-> Hi.. Ako si Alex Ferrer. 18 years old at College student. Kung idedescribe ang aking traits isa akong Astig, Matalino, at Maganda? (ECHOSERA HA!) Excuse me poh! Babae po ako. Pangalang lalaki lang! :D Mabait naman po ako, Medyo tomboyish inaamin ko. At May bisyo?! Oo may bisyo nga pero hindi ako naninigarilyo o anu man.
Kundi ay Console gamer at Dota player! ( Whoa! Astig ha!) Pero hindi ko pinapabayaan ang studies ko. Unfortunately... Valedictorian ako nung highschool.
Kaya walang problema sa akin si Mommy ko.
Isang araw ay papunta na ako sa school. Bumati ang kaibigan kong si Jobelle nung ako'y papasok sa gate.
" Magandang Araw."
" Magandang araw din.."
" Uy., akala ko ba ipapakilala mo na ako kay Kurt?" sabi ni Jobelle
Nakalimutan ko palang banggitin ang name niya sa friend kong si Kurt. Meron kasi akong mga kaibigang heartrobs pero never akong na-attract sa kanila. At never din silang na-attract sa akin. Ang turing pa nila sa akin ay pare. Ang pangalan nila ay Kurt, Ian, Lawrence, at Sam. Lagi ko silang kasama tuwing maglalaro na kami ng mga video games sa mall. Minsan sumasali kami sa mga competition. Nananalo naman kami. Uy..! wag kayong mag-alala dahil ang mga pare ko ay good boys at studius. Si Kurt ay Top 1 sa class nila. Si Ian ay best in Math. Si Lawrence ay Best in Science. At si Sam naman ay Top 2 sa kanila class. Naku naman andaming Best mukang hindi ko sila matatalo.
" Uy?! Anung iniisip mo Alex?" sabi ni Jobelle
Oo nga pala kausap ko itong in-love na babae. :P
" Ah... Mamaya sasabihin ko. O kaya sa saturday kase isasama nila ako eh."
" Ang swerte mo Alex.. Kasama mo sila sa saturday!" sabi ni Jobelle
" Hindi naman ganun kagaya ng iniisip mo. May pinapakilaban sila kase sa akin natalo kase sila sa Tekken."
" Ay anu ba yan.!? Kababaeng tao naglalaro ng Video Game. Ikaw lagi ung nag-iisang babae na naglalaro."
Ito kasi si Jobelle tuwing sinasamahan niya ako ay laging reklamo ng reklamo kase naiirita kasi siya sa daming naglalaro.
" Tumigil ka na nga diyan... Tara na pumasok na tayo."
Nagsawa na ako sa mga sinasabi nya kaya niyaya ko na lang siyang pumasok na sa school.
Pagkatapos ng klase ay nadatnan ko ang aking mga kaibigan.
" Pareng Alex!"
" Oh bakit? Hindi nyo parin ba natatalo?"
" Hindi parin eh.. Kaya nga susunduin ka na namin."
Sumama na ako sa kanila papuntang mall para talunin ang kalaban namin. Hanggang sa nakarating na kami ay nakita kong naghihintay na.
" Boss Alex.. Eto na siya." sabi ni Sam
Ang kalaban ko ay lalake. Matangkad, Maputi, hindi ko na ito tatanggihan pero gwapo sya. Ung suot niya checquered na polo at naka black pants at shoes.
Nagsimula siyang mag mayabang.
" Eto? Babae? Akala ko pa naman lalake kasi Alex eh." sabi ni Jake
" Hoy.. Wag mo kong minamaliit! Simulan na natin para matapos na at makita mo ang hinahanap mo."
" Sige.. By the way. Ang pangalan ko ay Jake. Nice to meet you Miss Maganda."
Biglang bumilis ang aking pagtibok. Nakaka-inis! Bumubuladas pa.!
" Wag ka nang mag presenting sa akin. Hindi uubra yan. Simulan na natin para matapos na ito..!"
Sinimulan na naming maglaro. Habang ang mga kasama ko ay nag chicheer para saakin.
" Boss Alex! Boss Alex!"
hanggang sa pinapanood na kami ng mga tao dahil sa tagal at init ng aming laban sa Tekken.
" matigas kang babae ka..!"
Natalo ko na siya dahil sa kaka-katak niya sa akin.
Sabay akong nagsalita sa kanya.
" O ano.. ha..? Natalo ka na.. May gatas ka pa kase sa labi para maglaro ng ganito eh..! Dapat ang mga nilalaro mo ung mga kotseng laruan. Ganun."
" Hindi pa ako nagseseryoso noh!" sabi ni Jake
" Sabihin mo na lang talunan ka!"
" babalik pa ako! Tatalunin kita!" sabi ni Jake
Umalis na si Jake dahil sa kahihiyan na natalo sa isang babae.
" Eh wala naman palang binatbat."
Lumapit sa akin si Lawrence.
" Tara na.. Hatid ka na namin pauwi baka nag-aalala na si Tita."
Hindi namin namalayan na ginabi na kami. Kaya hinatid nalang ako ni Lawrence. Pero sila Kurt , Ian, at Sam ay nagsi-uwi na kase may exam pa sila.
Pagkarating ko sa harap ng bahay ko ay bumaba na ako sa likod ng motor ni Lawrence.
" Salamat Lawrence.."
" Walang anuman.. Kahit araw-arawin ko pa ang paghatid sa iyo."
" Ah sus..! Ang sweet naman ni Pareng Lawrence! Sige papasok na ako sa bahay. Kita na lang tayo bukas ha.."
Ngumiti ako sa kanya at gayundin siya. Hindi na ako magsisinungaling pero gwapo siya. Singkit ang mga mata niya maputi parang kahawig niya si Kim Soo Hyun. Tahimik lang at malambing. Siya na ung best friend ko.
" Mag-ingat ka ha..!"
Tas umalis na siya. Pumasok na ako sa bahay ko para magbihis. Pagkatapos ay kumain ng hapunan. Biglang nagtanong sa akin si Mama.
" Anak.. Bakit ginabi ka?"
" Pumunta lang ako ng mall."
" Nag video games kana naman noh?"
" Opo ma... Pero kasama ko naman sila Lawrence."
Tumawa sa akin si Mama para siyang naghi
hinala.
" Ay sus.. Nagdate ba kayo ni Lawrence?"
" Ma hindi. Friend ko lang siya."
( Continue...)