TYNL 1

20 0 0
                                    

Pwede bang ako nalang?
Pwede ba?

---
I am looking at them. They are both happy. Yung paghugit ng kanyang mga labi hanggang sa hindi na makita ang kanyang mga mata. Yung mga ngiti niya na unti unting nagiging tawa, ang sarap pakinggan.

Sana ako nalang.
Pwede bang sa akin nalang?

"Thol, let's go. Learn to let go." Napatawa ako ng mapakla.

Hindi ko nilingon si Jay, mataman pa rin akong nakatitig sa malayo.

Ilang taon na ba akong nag-aantay?
Nag-aantay na maghiwalay sila?
Na maging akin siya.
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ba ako mag-aantay?

"Thol, ilang beses ko na sinabi yan sa sarili ko but... I am still keep coming back to her." Inakbayan niya ako at umiling.

"Malala ka na thol." napatawa siya at ngumiti naman ako ng tipid.

Hanggang tingin na lang siguro muna ako. Kahit malayo, ok na ko dito. Basta masaya siya. Ok na ako.Ok na...

---
"MARK!"

"Oh?" walang lingon kong saad kay Jay. Patuloy lang ako sa pagkain ng lunch namin. Alam ko naman kung ano ang sasabihin niya.

"Matunaw yan..." bulong niya sa akin. Napa-iling ako.

Sabay kaming napatawa.

"Wala pa yung bantay, tol. Unahan mo na." Matalim ko naman siyang tinitigan.

I still respect their relationship kahit gustung gusto kong nasa akin siya.

"Huwag ganon, thol. Ok na ko dito. Basta masaya siya."

He smirks.

"Eh, ikaw? Masaya ka ba?"
And I felt the silence. The silence within me.

Masaya nga ba ako? Oo? Ata?
Pag mahal mo talaga, kaligayahan nalang nila yung nasa isip mo. Yung hindi mo na iisipin kung masaya ka ba, masaya ka pa ba, o kung sasaya ka pa ba.

"Oo naman..." mahina kong saad sa kanya.

---
"Ugh! Nakakainis!" gigil kong saad habang nai-stressed na sa paper works.

Kasi naman ngayon ipapagawa tapos ngayon din agad ipapasa! Like hello? Paano ko naman matatapos iyon kung hindi lang iyon ang ginagawa ko?

"Stressed ka nanaman." rinig kong saad ng katabi ko.

Napa-irap na lang ako sa kawalan at hindi siya pinansin. Dahil kung papansinin ko man ay aawayin ko lang siya sa sobrang inis.

"Huy!" sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Ano ba!"

"Sungit." Nakangiti niyang sabi sa akin. But I keep calm. Pinipilit kong hindi magreact sa ngiti niya, pinipilit kong pigilan kung ano man ang nararamdaman ko sa tuwing nakatitig siya. Pinipilit kong huwag na mahulog.

"Pwede ba. Stop it." pirmi kong saad. Nakita ko ang pag nguso niya sa akin.

"Sorry na pala." How can't you forgive this man especially his face is so cute!

Inirapan ko nalang siya at hindi na muling nagsalita.

IT'S ALMOST eight in the evening, yet hindi pa rin ako tapos. Pero konti na lang ay matatapos ko na rin siguro ito. Ako nalang ang natitira sa department namin.

Tumayo ako para kumuha ng inumin sa pantry. And I heard someone in there? Dahan dahan akong lumapit doon at sinilip muna.

And to my surprise, nakita ko si Mark with Chelsea. I was stunned. Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang kakaibang ngiti ng mga mata niya when he is talking to her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon