chapter 24

10K 350 13
                                    


Chapter 24

I'm trying so hard to remember my past that night. I really wanna know how we got to know. He is ahead of us, maybe a year or two. Naging sobrang interested ako sa ideyang friends kami dati. At the same time ay nanghinayang akong boyfriend siya ng kapatid.

Nawala ang kalasingan ko sa presensya ni Brandon kanina, pati antok ay tinakasan ako. Kaya nanood nalang ako ng mga brutal movies sa YouTube. Hoping to trigger something in my mind pero inabot nalang ako ng limang movies at inumaga ay wala talaga.

I spend my next day at home. Natulog ako buong araw. Kinatok ako ni Tito nang mag tanghali pero hindi ako bumangon, it's Saturday at wala siyang pasok samantalang yung mga pinsan ko ay may kanya-kanyang lakad barkada.

I feel so drain when I wake up late afternoon. Wala pa akong ligo sa araw na iyun at ayokong maglilikot. Wala akong lakas. Naligo ako upang mahimasmasan at nang makakain na dahil kumakalam na yung sikmura ko. Sa  dinning ay mag isa ako, may post it na iniwan si Tito sa ref na may lakad siya ng mga kumpare niya.

Hindi rin ako ginambala ni Brandon, siguro galit siya sa ginawa ko. Okay lang, sige lang magalit ka lang sa akin para hindi mo na ako alalahanin pa. Hanggang dito nalang tayo Brandon.

Mapait man sa parte ko ay kailangan ko iyung gawin, lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya at alam ko namang hindi talaga pwede.

The whole week ay nasa bahay lang ako, tinawagan ako ni Tita Ging at kinumusta. Tinanong ko siya tungkol sa kondisyon ko at hindi siya nakapagsalita. Umiyak lang siya at gusto niyang ayaw ko nang maalala.
  Gaano ba talaga ka brutal ang nangyari sa amin dati? Okay naman kami ah. Lumaki naman kaming walang nanggugulo o problema.

Naging kuryuso tuloy ako.

Kailan ba kasi ako mananaginip na naman.

Buong linggo ay hindi nagparamdam si Brandon, tahimik ang buhay ngunit sobra akong nangungulila sa kanya. Yun bang nasanay narin ako sa presensya niya. Pero tama lang itong nangyayari sa amin, kailangan ko ng masanay na wala na siya. Mula noong ni off ko ang phone ko ay diko na ito binuksan pa upang hindi ako maingganyong etext o tawagan siya. Noong tumawag si Tita Ging ay sa cellphone iyun ni Tito isang gabi dahil hindi nga niya ako makontak

Pinaalam niya rin sa akin na anytime daw ay pupwede akong bumalik sa trabaho. Masaya ako kahit papaano na may babalikan pa pala akong trabaho. Ngunit hindi parin mawala sa isip ko na may mabaong alala. At kalabisan man ay gusto ko iyung sa amin ni Brandon.

Ayoko ko na siyang guluhin pa, hindi man maayos ang huling pagkikita namin ay okay narin yun, ayokong mas lalong manghinayang.

I've decided to go back to France as soon as possible pero babalik muna akong Solana upang sariwain ang alala naming dalawa. Gusto ko mang maalala ang kabataan namin ngunit mahigpit na bilin ni Tita Ging na huwag na dahil masasaktan lang daw ako ng husto at wala pa siya sa tabi ko. Kung babalik man ang alalang iyun ng kusa ay dapat maging handa ako. Ano man ang nangyari noon ay nasisiguro kong grabi ito dahil na trauma ako.

Iniisip ko ang mga posibling ika trauma ng mga tao, ngunit hindi ko madugtungan ang panaginip na iyun.

Tinapon ko ang sim card ko at bumili ng bago. May plane ticket na ako pabalik ng France limang araw mula ngayon. I can feel that my heart is crying ang longing for someone pero hindi ko pwedeng konsintihin ito. Hindi na nga siya nagparamdam Kaya siguro iniisip kong napuno na siya s akin. Okay lang kahit alam ko sa sarili kong hindi Naman talaga. Magiging okay din ako.

Hindi na dapat kami nagkitang muli, nakalimutan ko nga siya sa nakaraan kaya hindi ko na siya dapat pa isali sa ngayon ko.

Ang pait, sobra.

Kaya para mapagbigyan naman itong puso ko ay bumalik akong Solana, mag isa. Habang nasa byahi ay ramdam ko parin ang pangungulila ng aking puso at ang sakit nito. Bakit ba ganito ito kasakit? E sandali lang naman kaming magkasama, ang dali ko namang nahulog.

Mahal na kaya kita?

Omyghad, ang sama ko. Ang sama sama ko. Gabi na ng dumating akong Solana at nag hotel nalang ako tutal tatlong araw lang naman ang pinakamatagal kung pwedeng ilalagi dito babalik agad akong maynila para makalipad pabalik ng France. Nag commute lang ako dahil hindi ko kakayanin magdrive ng dose oras, baka mawala pa ako sa daan.

Nakatulog agad ako sa suit na kinuha ko dahil sa pagod. Masakit ang katawan ko sa kauupo sa bus kaya kinabukasan ay tinanghali ako ng gising.

Agad akong nag ayus at pinuntahan ang dati naming tinuluyan ni Brandon. Naka padlock na ito at may nakalagay na for rent. Umikot ako sa likuran ng bahay at naalala ko doon ang training namin. Naroon parin ang lamesa at ang mga lata ngunit wala ang basyo ng mga bala. Malinis narin ang paligid na parang walang nangyari. Naupo ako roon at tumambay, wala talagang nagagawing mga taong roon dahil malayo sa mga kapitbahay, ang lungkot tuloy.

Nang maghapon ay naglakad-lakad ako, strolling the beautiful place of Solana. Nilibot ko ang mga lugar na hindi namin napuntahan ni Brandon. Sana kasama ko siya ngayon.

Hay naku nag iisip na naman ako.

Napadpad ako sa flower farm at naalala ko ang dulo nito.

The hidden spring.

Gusto kong pumunta roon at siliping may tao ba. On my way ay nakita ko ang batang si Niño na naglalaro sa may malaking puno ng akasya sa loob ng farm. Gusto ko sana siyang tawagin ngunit may lumapit sa kanyang babae at kinuha siya, siguro nanay niya iyun.

Nagtuloy ako sa paglalakad papasok sa liblib na daan. Malayo palang ako ay may naririnig na akong nagkasiyahan. May mga naliligo. Nang makalapit na ako ay nakita kong parehong mga kabataan ang naliligo noong una namin itong nadiskubre. Napangiti akong nakita silang nakakatuwaan kaya hindi na ako tumuloy siguro pwede akong maligo dito bukas bago babyahe pabalik ng Maynila.

Sumakay ako sa nadaang trysikel pagkalabas ko roon at nagpahatid sa hotel. May text ang pinsan ko doon na may naghahanap daw sa akin kaya nagreply agad ako.

Ako:

Sino?

Agad naman siyang nagreply.

Gin:

Yung boyfriend ni ate Ana.

Tumambol bigla ang puso ko. Bumilis ang tibok nito na parang naexcite sa balita.

Ako:

Anong sabi mo?

Hindi ko talaga mapigil ang pagkasabik. Bakit kaya ngayon lang siya nagparamdam?

Gin:

Ang sabi ni papa ay nasa Solana ka Kaya yun din ang sinabi ko.

Nahigit ko ang hininga ko. Susundan Kaya niya ako?















❤ LibRanz01

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon