Catching Stars

1.2K 64 12
                                    

Catching Stars

AN:

I'm depressed. Ang corny nito promise.

It was just as if yesterday that we were still together.

Huminga ka ng malalim. Ilang araw na rin noong nagdesisyon syang iwan ka. Ang iwan ang EXO.

Kung bakit, hindi mo alam. Tiningnan mo ang huling litratong meron siya kasama sila. Kasama ka.

Sa sobrang saya nyong dalawa, hindi mo inisip na may problema. Nagulat ka na lang na isang araw, WALA NA SIYA.



INIWAN KA NA NYA.

--

Ilang oras ka ring nakahiga sa kama mo. Ilang araw ka nang ganito. Inisip mo kung bakit nagkaganito. Nag-iisip ka nang makita mo ang pamilyar na bagay na nakapatong sa mesa mo.

"The guy from the galaxy" ang pamagat nito. Ngumiti ka ng malungkot. Naaalala mo na naman siya. Kinuha mo ang libro at ipinatong sa hita mo. Naalala mo kung gano mo siya pagtawanan kapag sinasabi niyang makakapunta siya roon.

Binuklat mo ang susunod na pahina. Hindi mo namalayan ang isang luhang umagos sa pisngi mo. May isang papel na nakaipit dito. Taglay ng papel na iyon ang mga larawang iginuhit ng mahal mo. Ilang beses nya ipinagmalaki sayo kung gaano siya kagaling kahit sa loob loob mo ay gusto mo nang humagalpak sa sahig.

Tiningnan mo ang larawang iginuhit nya. Marahas mong hinawi ang mga luhang lumandas sa pisngi mo at pumunta sa susunod na pahina.

Pero ang susunod na laman nito..ay isang bagay na hindi mo inaasahang makita.

Isa itong lumang larawan ninyong dalawa. Kinuha mo ito at pinagmasdan. Naalala mo kung pano mo siya hangaan noon. Kung pano ka tumalon kapag pinapanood mo siya. Kung gaano ka kasaya para sakanya kapag may natatanggap sila.

Ibabalik mo na sana ang litrato nang makita mong may nakasulat sa likod..

"A wish is just a foolish excuse for failure to get what you want"

Napahagulgol ka sa nabasa mo. Hindi mo akalaing dinamdam nya iyon.

Naalala mo yung gabing sinabi nya sayo ang mga pangarap nya..Pero tulad ng dati..pinagtawanan mo siya..

FLASHBACK

Nandito kayo ng kasintahan mong si Kris Wu sa damuhan at nags-star gazing.

"Baobei.." yan ang tawag nya sayo. Kahit hindi mo maintindihan ay hinayaan mo na lang sya.

"Baobei.." ulit nya

"Hmm?" sagot mo naman habang nakatingin sa mga bituin

"Alam mo bang kung wala ang mga bituin sa langit, pwede ka pa ring humiling??"

"Ha??"

"Sabi kasi nila, kapag sa bituin ka raw humiling, ilang milyong taon ka nang huli. Kaya sa buwan na lang."

"San mo naman nakuha yan?" Natatawa mong tanong.

"Basta. Alam mo ba, hiniling ko sa buwan na sana, balang araw, maabot ko ang mga pangarap ko. Na sana habang buhay, magkasama tayo."

"Kris, A wish is just a foolish excuse for failure to get what you want" sabi mo sakanya.

Saglit siyang nag-iwas ng tingin at malungkot kang tiningnan. Bigla kang nakonsensya sa mga sinabi mo.

"Kris..hindi ko sinasa-"

"Okay lang. Tama ka naman" turan nya sayo at ngumiti ng malungkot.

Hindi mo alam na iyon na pala ang huling beses ninyong pagkikita.

END OF FLASHBACK

Naiyak ka lalo sa naalala mo. Lumabas ka ng bahay nyo para makapag-isip at magpahangin. Tumingin ka sa langit. Walang ni isang bituin dahil natatakpan sila ng mga ulap. Pero hindi alintana nito ang liwanag na nagmumula sa buwan.

Hindi ka naniniwala sa hiling pero sinubukan mo. Pinikit mo ang iyong mga mata at sinabi ang laman ng puso mo.

"Kris, kung nasaan ka man ngayon, sana marinig mo ako." Totoo palang ang babaeng desperada, kung ano-ano ang pinaniniwalaan. Ngumiti ka ng mapakla. Kung maibabalik lang ang oras..

"Kris, nakikiusap ako sayo. Bumalik ka na sakin. Bumalik ka na sa EXO.." Sabi mo bago mo tuluyang idilat ang mga mata mo. Nagpakawala ka ng isang malalim na buntong hininga. Hahakbang ka na sana nang biglang may tumawag sa pangalan mo na nagpatigil sa mundo mo..

"Kris.." bulong mo at tuluyang hinarap ang taong nasa likod mo.

Tumakbo ka patungo sakanya. Sa taong hinihintay mo. Sa taong mahal mo. Sa taong hiling mo.

Catching Stars(One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon