Chapter Three

49 0 0
                                    


Dedicated to:
EJBULAN123 and Asan Na Kaya

Thanks guys mwuahugs!

*******

Yelena

"Yelena...."


Ang tinig na iyon saan ko nga ba unang narinig?
Mga pulang mata....

Napabalikwas ako ng bangon dejavú napahawak ako sa aking ulo ang sakit pati ang aking lalamunan parang uminom ako ng maalat na tubig.

Tubig? Sh*t! Tumalon nga pala ako sa tulay! Teka patay na ba ako..?

Pinagmasdan ko ang paligid nasa isang hindi pamilyar na silid ako itim at puti lang ang makikita dito. Kinurot ko ang sarili ko at naramdaman ko ang sakit. Okay buhay pa talaga ako at hindi ito panaginip.

"Gising ka na pala lady Yelena."
Napalingon naman ako sa nagsalita at sana pala hindi ko nalang ginawa.




"Napalingon naman ako sa nagsalita at sana pala hindi ko nalang ginawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Aaaaaaaahhhhhhhh!!! Maligno!!!"

Napaatras ako sa sulok ng kama hanggang sa nahulog pero hindi ko ininda ang sakit ng pagkakabagsak ko at nagsumiksik pa sa sulok ng kwarto.
Nakakatakot ang itsura nya hindi ko alam na nageexist pala talaga si dobby ng Harry potter in real life! Teka baka panaginip lang ito kaya sinampal ko ang sarili ko.

"Ouch! Totoo nga pero... N-nasaan ako...?! S-sino ka...?!"
Naghihisterical parin ako at nagsumiksik pa lalo sa gilid ng silid.

"Huwag kang matakot sakin lady Yelena ako nga po pala si Tobby ang magiging taga silbi mo dito sa palasyo."
Tiningnan ko siya at mukha nga siyang mabait malamlam ang mga mata niya pero di mo talaga maiaalis na matakot ako dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad niya in real life!

"P-palasyo...? A-anong sinasabi mong Palasyo..? At bakit tinatawag mo akong Lady Yelena?"
Kunot noo ko siyang tiningnan ang natatandaan ko lang tumalon ako sa tulay tapos pag gising ko nasa palasyo na ako ano ito lokohan?

"Ang mga prinsipe na po ang magpapaliwanag sa inyo lady Yelena kung kayat magbihis na po kayo at kumain pagkatapos dadalhin ko na kayo sa kanila."

Nilapag niya sa lamesa ang mga pagkain at nakita ko na may itim na dress na nakasampay sa upuan.

"May kailangan pa ba kayo sakin...?Kung meron ay tum a wag lang po kayo... Babalik po ako dito pagkatapos ng isang oras."
Yumukod siya at lumabas na at naiwan akong mag-isa na hindi parin makapaniwala.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto malaki ito may king size bed na kulay itim ang cover pati mga unan. May study table at may katabi rin na bookshelf. Ang kulay ng dingding ay white pero ang kurtina ay itim. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at sumilip dito madilim sa labas pero ang nakakaagaw ng pansin ay ang kulay kahel sa malayong lugar na parang may nasusunog. Napakunot ang noo ko anong lugar ba ang napuntahan ko na ito at paano ako nakarating dito?
Marami pa akong katanungan na ang makakasagot lang ay ang sinasabing mga prinsipe ni Tobby.
Isinara ko na ang bintana at Umupo sa tabi ng lamesa at nagsimulang kumain mukhang normal naman ang pagkain nila dito at masarap.
Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa silid ay ang marangyang chandelier na kung pagmamasdan mo ay totoong mga dyamante.

SEVEN PRINCE OF HELL(the Seven Deadly Sins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon