Tula #11

401 5 0
                                    

Sa bawat paglapit mo sakin
Gustong-gusto kong umamin
Sa bawat pagdating mo
Nais kong tumakbo palayo

Ilang hakbang ba patungo sayo?
Ilang katok pa ba sa puso mo?
Hindi mo pa ba nahahalata?
Sa kilos ko't salita?

Ilang beses kong binalak umamin
Ilang beses kong sinubukang sabihin
Sabihin ang lahat-lahat sa akin
Sabihin ang tinatago ng damdamin

Lagi kong pinipigilan ang kilig
Kahit pa lubos kang kaibig-ibig
Mapait akong ngumingiti t'wing may kasama kang iba
Kahit pa sabihin nilang, kaibigan mo lang siya

Ano mo lang ba ako?
Nagkagusto lang naman ako sayo
Nagmahal sayo ng husto
Minahal ka kahit pa sa malayo

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon