Minsan na nga lang ako magka-Crush, war freak pa. Okay lang, highschool palang naman ako eh. Highschool na nga ako, pero ako parin yung Alex na tahimik at hindi nakikisama sa mga tao. Pero nang magkaroon ako ng kaklaseng maganda, kaya lang maingay, war freak pa, parang gusto siyang parating kausapin.
1st day of school na namin ngayong 3rd year highschool na ako. Nahiwalay ako sa mga kaibigan ko nung elementary since 1st year ako eh dahil lahat sila sa public nag-aral. Ayaw kasi ng parents ko na mag aral ako sa public eh.
"My name is Alexander, 15 years old."
Nagpakilala kami isa isa sa harapan, nahihiya nga ako kaya pangalan at edad lang ang nasabi ko, si LJ ang nagpasimuno ng katatawanan pagkatapos ko magsalita, hindi ko alam kung anong nakakatawa. Si LJ? Siya pala yung crush ko since 1st year highschool pa ako. Nahihiya lang ako, kaya hindi ako makapagpapansin sakaniya.
Break time na, wala akong katable sa cafeteria namin. Tinable-an ako ni LJ.
"So you're Alex?" sabi ni LJ, sabay buhos ng coffee sa table ko.
Another girl rescue me, sinigawan niya si LJ.
"Ano bang problema mo? Nananahimik yung tao." Sabi ni? Di ko siya kilala eh.
"So heroine ka na niyan? Remember? I'm a queen in this campus, so don't you ever yell at me again!" Sabi ni LJ ng pasigaw. Actually hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.
"Okay ka lang ba, oh eto hanky, punasan mo nalang yang tapon sa uniform mo. Ako nga pala si Nicole. Ikaw si Alex diba?" Sabi sakin ni Nicole, yan alam ko na pangalan niya, mabait siya pero bakit niya ako pinagtanggol kay LJ
-Nag kwentuhan muna kami ni Nicole sa cafeteria.
"Si LJ? Siya ang unang una kong naka-away dito sa campus dahil sa iisang lalaki, 2nd year pa kami nun. Buti nga hindi na kami magkaklase this year eh." -Nicole
"Bakit?" Sabi ko, I still don't know what to say, di naman ako mahilig makipagkwentuhan eh.
"Inagaw niya kasi yung boyfriend ko, kasi lahat ng aakitin ni LJ nakukuha niya, hindi pa nga ata siya nagseseryoso sa pagmamahal eh, lagi siyang nagpapaiyak ng mga boys" -Nicole
-CLASS TIME AGAIN!-
Teacher: Okay, so here in Music Subject, kailangan malaman natin ang mga marunong sa Instruments or marunong kumanta.
LJ: Why don't you try me, in guitar.
Teacher: Okay LJ, play your favorite guitar music.
LJ: *Plays -Dahan - December Avenue-
Di ko alam kung anong napasok sa utak ko pero parang naging crush ko ulit siya after nung nangyari kanina, bihira kasi ako makakita ng babaeng tumutugtog ng gitara, at favorite song ko pa. DI ko rin alam kung anong pumasok sa isipan ko at bakit bigla nalang akong kumanta.
Alex: Di na muling luluha ♪ ♫
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin ♪ ♫ ♪ ♫
Hanggang sa walang hanggan ♪ ♫
Di na makikinig ang isip ko'y lito ♪ ♫ ♪ ♫
Malaman mo sanang ikaw ang inii-- ♪
Naputol pagkanta ko bigla kasing nagsalita si Teacher.
