CHAPTER 18

2.1K 72 0
                                    

Nagising nalang ako ng maramdaman ko na may naka hawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino, nakita ko si kuya Lucas na naka upo at natutulog habang hawak-hawak ang kamay ko. Nandito rin sina Luke na nakasandal lang sa pintuan habang nakapikit ang kanyang mata. Sina Axel, Kyle, at Crade naman ay naka upo lang sa sofa at natutulog ng mahimbing. "K-kuya?", ginalaw ko ang aking kamay para gisingin si kuya. Ilang saglit lang nagising siya agad. "Claire! Gising ka na! Wala na bang sumasakit sayo? Ok ka lang?"

"Oo kuya, ok lang ako. Wala ka na dapat na ipag-alala"

"Salamat naman"

"Claire!", nagising na sina Axel at pumunta sa likod ni kuya. Wala parin nag-babago sa pwesto ni Luke. Hindi parin siya gumagalaw. Nakapikit parin siya. Ayos lang kaya siya? "Sa tingin ko dapat ng malaman ni Claire ang sikreto natin", may tinatagong sikreto sila sa akin?

"Tama si Crade", tinignan ako ng seryoso ni Axel. Ano bang pinagsasabi nila?

"Ako na magsasabi. Claire, wag ka sanang magalit kung tinago namin sayo ito. Sa totoo lang, may kapangyarihan kami. Ako, kaya kong magpawala ng ala-ala ng isang tao gamit ang mata ko. Pero pag binalik ni Xylem ang ala-ala ng taong ginamitan ko ng kapangyarihan ko, hindi ko na magagawa pa ang kapangyarihan ko sa taong yon. Katulad ng sayo Claire". Yon ba ang ibig sabihin ni Kyle? Kapag binalik ni Xylem ang ala-ala ko, hindi na uubra pa ang kapangyarihan sa akin ni Axel? Naiintindihan ko na ngayon.

"Si Crade naman, kaya niyang makakita ng panaginip ng isang tao. Kaya niya rin makakita kahit pa sa malayong lugar. Kaya minsan, naka salamin siya", tama ako ng iniisip ng kaninang madaling araw. Sabi ko na nga ba at nakita ni Crade ang panaginip ko kaya siya takot na takot at agad na umalis kanina.

"Si Tyler, kaya niyang saktan ang isang tao gamit ang kanyang kamay kahit pa sa malayo. Si Xylem naman, kaya niyang mag-pabalik ng ala-ala. Katulad ng ginawa niya sayo", sabi ko na nga ba si Tyler ang gumagawa sa amin non. Kaya pala ang kamay niya minsan naka tapat nalang sa amin ni Kyle at maya-maya bigla nalang kami nakakaramdam ng sakit.

"Hindi pa namin malaman ang kapangyarihan nina Simon at sa dalawa pang miyembro ng TDP". Meron din si Simon? Hindi na ako magtataka pa kung may kapangyarihan din siya. Miyembro siya ng TDP kaya normal lang na may kapangyarihan din siya.

"Si Lucas o ang kuya mo, kaya niyang mag-pagaling ng sugat. Pero mapupunta ito sa kanya"

"Kung ganon habang ginagamot niya ako, lahat ng sugat ko napupunta sa kanya?"

"Tama ka Claire. But don't worry, mabilis lang mawala ang sugat na napupunta sa akin. Kahit tignan mo pa ito, wala ka ng makikita pang sugat". Pinakita niya sa akin yung braso niya. Sobrang kinis ng balat niya. Wala akong nakitang peklat kahit maliit man lang. Hays.. Simula ngayon, hindi na ako papayag pa na mag-pagamot kay kuya. Ayoko ng mahirapan pa si kuya dahil sa mga sugat na natamo ko.

"Si Kyle, kaya niyang pumigil ng kapangyarihan. Katapat niya si Tyler"

"Kung kaya mo naman palang pigilan ang kapangyarihan ni Tyler, bakit hindi mo ginawa?"

"Hindi mo naiintindihan Claire. Hindi namin magagawa ng maayos ang kapangyarihan o kakayahan namin, hangga't wala sa amin ang libro"

Ang libro? Ito ba ang misyon ko dito? Ang hanapin ang dalawang libro para magamit nila ng maayos ang kanilang kapangyarihan? At para matalo narin nila ang TDP at mailigtas na ang mga inosenteng taong nakulong dito sa Devihell School?

"Tama ka Claire, yon nga ang dapat mong gawin at wala ng iba". Naglakad ng mabagal si Luke palapit sa amin. Paano niya nalaman ang iniisip ko!? Teka ano ba ang kapangyarihan ng isang ito? "Si Luke naman kaya niya__"

"Ako na mag-sasabi. Lumabas na kayo". Hindi na sila nag-react pa, agad na silang lumabas ng Clinic. Lalabas narin sana si Luke pero pinigilan ko siya. "T-teka! Hindi mo pa sinasabi sa akin yung.. Alam mo na", hindi ko na sinabi sa kanya kung ano ang gusto kong malaman sa kanya. Dahil alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin. Tsaka sabi niya siya na mismo ang magsasabi sa akin kung ano ang kapangyarihan niya. Tapos ngayon lalabas siya? Trip niya ba ako?

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon