Maraming ikinahon
sa mahabang panahon.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Ang bawat araw na nagdaraan
ay nagiging isang nakaraan.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Mga luhang tinipon
sa pusong nalunod maghapon.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Katawang nanghihina
kahit di naman nagugutom.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Unos na dumadaloy sa mukha
habang sinasabi ang katagang "Para !"
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Inikot ang paningin sa kung saan
Nag-aabang ng muling masasakyan.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Poste ang tanging naging sandalan
Habang nakamasid ang mga taong nagdaraan.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Inihakbang ang mga paa
Patungo sa dulo ng kalsada.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Kung minsan, ang pusong walang laman
ay mas mainam na, dahil ligtas naman.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Ang kaso'y dumating ka
Ngayon ako'y may kasama na.
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Sinabi mong ako'y iyong sasamahan
Kaya't sabay natin itong mararamdaman.
Ang
Lungkot...
Pag-aalala...
Takot...
Lahat ng ito'y mapapalis.
At mapapalitan ng...
Saya...
Tiwala... at
Pag-asa...