[3]

333 18 12
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 3

“Mas malayo kaya ‘yung sa ‘kin!” kontra ko sa sinasabi ni Peter. Naglalaro kasi kami ng palayuan, isa rin sa madalas naming gawin noong bata. Ang rules lang ng game ay alternate kaming kukuha ng bato at ihahagis, kung sino ang mas malayo, siya ang panalo.

“'Yung sa ‘kin! Tingnan mo doon lang sa ‘yo… tapos nandoon ‘yung akin! Tsk!” ganti niya naman na nagtuturo pa na akala mo sakto ‘yung sukat niya sa binagsakan ng bato niya sa tubig. E, sa tingin ko naman mas malayo ‘yung sa ‘kin kasi ginamit ko ‘yung lakas ng braso ko sa pagbato.

Ito ang napagdesisyunan naming laruin dahil sinabi niya, una naming pasyalan ang nakaraan. Dito niya ‘ko dinala sa dalampasigan, sakay ng bike niya. Sa bahagi kami na walang masyadong tao para makapag-usap ng kami lang. Marami ngang taong bumati kanina sa kanya na nagpapatunay lang na masaya siya sa lugar na ‘to, na ito na ang panibago niyang tahanan at marami na siyang nakilala rito.

Nagkatinginan kaming dalawa at pareho naming na-realize na para kaming mga batang nag-aaway. Sabay kaming tumawa habang umuupo sa maputi at pinong buhangin dito sa beach. Magkatabi kami habang nakaakbay ang kamay niya sa mga balikat ko at pinanunuod ang maliliit na hampas ng alon sa dagat.

“Ang ganda mo na,” biglang sabi niya sa katahimikan.

Ngumiti ako sa sinabi niya, sinusulit ang sandaling nasa ganito kaming posisyon. Nakaakbay siya sa ‘kin na sampung taon na simula nang huli niyang gawin. “Gw-um-apo ka naman,” ganti ko naman sa kanya.

“So, how’s life in Cavite? Ang tagal din nating hindi nagkita, ‘di ba?” Inayos ng kaliwang kamay niyang nakaakbay ang buhok kong gulo.

“Maraming mga kaybigan, maraming nakilalang bagong tao, maraming nangyari at nabago. Overall, maayos naman ang lahat.” Sa pagkakataong ito, tumingin ako sa kanya. “—Ikaw? Kamusta ang buhay rito?”

“Sobrang ayos, payapa at simpleng mamuhay rito. Sa lugar na ‘to mismo ako pumupunta tuwing hapon para palipasin ang oras sa tuwing wala akong ginagawa.”

Pagkatapos ng sinabi niyang ‘yon, namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging maririnig lang ay mahinang paghampas ng alon at malakas na hangin.

“W-Wala ka bang na-miss sa… Cavite?” tanong ko na kinakabahan.

Hinagod niya ang buhok niyang makapal na kulay dark brown na ginugulo ng malakas na hangin. “'Yung bahay namin, ‘yung madalas nating gawin noong bata… at ikaw.”

… at ikaw.

“Bakit pala tayo tumigil sa pagsusulat sa isa’t isa?” Sa pagkakataong iyon, siya naman ang nagtanong. Bakas sa boses niya ang kalungkutan.

Napalunok ako at humugot ng malalim na paghinga. “Maraming nagbago Peter at sabi ko nga, maraming bagay ang dumating na maaaring naging dahilan para unti-unti nating malimutan… ‘yung tayo.” Matapos kong sabihin ‘yon, napansin kong wala siyang naging sagot sa halip ay huminga rin siya ng malalim. Para ibsan ang biglaan niyang pagkalungkot, pinisil ko ang ilong niya na madalas ko ring ginagawa noong bata kami dahil iyon ang kinaiinisan niya. “Pero ang importante, magkasama na ulit tayo,” sabi ko bago bitiwan ang ilong niya.

“Hindi mo parin talaga nalilimutan ang mga bagay na ayaw ko ‘no?” nakangising sabi niya. Bigla niya akong inihiga sa buhangin kasunod ng pagkiliti niya. Iyon ang iginaganti niya sa ‘kin noong mga bata palang kami sa tuwing iniinis ko siya.

“Tama na! Haha!” sigaw ko na may malakas na pagtawa. Hindi pa tumigil si Peter hanggang sa dumating ang isang babae.

Nag-angat siya ng tingin habang ako naman ay tumayo sa pagkakahiga. Nang makatayo na kami, pinagpagan ko ang damit ko. Napatingin ako sa babae, nakataas ang isang kilay niya sa ‘kin habang may ngisi sa kanyang labi.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon