K 79 19
                                    

Aura's POV

Weekend ngayon kaya nasa bahay lang ako. Wala sila mommy dahil may meeting sila sa company namin sa ibang bansa. Kasama ko lang ngayon si kuya luhan at mga maids.

Lumilipad ang isip ko ngayon ng nakita ko si kuyang bumaba galing sa kwarto niya.

"Oh, kuya? Maglalaro ka?" Naka jersey kasi siya at may dalang bola.

"Oo baby. Gusto mong manood? Para di ka naman mabored dito sa bahay" Baby ang tawag sakin ni kuya kahit dalawang taon lang ang tanda niya sakin.

"Sige kuya. Hintayin mo ko. Magpapalit lang ako ng damit"

Pagka akyat ko sa kwarto ay pumili na ko ng damit. Kumuha ako ng jersey kong pang volleyball at maong shorts. Nag suklay lang ako ng buhok at di na nag lagay ng kung ano ano sa mukha.

Bumaba na ko at naabutan ko si kuyang kasama ang mga ka grupo niya ata sa labas ng bahay. Ngayon ko lang sila nakita kasi busy din ako sa school at di ko rin sila naaabutan na kasama ni kuya.

Malayo pa lang ay natanaw ko na may kasama si kuyang apat na lalake. Parang kasing edad lang din namin sila.

"Oh, eto na pala si aura. Tara na" Sabi ni kuya luhan. Napatingin ako sa mga kaibigan niya pero nagulat ako ng nakita ko si kai na kasama dun.

Ano namang ginagawa niya dito? Kaibigan pala siya ni kuya...

"Aura. Bakit parang nagulat ka? Di ka pa sanay makakita ng gwapo eh lagi mo nga akong nakikita" Nabalik ako sa ulirat nung narinig ko ang mahanging pahayag ni kuya luhan

Pinakilala muna ko ni kuya sa mga kaibigan niya...

"Oh mga kumag. Kapatid ko pala si aura. Aura sila kris, chanyeol, lay at kai"

"Hello aura" masiglang bati nila sakin maliban kay kai.

"Meron na pala tayong muse" sabi ni kai sabay kindat sakin.

Ako ba tinutukoy niya? Babaero talaga to. Akala naman niya madadala niya ko sa pakindat kindat niya.

"Ay oo nga! Si aura na lang muse natin" natutuwang sambit nung may malaking tenga. Chanyeol ata pangalan niya.

Halos 20 minutes kami naglakad at narating na din namin yun. Marami rami din ang manonood ah. Mukhang sikat din pala sila kuya kasi may mga banners pa akong nakikita para icheer sila.

Pinaupo nila ako sa bench ng mga players at umupo muna sa tabi ko habang di pa nagsisimula.

"Dapat i-cheer mo kami aura ha? para galingan namin" sabi ni kris sakin

"Oo baby, cheer mo kami ah. Malulungkot kami pag di mo kami na cheer" sabi naman ni kuya sakin

"Oo naman no, basta ipanalo niyo yan ah!" sabi ko sabay ngumiti sakanila.

Magsisimula na kaya naglakad na sila papunta sa court pero nagpaiwan si kai.

"Mauna na kayo. May kukunin lang ako" sabi niya kala kuya.

Di ko na lang siya pinansin. Nagulat ako ng tumabi siya sakin...

lumapit yung labi niya sa...

tenga ko

at bumulong

"Cheer for me aura" sabi niya at kumindat sakin. Tumayo na siya at lumakad papunta kala kuya.

Cheer for me

Cheer for me

Cheer for me

Nagrereplay sa utak ko yung pag kindat niya ng biglang nag ring na yung bell. Dun ako natauhan at nagsimula na manood.

Una pa lang ay nagkakainitan na sila sa laro. Tuwing makaka score sila kuya, dumadagundong yung lugar sa lakas ng tili ng mga umiidolo sa kanila

Pinanood ko lang sila pero parang hindi sila ganado? o para sakin lang?

may nagccheer naman sa kanila eh

"Go lay!"

"Baby kris! kaya mo yan!"

"chanyeol! chanyeol! chanyeol!"

"luhan! galingan moooo"

"Go baby kai!"

Baby kai? WTH. Nakakasuka pakinggan. Ang dami talagang baby nung babaerong yun.

Masama pa din ang timpla ng mukha ko dahil sa narinig ko nang naka shoot nanaman yung kalaban nila

80-93 yung score. Yung 80 sila kuya. Gosh. ano bang nangyayari sa kanila?!

Naalala ko yung sinabi nila...

Dapat i-cheer mo kami aura ha? para galingan namin" sabi ni kris sakin

"Oo baby, cheer mo kami ah. Malulungkot kami pag di mo kami na cheer" sabi naman ni kuya sakin

"Oo naman no, basta ipanalo niyo yan ah!"

shoot! oo nga pala. Dapat chinicheer ko sila kuya.

Hinga aura. kailangan mo silang icheer pero nakakahiya talaga

shit. 15 minutes na lang. 83-95 yung score.

Huminga ko ng malalim at tumayo sabay sigaw ng...

"Goooooo blue!" naka blue kasi sila kuya kaya blue team sila.

"Kaya niyo yan! habooool ^O^. Go kuya luhan! Go kris! Go lay! Go chanyeol! Go K-kai!" nautal pa ako sa pangalan ni kai.

napalingon sila sakin. Hindi lang sila kuya pati na din ang mga fans nila. Jusko. Sana lamunin na ako ng lupa. Hiyang hiya na ako dito.

Nag- death glare pa sakin yung mga nag ccheer kala kai kanina. Akala namam nila ginusto ko to ha?

Ayun nga. Nakita kong ngumiti sila kai.

Laking gulat ko ng nahabol nila ang score. Ang galing nila!

Di ko namalayan na tapos na pala ang game. Lumapit na sila sakin.

ano ang score?

125- 100 lang naman nakaka mangha nga talaga eh.

"Ang galing niyong lahat!" bati ko sa kanila nung nakalapit na sila sakin.

"Ikaw kaya, ang galing mo mag cheer" sabi naman ni chanyeol

Namula naman ako sa sinabi niya. Nahihiya pa din kasi ako eh.

"Dahil diyan it-treat ka namin aura" nakangiting sabi ni kris sakin

"Nakakahiya naman sa inyo" sabi ko pero hinila na nila ko papuntang mall.

"KFC tayo mga dude" sabi ni lay.

Kanina ko pa napapansin na tahimik si kai. Tsaka iniirapan niya din ako pag nagkakatinginan kami. Di ba niya alam na nagmumukha siyang babae sa pag irap niya?

"Kai, ayos ka lang? Yung mata mo kanina pa naikot" sabi ko sa kanya

"Tch. Umalis ka nga sa tabi ko" sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

Tumabi na lang ako kay kuya dahil natakot ako sa tingin ni kai.

Pagkatapos naming kumain ay naggala kami si mall at umuwi na din.

Ang saya nga nila kasama eh. kahit konting oras lang kami nagkasama naging ka-close ko agad sila. Mabait silang lahat maliban kay kai na nakasimangot lang buong araw.

Narinig ko pa nga na bumulong si kuya kay lay at sinabing

"Problema niyan? Nagseselos? Dinaig pa babae ah hahaha"

Di ko na gets yung sinabi ni kuya pero di na ako nag focus dun

Pagkapasok namin sa bahay ni kuya ay dumiretso na ko sa kwarto ko at humiga sa kama.

Di pa rin maalis sa isip ko yung pagsusungit sakin ni kai kanina

ano bang problema niya?

Unti unti na kong dinalaw ng antok at nakatulog na habang naka yakap sa stuffed toy na bigay sakin ni ate... ate mira

--------------------------

hello guys :)

comment and vote naman po para ganahan si author mag sulat

thanks

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon