Sa pagpasok mo sa umaga
Hindi ko magawang batiin ka
Kinakabahan ako t'wing nasa likod na kita
Tila kumakatok ang salitang "mahal kita""Mahal kita" salitang hindi ko masabi sayo
Pagkat ayokong may magbago sa trato mo
Sa trato mong nakasanayan ko
Sa trato mong hinangaan koMadalas kitang tititgan
Yung tipong ako lang ang may alam
Madalas din kitang ngitian
Kahit 'di mo ako pinagbibigyanAyokong sabihan ka ng "PAALAM"
Dahil una sa lahat, 'di kita kayang iwanan
Pangalawa, nahihiya akong magsalita
Baka malaman mong mahal na kitaMadalas man kitang hindi binabati
Lagi mo naman akong pinapangiti
Lagi mo akong pinapakilig
Hanggang umabot sa ako'y napa-ibig
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...