CHAPTER 8 : Zombie!?

157 4 0
                                    

Inah Arrellano

Si zach ang may kasalanan kung bakit magulo ang buhay ko ngayon kaya di ko akalain na si aaron ang darating. Na wrong send na naman ba si god? di ba dapat si zach ang maging protector ko? hindi si aaron.

"Ako ang protector nya, Ako si Superman"- napasimangot ako sa sinabi nya.

"Bakit ka andito!?".

"Tss.. tinatanong pa ba yon? naramdaman kong kailangan mo ko".

"What!?".

"Let's go".

"Sandali po. comment lang ma'am-sir!".

"Excuse ala kaming panahon sa mga ganyan. patahimikin nyo na si inah".

Hindi na sila naka react ng hilahin ako ni aaron palayo, save by the bell na naman ako. dahil kay aaron, a.k.a My Protector "daw".

Kala ko iuuwi nya na ko pero dinala nya ko sa isang condo unit na ngayon ko lang nakita. Anak ng tokwa!

"Anong ginagawa natin dito!? kala ko ba iuuwi mo na ko!?".

"Hindi pa pwede".

"Ha!? anong di pwede!?".

"May mga reporter's pa sa bahay".

"What!? pati ba naman sa bahay!?".

"Sobrang famous kasi si zach ngayon kaya malamang di ka nila tatantanan".

"Bakit ako ba si zach!?".

"Hindi. pero isa ka sa magiging dahilan ng pagbagsak nya".

"Ha? what do you mean?".

"Yung mga ka competent nya, sinasamantala nila yung issue".

"May mga kaaway sya?".

"Natural. di mawawala yung kompetensya when you entered showbiz".

"Di na talaga sya yung dating zach".

"Kaya you better go away from zach, para di ka nila magamit laban sa pagkasira ng career nya".

Dahil sa sinabi ni aaron bigla akong nag alala para kay zach. mabait ang pagkakakilala ko sa kanya kaya malabong patulan nya sila.

Pero pano naman ang career nya kung di sya lalaban?

"Pagkatapos mo kumain matulog ka na".

"D-dito ko matutulog? No way!".

"Huwag ng matigas ang ulo. don't worry andito lang ako, di kita iiwan".

"Ano!? haha! patawa ka aaron gordon!".

"Alam na to ni jenna. actually sya ang may idea nito".

"What the heck!? Pano sila sa bahay?".

"Ok lang sila. ikaw lang naman ang habol ng mga reporter's".

"Ok lang ako. umuwi ka na".

"No. i insists na samahan ka".

"Sabi ng kaya kong sarili ko".

"Condo ko to. bakit paaalisin mo ko?".

"Fine. akong aalis".

"Ha!? teka!"- pigil nya sakin.

"Ano!?".

"Ako nang aalis".

"Sige tsupe"- napakamot na lang sya.

"Oo na nga".

"Alis na!"- tulak ko sa kanya.

"Teka lang naman!"- harang nya sa pinto.

"Bakit ba!?".

"Good night. feel safe ok? isipin mo lang si Superman darating ako agad".

"Ewan ko sayo! umalis ka na sabi!".

"Bye-

Sinara ko agad yung pinto. it can't be, naging thankful nga ako ng mapalayo sya sakin dahil nararamdaman kong di pa ring sya nakaka moved on sa kagandahan ko tapos ngayon eto na naman sya sa pagpapakita ng interes? again?

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, inaamin ko unang expression ko sa kanya ay puro kalokohan lang ang nasa isip. pero unti unti nakilala ko si aaron.

Kahit may playboy image sya hindi maikakailang may magaganda rin syang katangian na alang sinumang babaeng di magkakagusto.

Kung nakita ko nga agad yon baka nagkagusto rin ako sa kanya kaso iba na ngayon. Kay auntie jenna na sya eh! magkaka- baby na nga sila soon at di pwedeng lolokoloko sya dahil ako ang unang babatok sa kanya para lang matauhan sya.

Naging maayos naman ang tulog ko kahit maraming tumatakbo sa isip ko. One, kung pano ko matutulungan si zach ng hindi lumalapit sa kanya, i think kasi may kasalanan din ako sa nangyari.

Two, kung pano ko iiwas kay aaron. natutuwa akong nandyan sya para sakin pero kung papatulan ko naman ang kabaitan nya baka magka misunderstood pa. sa pagitan ko, nya at ni auntie jenna.

Nag shower agad ako bago bumaba. may nakita naman akong ilang tshirts na panglalaki kaya hiniram ko na rin pamalit.

Hantik na kong mapalundag ng abutan si aaron sa kitchen, nakatalikod sya from where i am habang busy sa pagluluto ng something.

Bubungangaan ko na sana sya ng maamoy ko yung niluluto nya, ang bango! nakakamangha talagang kahit lalaki sya ang galing nyang magluto.

"Good morning!"- bati nya sakin sabay lingon.

"H-ha? G-good morning".

"Tara! let's eat. sakto lang ang baba mo".

"Pano ka nakapasok!?"- wari galit kong sita sa kanya.

"I used my key".

"What!? k-kung ganon kagabi ka pa andito!? anong ginawa mo ha!?".

"Ala naman akong ginawang masama. look, pinagluto kita. by the way, bagay pala sayo yung tshirt ko?"- nakangiti nyang sabi tsaka umupo.

"H-ha? S-sayo to?".

"Oo kanino pa ba?".

"S-sandali. magpapalit ako"- mabilis nya kong nahawakan na pinagtaka ko. nakaupo kasi sya kanina tapos ngayon hawak nya na ko. sino sya? si superman?

"Huwag ka ng mailang sakin inah. gusto lang naman kitang protektahan".

"Kasama ba sa pag protekta mo sakin ang ipagluto ako ng breakfast na dapat kay auntie jenna mo ginagawa? wake up aaron! you'll soon to be dad! magkaka anak na kayo ni auntie at dapat sya ang pinag aaksayahan mo ng oras not me!".

"Pero- gusto ko lang naman-

"Hindi naman mamamatay tao ang mga reporters na yon. I will be ok even if harapin ko sila".

"What!?".

"Yup. aaron, nag isip na ko kagabi. haharapin ko na sila. Zach needs my help".

"Tutulungan mo sya after what he did to you!?".

"Yes"- buo ang loob na sagot ko.

"Tss..".

"Iwan mo na ko aaron please, ayaw kong maging dahilan pa ko ng pag aaway nyo ni auntie jenna, sya ang dapat mas iniintindi mo, hindi ako"- hindi kumikibong lumabas sya ng pinto.

Nanlalata akong napaupo. I know naman na iyon ang mas tamang gawin. Tinawagan ko si chimimay mae para magpadala ng damit na maaring isuot.

Palabas na kami ng itulak nya ko pabalik tsaka nya ko tinitigan na parang nakakita ng multo.

"Problema mo madam mae chan!?"- panlalaki ko ng mata sa kanya.

"Señorita, may zombie sa labas!"- napataas kilay ako.

"ZOMBIE!?".






















MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon